"Ouch." Kahit na nakaramdam sya ng pagkirot sa dibdib, hindi parin nya tinanggal ang pagkakangisi.

     "Yeah right." Malamig nya pagsang-ayon.

     Nangunot ang noo ni Dylan ng mabasa ang kalungkutan sa mga mata niya. Kalungkutan na dagli ring nawala.

     Nang umakto ulit sya lalabas, muli pumigil ang kamay nito sa braso nya.

     "Ano na naman?" Inis na sabi niya.

     "Nasaan ang reseta mo?"

     "Ha?" nalito naman siya. "Hoy ano bang ginagawa mo?" Gulat na tanong nya.

     Kinuha kasi ng binata ang bag nya at hinalungkat iyon.

     Inilibas nito ang reseta sa kanya ng doctor at binasa. Pati mga gamot niya na wala syang balak na ipagpatuloy na inumin ay nilabas nito.

     Nang tila makuntento ibinalik nito ang bag sa kanya.

     "Akina cellphone mo."

     Napa 'ha' na naman sya.

     Umiling ito bago sya muling hinapit at kinuha ang cellphone nya na nakalagay kanya  bulsa. Nagpipindot ito roon bago ibinalik sa kanya.

     "Don’t you dare ride that thing again." May tono ng pagbabanta ang tinig nito. Hinaplos nito ang mga gasgas sa mukha nya. Hindi niya alam kung pang-ilan na pero muli sya nagulat sa sunod na ginawa nito.

     Isang mabilis na halik ang ginawad nito sa noo nya, bago ito mabilis na lumabas.

     Naiwan syang nakatayo. Una nakatulala hanggang sa lumungkot ang expression ng kanyang mukha habang nakatingin sa pinto na nilabasan nito.

*****

     Nalilito si Dylan.

     Hindi niya alam kung bakit ganon ang inasal at ginawa niya sa harap ni Angela.

     Buong linggo syang nag-alala sa babae, sa hindi niya malaman na dahilan.

     Weird pero iyon ang totoo. Hinanap niya at tinanong niya pa ito kay Janice na wala rin naman  maisagot.

     Nakaramdam pa sya ng inis ng tila walang pakialam ito at ang magulang ng mga ito sa pagkawala ng dalaga.

     "Baka bumalik na ng London. Maganda wala na kaming sakit ng ulo." Sagot ng madrasta nito. Ganon na lang ang pagpipigil na sagutin ng pabalang ang nakakatanda babae.

     Isa pa sa nagpadagdag ng kanya inis ay si Gelo. Pakiramdam niya may alam ito at may itinatago tungkol kay Angela.

     And when he saw her again all bruised at may bandage pa sa braso. Parang gusto nyang manuntok. Nagagalit sya sa kung sino man ang nanakit sa babae.

     Gusto nya itong lapitan ng mga oras na iyon tanungin kung sino ang nanakit dito. Sinisigaw ng buong sistema nya na hanapin ang may gawa niyon at parusahangamit ang mga kamay nya. But may isang bagay sya na gustong masigurado, iyon ay kung okay ito, pati narin ang mayakap ito.

      Kaya naman ng dalhin nya ito sa SG Office iyon na ang ginawa nya.

      Nang malanghap nya ang natural na amoy nito, may naramdaman sya kakaiba.

     Alam nya, may parte si Angela sa buhay nya na hindi nya maalala.

     Yes. May amnesia sya. Nagka-amnesia dahil sa nangyari aksidente noon.

     Hindi siya nag-abala na pilitin ang sarili na alalahanin ang mga alaalang nakalimutan...lalo pa at nagbibigay lang iyon ng sakit. Dahil sa tuwing pilit nya inaalala ang mga nakalimutan, paulit-ulit naman na bumabalik sa isip niya ang pagkamatay ng kanya ina.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Where stories live. Discover now