Twentysix Chapter

357 11 0
                                    

University Olympic Day

Chaelyn POV

Papasok palang ako ng gym ngayon. Hindi lang sina Stefan, mga Monterde's at mga pinsan ko ang manonood kundi buong pamilya ko at University kaya kinakabahan talaga ako ngayon. Para akong sasabog sa kaba.

"Don't be nervous." Bulong ng isang lalaki sa tabi ko at nung tignan ko ito ay si Zach pala. Nginitian ko na lang siya at tumuloy na siya sa loob.

Kaya ko to. Hwaiting!

Pumasok na ako sa loob nung tinawag na ang pangalan ko.



..>>>..


Nandito kami ngayon sa theatre Studio dahil dito gaganapin ang awarding. Pero bakit wala parin si Stefan? Maya maya pangalan ko na ang tatawagin pero wala parin siya.

"We call on Ms. Irene Divinigracia for winning the first place. Pinsing Sports Category."

Kasali pala si Irene.

"And next, Ms.Chaelyn Kim for being at the top, Taekwando Sports Category."

Lahat ng tao ay nag papalakpakan nung lumabas ako. Sinabit nila ang isang gold medal sakin at binigyan ako ng trophy.

Napangiti nalang ako nung makita ko si Stefan sa entrance ng Theatre.

Maya maya pa ay natapos na ang awarding and as usual, picture taking na naman.

"Love congrats." Sabi ni Stefan nung makalapit siya sakin sabay halik sa pisngi ko at binigay niya sakin ang isang bouquet of roses.

"Thank you love."



Irene POV

Napatingin nalang ako kina Chaelyn at Stefan. Mabuti pa si Chaelyn may Stefan. Bagay sila sa isa't-isa.

"Congrats." Nagulat naman ako sa isang lalaki na nag abot sakin ng isang bundle of flowers.

Nung tignan ko kung sino ito ay si Zach pala. Sandali akong natigilan habang nakatingin sa mga bulaklak na binigay niya.

"Salamat Zach." Nakangiti ko na lang na sabi habang nag tataka parin.

"You really did a great job. Kung pwede sana, i'll invite you to have a lunch with me. Pang pa-congrats lang sayo."

Nag dadalawang isip naman akong napangiti sa kanya.

"S'Sige ba."

Pero bakit mo to ginagawa Zach? Alam ko naman na friendly greetings lang yun at friendly treat pero ba't parang may ibang meaning na sumisingit sa isip ko?

Zach POV

Actually yung flowers na binigay ko kay Irene ay dapat kay Chaelyn dahil sa pagkapanalo niya pero nung nakita ko si Stefan na may flowers, naisipan ko nalang na itapon ito pero nung nakita ko si Irene na malungkot na nakatingin kay Chae at Stefan ay naisipan kong ibigay nalang ito sa kanya. Niyaya ko si Irene na mag lunch dahil ayoko na may babaeng nalulungkot. Baka kahit sa paraang ito ay mawala ang lungkot niya. Alam ko parin kasi na kahit papaano ay nasasaktan parin siya kina Stefan at Chaelyn.

"Punta tayo sa isang restaurant kung saan laging pinupuntahan ni mom. Masarap daw kasi mga pagkain du'n." Nakangiti kong sabi sa kanya kaya napatango na lang siya na parang wala sa sarili.

"Hanggang ngayon mahal mo pa rin ang pinsan ko." Saad ko habang tuloy sa pag mamaneho.

"Pero may mahal siyang iba." Malungkot niya namang sagot.

"Mahirap mag mahal kapag may mahal ng iba ang taong mahal mo. Kailangan talaga may masaktan, may mag palaya at mag adjust."

"Naranasan mo na rin ba to? Para kasing may experience eh." Saad niya at pilit na ngumiti.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Where stories live. Discover now