Fiftyfour Chapter

371 6 0
                                    

Max's POV

Kakatapos lang ng kasal ni Hailey at Julean at ngayon kumakain na ang mga bisita dito.

"Picture tayo!" Sigaw ni Alexa kaya napangiti ako.

Parang wala lang nangyaring iyakan kahapon at gulo kanina huh. Tsss.

Pumunta kami kay Hailey at Chae para mag pa-picture kasama si Hailey.

"Uy, sama ako." Singit samin ni Miggy

"Bakit pinsan ka ba namin?" Pangbabara ko sakanya.

"Oo, cousin in law niyo na kaya ako." Sabi niya sabay pout.

"Oh well..." Napasabi na lang ni Lex at tinapat na ang phone niya samin. Nang matapos na kaming mag picture ay kinuha ko yung phone ko sa purse para picturan yung sunset. Ang ganda kase. Habang pinipicturan ko ito ay may napansin akong lalaki na nakatayo malapit sa dagat. It's Enno.

Ano kayang ginagawa niya dun?

Naisipan ko na lang na lapitan siya. Nag kunwari akong hindi ko siya nakita habang papunta ako sa harap ng dagat at tumayo sa hindi kalayuan sa kanya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang kamustahin. Pero natatakot akong mag salita. Natatakot akong baka isumbat niya sakin lahat ng kasalan na ginawa ko sa kanya. Please Enno, say something.

Napakagat na lang ako ng ibabang labi ko para pigilan ang sariling mag salita.

"Remember? Dito mo ko sinagot. I'm so happy that time..." Sira niya sa katahimikan na nagpatigil sakin.

"I feel like i'm the most luckiest man that night." Dugtong niya dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Y'Yeah..."

"I can still remember it. Ang dami na ng memories natin noh?" Saad ko na lang at bahagyang napangiti.

"Yeah, kaya nga pag umalis na tayo dito, iiwan ko na ang lahat ng alaala na kasama kita dito sa lugar na'to..."

Dahan-dahang nag laho ang mga ngiti sa labi ko at napatingin sa kanya na mapait lang na nakangiti habang nakatingin sa mga alon.

"So i'm hoping that you will do the same. Huwag na tayong umasa, baka nga kasi hindi nga talaga tayo para sa isa't-isa. Sana kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita." Dugtong niya na nag paawang sa labi ko kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mata ko.

Gusto kong mag salita pero pakiramdam ko umurong ang dila ko. Nag silabasan na ang mga luha sa mga mata ko at nanginginig na rin ang katawan ko. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko sa takot. Gusto kong umalis pero hindi ako makagalaw. Wala na ba talagang pag-asa? Hindi niya na ba talaga ako mahal? Siguro nga mas mabuti na'to. I think, ito na yung closure naming dalawa.

Mag sasalita na sana ako nang may umakbay sakin.

"Hi miss MA BE. I missed you."

Napaharap na lang ako sa nag salitang nakaakbay sakin at laking gulat ko nang bumungad sa harap ko si Samuel na nakangiti ng wagas.

Anong ginagawa niya dito?

Agad kong pinahiran ang mga luha ko at sandali akong natigilan ng abutan niya ako ng panyo. Tinanggap ko ito at bahagyang napangiti.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon