Chapter 1 - She's Moving Out

217 8 0
                                    

Isinuot ko ang relo ko.

I'm wearing a black long sleeves with white lining and a white pants.

Hindi maitatago sa 'kin ngayon ang tuwang nararamdaman ko dahil sa wakas, naibigay na ang hustisya kay Dad. This means new beginning for all of us as we move on from the past.

Lumabas ako ng aking kwarto at dali-daling bumaba.

"Mareuz, may iba kang lakad?" napalingon ako sa biglang nagsalita mula sa living room.

Si Rob!

The moment na makita ko siya, bigla kong naalala na ngayon pala namin dapat aasikasuhin 'yung mga requirements para sa pagtatayo ng office ko. Balak ko kasing mag-put up ng legal service and law office. Ito ang naisip kong pagkaabalahan. Tapos sa-sideline ako sa kompanya kapag kailanganin ni Matt ang tulong ko.

"Uhmm, maybe we can do it some other time. May biglaan akong lakad eh!"

"Ganoon?" sabay kamot niya sa ulo.

"Sayang naman kinancel ko pa naman 'yung date ko ngayon dahil akala ko naman urgent. Diba 'yun ang sabi mo no'ng tunawag ka nung isang araw?" dagdag niya.

Bigla ko ring naalalang sinabi ko nga 'yon.

"Tawagan mo na lang 'yung ka-date mo. Tuloy niyo na lang!" sambit ko as if it's no big deal.

Napa-tingin ako sa aking relo.

"Kailangan ko nang umalis."

Agad akong nagmadaling lumabas. In-abot agad ng guard na nag-park sa sasakyan ang susi.

"Thank you," sagot ko sabay kuha ito.

Pinaharurot ko ang sasakyan.

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa kanilang bahay. Buti na lang hindi masyadong traffic ngayon.

Nag-doorbell ako saka napa-sandal sa aking sasakyan habang hinihintay na may lumabas.

Ilang segundo pa ay nagbukas ang pinto. I gestured a smile when I saw who it is.

"You really came!" sambit niya habang papalapit siya sa 'kin.

Kapansin-pansin pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit pinipilit niyang itago.

"Of course!" sagot ko habang nakamasid sa kaniya.

Right now, hindi siya naka-ayos but still gorgeous. She wears a sleeveless shirt and a long pants.

Binuksan niya ang gate.

"Akala ko may lalakarin kayo ni Rob?"

"Pwede namang gawin some other time! Mas gusto kong tulungan ka sa pag-pack ng mga gamit mo!"

Ngumiti siya ng bahagya sa sinabi ko saka kami naglakad papasok ng bahay.

"Right now, I'm packing my things up in my room!" sambit niya sabay turo niya sa taas.

Maybe you're wondering what we're talking about?

Behind The AlibiWhere stories live. Discover now