CHAPTER 27: BORACAY 1

Bắt đầu từ đầu
                                    

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapag na kami sa airport ng Caticlan at hindi pa nagigising ang katabi ko. Gigisingin ko kaya? Huwag na! Hindi niya ako ginising nung isang araw eh! Nagsitayuan na ang iba ang nagsilabasan na rin pero mukhang magdadalawang isip pa ako kung gigisingin ko na o hindi. Pinagmasdan ko siya. Napakapeaceful niyang matulog. Mukha siyang pusa. Ang cute. Shet. Ambading!

Gigisingin ko ba? Kinuha ko ang iphone ko at pinicturan siya. Nakatatlong shots ako at nakita ko siyang gumalaw. Shet. Gising na kaya? Ngeeek! Umayos pa siya ng pwesto. Pinicturan ko ulit.

"Ui paps! Tara!" Aya sa akin ni Jeff.

"Sige" sang ayon ko.

Gigisingin ko ba? Tsk. Bahala siya diyan. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Naglakad na ako palayo pero mukhang nakokonsensya ako. Gigisingin ko na nga. Bumalik ako pero nakita kong may gumising na pala sa kanya. Iyong lalaking tumabi sa kanya kanina na pinaalis ko. Lumapit parin ako at walang pasabing tinabig ko ang lalaki.

"Vex. Lets go" sabi ko.

Hindi naman siya sumagot at kinuha ang bag niya. Nagpatiuna na akong bumaba at nasa likuran ko siya. Sumakay ulit kami sa Ferry at nakatingin lang ako sa kanya. Mukhang antok pa siya. Matapos ang byaheng nakakabagot ay dumaong narin ang Ferry sa dalampasigan.

LIYA'S POV

Matapos ang mainit at mapawis na byahe ay nakapagcheck in na rin kami. Sobrang inet at nanlalagkit na ako. Nagtungo kaming lift at pinindot namin ang 8. Nasa 8th floor kasi ang room namin and take note suite ang binigay sa amin. Hahahahaha. Syempre nirequest namin kay Cloyd. Madaya na kung madaya pero who cares? Pagbukas namin sa pintuan ay bumungad sa amin ang malawak na living room.

"Waaaaaaaaaaa!!! Breath taking views!" Sigaw ni Gael at may terrace.

Nagpicture picture pa siya ng dalawang dosena. Naupo lang kami sa couch at naglibot naman si Clei at Mitch sa mga rooms.

"Girls! 2 connecting rooms. 4 beds and 3 beds. Bahala na kayo kung saan na kayo matutulog" sigaw ni Mitch.

"Dun ako sa isa may 3 beds!" Sigaw ko at binuhat ang maleta.

Sumunod na rin sa akin si Vexia. Pagdating namin sa room ay agad siyang humiga.

"Matutulog ka?" Tanong ko.

"" tipid na sagot niya.

"Ano ba naman. Nandito kaya tayo para magrelax" sabi ko at dumirechong banyo. Makaligo na nga muna.

"What am I doing then?" Siya.

"Whatever." Bulong ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at iniwan ko na siyang natutulog.

"Si Vexia?" Tanong ni Clei sa akin. Ready na silang lahat. Nakabihis na sila at ready ng magpaitim.

"Comatose" tipid kong sagot.

"Okay. Lets goooo!!!" Si Gael at nauna na siyang lumabas.

Halata talaga sa babaeng ito ang excitement. Lumabas na rin kami at naabutan namin ang Guardians na palabas narin sa suite nila.

"Hi Girls!" Bati nila

Ngumiti lang kami. At nauna na kaming pumasok sa lift at sumunod sila. Malawak ang lift kaya kasya kaming lahat.

"Ako na Zai" si Ian.

"Sure" sagot ni Zai at binigay ang bag niya sa kanya.

"P. A lang?" Komento ko.

"Probably" sagot ni Zai at ngumisi.

"Si cugì nasaan?" Tanong ni Cloyd.

"Natutulog" sagot ni Clei.

The Reaper's LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ