2. The Right Guy

1K 33 9
                                    


“Good evening, Farida.”

“Ikaw pala, Ompong.”

Kung maramdamin lang si Kuya Ompong, malamang na nagpaalam na kaagad siya dahil sa kalamigan ng pagtanggap sa kanya ni Ate Farida.

“Para nga pala sa iyo.”

“Salamat.”

I bet hindi man lang inabot ni Ate Farida ang supot ng kastanyas. I tried a little peek from my K-Zone. Nakahalukipkip si Ate. Hindi man lang niya kinuha ang iniaabot ni Kuya Ompong. Kaya siguro ibinaba na lang ni Kuya ang supot sa ibabaw ng center table.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti.”

“Nalaman ko na break na kayo ng boyfriend mo.”

“Kaya pala lapit ka na naman nang lapit.”

I shook my head. Bakit ba ganito ka-rude ang ate ko kay Kuya Ompong?

“Lumalapit ako ngayon, hindi bilang manliligaw kundi bilang kaibigan.”

“Hah! Don’t tell me na papaniwalaan ko 'yang sinasabi mo?”

“Binasted mo na ako, hindi ba?”

“'Yon na nga, eh.”

“Hindi naman ako bobo. Alam ko na kapag binasted ang isang lalaki, normally, walang gusto sa kanya 'yong babae. Kaya nga nakikipagkaibigan na lang ako ngayon.”

“Nakikipagkaibigan ka, eh, bigay ka pa rin nang bigay ng mga kung anu-ano sa akin?”

“Bakit, kahit naman ang mga magkakaibigan, nagbibigayan din ng gifts, ah?”

“Pati flowers?”

Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Ate, sigurado akong nandidilat na naman ang mga mata niya.

“Ano naman ang masama kung magbigay ako sa iyo ng mga bulaklak? Puwede rin namang ibigay iyon sa isang kaibigan.”

Matagal na natahimik sila kaya sumilip na naman ako sa kanila. Hindi lang basta nakahalukipkip si Ate, nakaingos pa siya. At si Kuya Ompong naman, parang aliw na aliw habang nakatingin kay Ate.

“Kapag nakasimangot ka nang ganyan, mukha kang dalagang malapit nang kupasan ng regla.”

Natakpan ko ng kamay ang bibig ko bago pa ako mapabulalas ng tawa. Hindi lang dahil sa sinabi ni Kuya Ompong kundi sa biglang panlalaki ng mga mata ni Ate Farida. Kung mayroon mang isang bagay na talagang magpapainit ng ulo ni Ate, iyon ay ang mapag-usapan na tumatanda na siya.

“How dare you say that to me!”

“Gano’n talaga ang magkakaibigan, hindi lang laging nagbobolahan. Sinasabi nila kung ano ang totoo.”

“Ayokong maging kaibigan ka!”

“Do you want me to be your lover?”

I could say that my sister was beyond boiling point already. Tumayo na kasi siya at pinamaywangan si Kuya Ompong. “Get out!”

Nawala na ang ngisi ni Kuya Ompong. Tumayo na rin ito at ipinamulsa ang mga kamay. “Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin, Farida. Nasubukan ko nang maging mabait sa iyo. Nasubukan ko nang maging prangka. Nasubukan ko na ring maging alaskador. Lahat na ng approach, nasubok ko na sa iyo, pero hanggang ngayon, inis ka pa rin sa akin.

“Huminto na ako ng panliligaw sa iyo kahit ayoko sana. Pumayag na ako na maging magkaibigan na lang tayo. Pero ikaw, iisa pa rin ang treatment na ibinibigay mo sa akin. Ano ba talaga ang naging kasalanan ko sa iyo?

Confessions To A Matchmaking Snoop (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon