Thirtythree Chapter

293 10 0
                                    

Kinabukasan

Chaelyn POV

Hindi ko na alam kung kaya ko pang mag tagal dito sa Pilipinas lalo na na wala na sina Max at Lex, tapos si Hailey busy narin sa bussiness training niya kasi soon, siya na ang hahawak ng company nila.

Palabas ako ng bahay ngayon para pumunta ng WU.

"San' naman ang punta ng napaka gandang babae na to?" Nakangiting tanong ni Baekhyun habang naka sandal sa sasakyan niya. Napangiti naman ako sa kanya.

"Naks, ngumiti din." Nakangiti niya paring sabi kaya ko siya tinapi sa braso.

"Baliw." Sabi ko nalang.

"Sa'n pala punta mo ngayon?"

"Sa W.U. Kukuhanin ko ang mga requirements ko para pag nag transfer ako sa London mas mapadali."

"London? Du'n mo na tatapusin ang isang taon mong pag-aaral?" Taka niyang tanong kaya napatango na lang ako.

"Kailan ka aalis?"

"Tomorrow na."

"Timing!"

"Bakit?" Kunot noo ko namang tanong sa kanya.

"Sasamahan kita." Sagot niya na ikinatigil ko.

"Huh? Pa'no ang bussiness niyo dito?"

"Si Dad ang mag ma-manage. Tsaka pupunta naman talaga ako sa London next week but since bukas ka aalis ipapa adjust ko na lang ang flight ko. Sasamahan na lang kita bukas."

"Ano ka ba Baekhyun? Mapapagastos ka pa."

"Maliit na bagay basta ikaw."

Bahagya naman akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Hayaan mo na ako na samahan ka dahil mas masaya kapag may kasama ka sa biyahe right?" Giit niya kaya napaisip ako sandali.


"Fine. Bahala ka. Ginusto mo ya'n ha." Pagbibiro ko sa kanya kaya napatawa naman siya.

"Nga pala, alis na ako."

"Hatid na kita." Sabi niya tsaka ako pinag buksan ng pinto ng sasakyan niya.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?Hayst. Sumakay na ako at at umikot naman siya sa driver seat at sinimulan nang paandarin ang sasakyan niya. Di kalaunan ay nakarating na kami sa W.U. Nauna siyang bumaba at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan kaya agad naman akong bumaba.


"Bale maiwan ka na lang dito at ako na lang ang papasok." Sabi ko kay Baekhyun at napansin ko naman na halos lahat ng babae dito sa W.U ay pinagtitinginan at pinag tsi-tsismisan si Baekhyun.

"Ang gwapo niya grabe."

"Oo nga mukha siyang CEO."

"Baka naman isa siyang artista. Artistahin kasi ang mukha niya at ang yaman pa."

Sige bulungan pa mga tsismosa. Rinig ko naman. Aishh!

"Chae!"

Napatigil naman ako sa pag lalakad at nilingon ang tumawag sakin.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Where stories live. Discover now