6. Bistado

638 25 2
                                    



"How could you, Ate? How could you?" sumbat ko kay Ate Farida kinabukasan nang pasukin ko siya sa kuwarto niya.

Kinunutan lang niya ako ng noo. "Puwede ba, Dzing, tigilan mo na ang drama mo? Alam ko na. Narinig ko ang usapan ninyo ni Ompong kagabi nang iwan ko kayo sa sala."

Napanganga ako. Hindi ko alam kung paano magre-react doon. Bistado na pala kami ni Kuya Ompong!

"I realized na nagdrama lang pala kayo para makuha ang attention ko. Para maalarma ako na ikaw ang binalingan ni Ompong. At para maisip ko na ako na lang ang magprisintang ligawan niya so he can spare you."

"Eh... kasi, gusto ko lang naman na mapunta ka sa isang matinong lalaki, Ate. At sa mga nanliligaw sa 'yo, alam ko na si Kuya Ompong na ang pinaka-magandang choice dahil nga mahal na mahal ka niya."

"Goodness, Dzing! Hindi pinaglalaruan ang relasyon."

"Sorry na, Ate."

"Walang problema sa akin. Si Ompong ang inaalala ko. Paano kung umasa nang todo 'yong pobre na mamahalin ko nga siya?"

Napangiwi ako sa pagkadismaya. "You mean, hindi mo siya magagawang mahalin?"

"Dzing, sa umpisa pa lang, alam ko na kung mamahalin ko o hindi ang isang lalaki. At hindi ko nararamdaman na mamahalin ko nga si Ompong in the near future."

Biglang naging kasinlaki ng mga mata ni Betty Boop ang mga mata ko. "Eh, bakit pumayag kang makipag-do sa kanya kagabi?"

Siya naman ang napamulagat. "N-nakita mo kami?"

"Oo. Aksidente lang. Kukunin ko sana ang cellphone ko kaya ako bumalik sa game room. Kaya nakita ko kayong... Pero mabilis ko din na binawi ang tingin ko. Hindi pa ako allowed na makapanood ng R-rated scenes."

Nahagod ni Ate ang batok niya. Alam ko na wala namang masakit doon. Pero parang bigla siyang nanlumo. Pagkatapos walang paalam na iniwan niya ako.

Hindi ko talaga maintindihan si Ate. Ang akala ko okay na sila ni Kuya Ompong. Nakipag-do na siya rito kagabi. At hindi ako maniniwala na si Kuya Ompong ang nag-initiate niyon. He was much more of a gentleman to do that. Pero sino nga ba ang makaka-resist sa charm ni Ate?

Pero bakit sinabi niya na hindi niya magagawang mahalin si Kuya Ompong? Nakakalito na talaga.

Palabas na ako nang marinig ko ang tunog ng papalayong kotse ni Ate Farida. Bumalik ako at sumilip sa bintana. Nakaalis na nga siya.

Nang mamataan ko ang PC niya ay umilaw sa utak ko ang isang temptation. Baka masagot ng journal niya ang mga tanong ko.

Kahit nagi-guilty sa gagawin pinili ko pa din na mag-give in sa temptation. Ang katwiran ko, dati naman na talagang ipinapabasa sa akin ni Ate ang journal niya.

Pero hindi ko mabuksan ang file niya. Denied ang password na dating ginagamit namin!

Grabe na ito. Ano nga kaya talaga ang nakalagay sa journal ni Ate Farida para maisipan niyang baguhin ang password na alam ko dati?

Lalo tuloy akong na-curious na malaman. I tried a possible password. Denied pa rin. I tried another one. Nabuksan!

Binasa ko agad ang entry sa date ng huling nabasa ko.

The pain is gradually subsiding. Maybe I'll recover sooner than I expected. If there is a lesson I've learned from this recent past relationship, it is not to give my everything to a guy no matter how much I love him.

Confessions To A Matchmaking Snoop (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon