4. Pretend Suitor

765 32 5
                                    


I donned my sweetest smile and announced my presence. I joined Ate Farida and Kuya Ompong at the breakfast table, half wishing that my plan was not foiled yet.

Tumabi ako kay Kuya Ompong. “Hello! mabuti naman at pinagbigyan mo ang invitation kong mag-breakfast dito ngayon.”

Muntik na akong mapabulalas ng tawa sa nakita kong reaksiyon niya sa akin. It was a cross between a tentative smile and a grimace. “Sabi mo, may pag-uusapan tayo?”

“Yup. Later. In private.”

Sa sinabi kong iyon, umigkas pataas ang mga kilay ni Ate Farida. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Baka kasi mapabulalas ako ng tawa.

Haay! Ang hirap palang magpakaseryoso kapag ang gusto kong gawin ay maglupasay at ilabas ang halakhak na gustung-gusto nang makawala sa lalamunan ko.

Habang kumakain kami panay ang sulyap ko kay Kuya Ompong, sulyap na sinisiguro ko munang nakikita ni Ate Farida bago ko bawiin.

“Ah, Dzing, susunduin ka ba n’ong manliligaw mong si Clausti?”

Uh-huh! Ipinaparinig ni Ate kay Kuya Ompong na may manliligaw ako. Ibig lang sabihin, hindi pa pumapalpak ang plano ko. “Hindi, Ate, pinahinto ko na siya sa panliligaw. Mabuti nga, hindi na nangulit. Wala naman talaga siyang aasahan.” Ugh! Hindi yata masyadong totoo iyon dahil medyo crush ko rin naman si Clausti.

“Bakit naman?”

Secretly ay umani ng pogi points sa akin si Kuya Ompong sa tanong niya. Dahil mas mapapanerbiyos ko si Ate sa isasagot ko. “Eh, hindi ko naman siya type.” Hihintayin ko sanang itanong niya kung ano o sino ang type ko pero hindi na ako nag-gamble pa. Baka kasi makawala pa sa akin ang pagkakataon. “Dahil ang type ko, eh, 'yong matured at responsible na katulad ni Daddy.” Tumingin pa ako kay Kuya Ompong for effect. “'Yong katulad mo.”

Nasamid si Ate Farida. As ever, to the rescue kaagad si Kuya Ompong. Binigyan niya si Ate ng table napkin. Tinapik-tapik pa niya ang likod nito.

“Parang gusto ko ding masamid,” pilyang sabi ko. Napahinto tuloy si Kuya Ompong sa pagtapik sa likod ni Ate.

Nagpaalam na si Ate Farida sa amin. Hindi na niya tinapos ang breakfast niya.

“Dzing...” simula kaagad ni Kuya Ompong paglabas pa lang ni Ate ng dining room.

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa. “Ayokong marinig ni Ate ang pag-uusapan natin. Kung puwede, mag-stroll muna tayo sa labas pagkatapos ng breakfast natin. Doon ko sasabihin sa iyo ang buong kuwento.” 

Mukhang magsasalita na naman si Kuya Ompong pero sinenyasan ko kaagad siya na i-zip muna niya ang bibig niya.

Para uli sa effect ay kumapit pa ako sa braso ni Kuya Ompong nang lumabas kami ng bahay. I am not sure but it would be likely that my sister is secretly watching us.

Nginitian ko uli ng supersweet na ngiti si Kuya Ompong habang nagsasalita ako. “Huwag mong tatanggalin ang kamay ko sa braso mo. Baka nakatingin si Ate. Hindi magiging maganda ang image mo na ibini-build up ko sa kanya.”

Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. I can tell, nage-gets na niya ang plano ko. “You mean, all this—”

“Later. We have to get out first.”

As soon as we got out of earshot, he began to talk. “Nagdadrama ka lang ba, Dzing?”

“You bet, Mr. Smarty. At dahil lang po gusto ko talaga kayong maging okay ni Ate. More than okay, actually. Alam mo naman na boto kami ni Daddy sa iyo. I don’t know about Mommy pero sa palagay ko, gano’n din siya.”

Confessions To A Matchmaking Snoop (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon