Sixtyfour Chapter

395 9 1
                                    

Stefan POV

PAG GISING ko ay agad akong napatungo sa c.r at nag toothbrush tsaka nag hilamos bago lumabas ng kwarto. Natigilan naman ako ng maabutan kong nag titipon-tipon na silang lahat sa sala at may kanya kanyang luggage na dala.

So seryoso siya na hindi niya ako pipilitin na sumama? Mag papataasan pa ba kaming dalawa ng pride? Alam ko naman na pinapatigas niya lang ang puso niya sakin, pero alam ko na mahal ako ni Chae. Mahal pa rin namin ang isa't-isa.

"Let's go na Miggy! Ma le-late na tayo sa flight natin!" Sigaw ni Lex kay Miggy. Napatingin naman ako kay Miggy na abala sa pag bubuhat ng mga luggage niya pababa ng hagdan kaya napangisi na lang ako ng may maisip ako.

"Ano ba Miggy?! Ayoko ngang sumama. Bakit mo ba ako pinipilit?!" Pagkukunwari kong sigaw kay Miggy kaya lahat ng atensyon nila ay natuon sakin.

"A'Ah--" Naudlot ang sasabihin ni Miggy nang panlisikan ko siya ng tingin.

"Pero kung ya'n ang gusto mo, sige sasama ako." Dugtong ko at kinuha ko na sa kwarto ko ang ready to go na luggage ko at bumaba na rin. Napatingin ako sa kanila na halatang natawa.

"Mabuti na lang Stefan at NAPILIT ka ni Miggy na sumama." Pang aasar ng mga pinsan ko kaya bahagya na lang akong napangisi at napailing. Alam talaga nila ang kalokohan sa seryosong sitwasyon.

Nauna na silang lumabas at nakita ko si Chae na nakatingin sakin. Napatitig lang rin ako sa mga mata niya, at wala pa ring nag bago. Ang sarap niya pa ring titigan. Nakaka hypnotized.

Chaelyn POV

Sa isang Resort kami sa Hawaii mananatili, kung saan maganda ang karagatan at tanawin. Payapa at sariwa rin ang hangin dun kaya maganda for relaxation. Napag usapan rin naming lahat na wala munang tatanggap ng tawag from businesses and other things na hindi related sa vacation slash engagement party si Lex at Sam. Isa-isa kami ng kwartong kinuha except kina Julean, Tobby, Zach at Sam. Actually gabi na nung marating namin itong resort. Nakakapagod nga kasi sobrang haba ng biyahe.

Lumabas muna ako ng cottage ko upang mag ikot-ikot. Kahit na madilim na sa bandang karagatan ay marami pa rin namang mga taong nag lalakad at yung iba nag lalaro tapos may nag pa-party rin at nag iinuman. Usuall scene lang kapag nasa beach.

"Chae!"

Napatingin ako kay Max na sumigaw sa bandang sulok. Kasama niya ang mga boys at ang mga pinsan namin, except kina Julean at Hailey. Nakaupo sila sa buhanginan na para bang may ginagawa. Lumapit ako kina Max upang alamin ang ginagawa nila.

"Gusto mong sumali? Nag lalaro kami para mas masaya." Aya ni Alexa kaya napangiti naman ako.

"Ano ba ang laro?" Tanong ko na lang at naupo sa tabi ni Miggy. Sandali akong napatingin kay Stefan at nakatingin lang siya sa mga pinsan namin.

"Ganito yung laro.."

"Kapag nag spin ako ng bottle at kung sino ang matapatan nito ay tatanungin ng isang tanong, kahit anong klaseng tanong, at kapag hindi nasagot, iinom to ng isang maliit na baso na may lamang soju." Paliwanag ni Max kaya napatango-tango naman ako.

"Ano? Game?" Tanong nila.

"Sige. Tara."

Sinimulan nang paikutin ni Max ang bottle at tumuon ito kay Miggy kaya nag sigawan kami sabay tawa.

"Yahhh!! Kanina pa ako natatapatan ng bottle!" Singhal ni Miggy which is totoo naman dahil hindi maikakaila sa mukha niya ang pamumula, mukhang tipsy na siya.

"Bottle loves you Migs." Pang aasar sa kanya ni Alexa kaya napatawa na naman kaming lahat. Napatingin na lang ako kay Stefan at ang saya-saya niya. Nakaka satisfied pag masdan.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Where stories live. Discover now