Hindi nya na pilit inaalala, but not until now. Gusto nyang alamin kung anong koneksyon sa kanya ni Angela. Kung bakit ganon nalang ang pag-aalala nya rito.

     Tulad ngayon nagpadala sya ng text message sa dalaga na hindi naman nya dapat ginagawa.

     Drink your meds. He texted.

    May pakiramdam kasi sya na hindi ito umiinom ng gamot.

Lunch break ng mga oras na iyon nakaupo sya sa usual table nila kasama si Brena at ang mga SG members. A few table from them nakaupo si Angela kasama si Maelyn.

Nakita nya na binasa ng dalaga ang text. Kitang-kita niya ang pagkunot noo nito, ngunit di nag-abala na sumunod sa kanya.

"Napaka-tigas ng ulo."

He texted her again.

"Drink your medicine now!"

Tumingin ulit ito sa cp nito. Pagkabasa ay nag-angat ito ng tingin. Tinaasan sya nito ng kilay, bago bumalik sa pagkain.

Nagsalubong ang kilay nya dahil duon.

"Dylan are you okay?" si Brena na kanina pa napapansin na panay ang tingin ng binata sa table ni Angela, pagkatapos ay magt-text.

Hindi gusto ni Brena na naaagaw na talaga ni Angela ang pansin ng binata.

Kumuha sya ng pagkain at inilapit sa bibig nito.

"Eat." she smiled sweetly.

Tinanggap naman ni Dylan iyon. Hindi nya pa boyfriend si Dylan, hindi rin ito nanliligaw pero para sa kanya may understanding na sila. M.U kumbaga.

At wala syang balak na maagaw ito ng kahit na sino.

"Sa tingin mo pwede ng gawin ni Angela ang punishment nya?" she asked.

Natigilan ito at tinignan nito si Angela saka hindi umimik.

"I know she's hurt but her punishment is long overdue baka masita tayo." sinadya niya na palambingin ang boses para di mahalata ni Dylan na atat na atat sya na maparusahan ang babaeng iyon.

"Duh...knowing my stepsister alam kong sinadya nya yan para di maparusahan." sabat ni Janice.

Bumuntung hininga si Dylan.

"Kakausapin ko sya"

"No diba may meeting ka pa kay Mrs. Calubat, ako na ang bahalang kumausap kay Angela." she said mas mabuti nang sya ang kumausap rito. Kesa sa ito.

Hindi na umimik si Dylan tumango lang. Bago muling nagtext.

*****

"I said drink your medicine!"

Iyon ulit ang text ni Dylan kay Angela.

Mula sa pagkain ng fries ay kumunot ang noo niya.

"Ano ba ang problema nitong lalaking ito?"

Ngayon alam nya na kung bakit kinuha at binasa ng binata ang reseta nya. Ito pala ang dahilan.

As if susunod sya, she really hate medicine hangga't maiiwasan di sya umiinom nun.
Maisip nya palang ang pait ng gamot na nanayo na ang balahibo nya.

Noong nasa ospital sya sa dextrose pinapadaan ang gamot. She really hate it.

Umub-ob sya sa mesa.

Inaantok parin sya.

"Okay ka lang Gela?" nag-aalalang tanong ni Maelyn.

"Yeah inaantok lang ako." Sagot nya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" hindi si Maelyn ang nagsalita kundi si Dylan na umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi nya.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Where stories live. Discover now