Chapter 02: My Knight

110 11 16
                                    

-Nami's pov-

Hi guys ako pala si Nami Tiu. Im 18 yrs. old and Im currently a senior high. Excited nako sa bagong school ko na papasukan pero may halo ring kaba. Anyways nandito ako ngayon sa mall bumibili ng mga gamit ko dahil 2 days nalang at may pasok na ako. Kung nagtatanong kayo kung pano ako naka enroll at kung anong school ang papasukan ko? Here's why.

-Flashback-

Kakatapos lang nila Nami maglipat ng gamit at nagpahinga na. Habang nakaupo sila nagpapahinga ay nagtanong si Nami sa nanay niya

"Ma saan po pala ako mag aaral?" tanong ni Nami.

"Dont worry Nami na enroll na kita sa Knightlington Academy, Ang kailangan mo na lang gawin ay bumili nang school supplies. sabi ng nanay ni Nami.

Ok po ma maghahanda lang ako para makabili na ako agad ng school supplies ko, oh btw magkikita po pala kami ng mga kaibigan ko. sabi ni Nami.

-End of Flashback-

-Nami's pov.-

Kakatapos ko lang bumili ng mga gamit ko para sa school. Nandito ako ngayon sa isang cafe sa labas ng mall hinihintay ang mga kaibigan ko. Mahihirapan na kasi kami kung may pasok na kami kaya naisipan namin magkita.

Kailan pa kaya dadating ang dalawang yun?

Nami !!!!!!!!!!! We missed you.

I missed you too guys. Tara mag order na tayo.

-Third person's pov-

A few minutes later natapos narin silang mag order. Naghanap na sila ng table at nag kwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay nag bonding silang magkakaibigan.

5:30 pm na ng magpaalam na sila sa isa't-isa. Nauna nang umuwi ang mga kaibigan ni Nami. Naisipan niyang magpasundo nalang kaya nag text siya sa tatay niya.

Tay, pwede po ba akong magpasundo??sabi ni Nami.

Oo sige hintayin mo lang ako diyan nandito pa kasi ako sa bago kong pagtatrabahuan. sabi ng tatay ni Nami.

Ok po. Nandito po ako sa labas ng mall. Maghihintay po ako. Salamat tay. sabi ni Nami.

-Nami's pov-

Nandito ako ngayon sa labas ng mall hinihintay si papa. Habang naghihintay ako may narinig ako.

Wew jackpot tayo mga pre!
Sabi ni kuya Adik #1

Ang ganda niya ang kinis pa. Wew!
Sabi ni kuya Adik #2

Neng sama ka samin? Hindi ka magsisisi.(insert creepy smile)
Sabi ni kuya Adik #3

Bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig ko. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Habang tumatakbo ako ay sumusunod rin sila. Narinig ko pang sabi ng mga adik na.

Huwag ka nang mahiya neng!(habang tumatakbo si kuya adik #1)

Sumama ka na samin para masaya tayo. Wala pang magsisisi. (Kuya adik #2)

Kahit anong bilis ng pagtakbo ko ay nasusundan parin nila ako. Takbo parin ako ng takbo sa gilid ng kalsada ng malapit na silang makaabot kaya isa lng ang naiisip ko ang tumawid sa kabilang kalsada. Bigla akong napahinto ng makita kong may papalapit pala na van.

Parang nag slow mo ang lahat. Wala na akong magawa kung hindi ang pumikit at hintayin ang pagtama ng van sakin. Habang nakapikit ako ay parang may yumakap sakin na kung ano pero hindi ko na pinansin.

Boogsh! Nakarinig ako ng kalabog. Pero hindi ako nasaktan. Naisipan kong imulat ang mata ko para makita kung ano ang sanhi nang pagkalabog. Laking gulat kong may isang taong nakayakap sakin na para bang pinoprotektahan niya ko.

Pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang van na isang dipa na lang at matatamaan na ako at parang may yupi sa gitna. Pagtingin ko sa taong nagligtas sakin ang ulo niya ay nakayuko at ang isang kamay niya ay nakapulupot sakin at yung isa naman ay nakatuon sa van at direkta itong nakatuon sa mismong yupi ng van.

Para akong nawalan ng mga salita dahil sa takot. Wala na akong naisip kundi ang mapaubo. Napapikit ako ng aking mga mata ng bigla siyang tumayo at pagmulat ko ng aking mata ay nandito na kami sa kabilang sidewalk.

Tiningnan ko ulit ang mukha niya pero dahil palubog na ang araw anino nalang ng mukha niya ang nakikita ko. Pagtingin ko sa bandang leeg niya sa ilalim lang ng tenga niya ay may tattoo. Pabilog ito at may design sa loob ng bilog ngunit hindi ko na ito makita pa dahil madilim na.

Oh my gosh! I almost died! Muntik na akong mabangga ng van! Kung di lang dahil sa lalaking mabait na ito baka angel na ako. Lahat ng yan ay nasa isip ko. Pero hindi ko ito masabi.

Kahit ngayon ay buhat buhat niya parin ako at parang nahiya ako bigla kasi hawak niya ako ng pang bridal style at ang kamay ko naman ay nakapulupot sa kanyang leeg na para bang nakayakap ako sa kanya. Ang gentleman niya.

Umm. Pwede mo na ba akong ibaba?

At hindi niya ako binaba kundi binagsak niya ako. Oo nga BINAGSAK NIYA AKO.!!!

Aray!! Ang sakit! Bakit mo ba ako binagsak eh sabi ko naman sayo ibaba! Sabi ko sa kanya habang nakaupo. Ang sakit kaya ng pwet ko kayo kaya ibagsak. Huhuhuhu 😭 hindi nga ako nabangga pero nabagsak naman ako.

Tch stupid human...

Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at umalis.

Nagtext si papa na malapit na siya.

Hindi manlang ako naka sabi ng thank you sa kanyang harapan dahil sa sakit ng katawan ko. Pero alam kong mabuti ang puso niya.
Thank you so much for saving me. I owe you my life. Till we meet again.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bye My Savior , Bye My Knight......

................................................................
A/n: Sorry talaga guys kung matagal akong hindi naka update. Masyadong busy kasi sa school alam niyo na. Pero sa mga nagbabasa ng book na ito salamat at naisipan niyong basahin ang book ko. Ill try to update more and fast. Till then maraming salamat talaga guys. Heart heart😘. Toodles🤗😄...





























Knightlington AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum