Travel for Love - 3

14 2 0
                                    

CHAPTER THREE

DATE PUBLISHED: July 10, 2018

DATE CREATED: December 29, 2016

“Natasha, kailangan mong magpa-presscon. Ang fans mo sobrang nagpanic noong nabalitaan kang nahimatay! Even the paparazzi, they think that you're pregnant kaya ka nahimatay! Alam mo ba yung telep--” Talak ng talak ang manager daw ni Natasha. Panay ikot nito sa sala habang sinesermunan ako.

“Okay okay.” Sagot ko sa mga sinasabi niya.

“Really, I mean you, haharap sa mga reporters, tatanungin ka nila. Is that okay with you? Not so you huh? ” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit, ganoon naman talaga ang artista diba? Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang gulat na gulat sila.

“I-i just wanna clarify yung mga rumors.” Pagsisinungaling ko.

“O-okay. I'll go ahead. Babalitaan nalang kita kung kailan.” at umalis na sila.

“Babe, wait lang ah? Sa kabilang studio may guesting ako. Hahatid kita mamaya pagkatapos ko. I love you.” Natupad pala ni Jimin ang pangarap niya. Naging sikat siyanh artista. Masaya ako sa kanya pero bakit nga ba kami naghiwalay?

Mag isa nalang sa ako sa kwarto. Tahimik. Pero rinig ko pa din ang mga sigawan sa labas. Gusto ko sanang mapag isip. Pero ang gugulo nila. Siguro naman may rooftop dito?

Dahil sa tulong ng mga napagtanungan ko ay natunton ko ang rooftop. Sa inaasahan ko nga, ito ay tahimik. Mas masarap ang simoy ng hangin dito. Pwede naman sigurong sumigaw dito dahil walang nakakarinig diba? Kahit isa lang? Pumunta ako sa dulo at umakyat. Huminga ako ng malalim “BAKIT AKO NANDITO? HINDI NAMAN TALAGA AKO SI NATASHA!” Akmang bababa na ako ng may yumakap sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakapaulot na nga braso sa bewang ko. “Bastos! Tulong rapist! Tul--” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang umukupa ng labi ko.

Napakalambot nito..

At mainit..

Hindi ko alam kung bakit nanghina ako at hindi nanlaban.

Nakatulala pa din ako ng humiwalay siya. Nakita kong napangisi siya. “So you're not Natasha Flores? Tingin ko din. Tingin ko magiging big news 'to bukas.” Panakot niya. Nanlaki ang mata ko. Hindi maaring malaman nila. Baka kung ano pang gawin sa akin ng mga tao.

“D-don't you dare! I'll sue you! You kissed me! That's harassment!” Pananakot ko din.

Natawa ito na parang joke ang sinabi ko.  “Sue me all you want, at dahil hindi ka nga si Natasha, hindi mo alam na abogado ako.” Kinuha niya ang cellphone niya at parang may tinipa doon.

Ipinakita niya sa akin iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. “Tinext ko na ang isang reporter. Mayroon kalang siguro mga 5 mins para pag isipan kung paano ko ako mapipigilan sabihin ang mga narinig ko. Your time is ticking”

Nataranta ako sa sinabi niya ata alam kong totoo iyon dahil nakita ko ang tinext niya. Sino ba 'tong pakialamero na'to? “I'm sorry po, whoever you are. Pero sana magulo na buhay ko, wag ka ng kumuda diyan!  ” Naiinis kong tugon. Sa kanya.

“3 minutes.”

“Pera? Kailangan mo? I can give you.” Natawa ito.

“Madami ako niyan.” Ilang sandali lang ay may kumakatok sa pintuan ng rooftop. Napatingin kami doon. Namutla ako, sasabihin niya talaga? Magtatago sana ako ng higitin niya ako. “Kiss Me.” Utos niya. Nagpupumiglas ako sa kanya. Ano siya uto?

“Sino kaba para utusan ako na halikan ka? Saka kung hindi mo alam boyfriend ko si Park Jimin! Kaya ikaw, wag ako. Kung hilig mong makialam sa problema ng iba,  pwede ibahin mo ako. Magulo na ang buhay ko. ”

“Then, let me help you. Sasabihin ko na sa kanila ang totoo..” Tumingin ito sa pinto
“Jerry, I'm here. Come here.” Nanlaki ang mata ko. Narinig ko ang paglangitngit ng pintuan.

“Bahala na! ” Mabilis ko siyang kinabig. Muli ko ulit naramdaman ang mainit ngunit napakalambot na bagay. Agad ko sanang babawiin ito ng bigla niyang hapitin ang bewang ko at mas pinalalim ang halik.

“Oh my God! Are you Natasha Flores?! W-why? Are you in a relationship with him? How about Jimin?” Nagtatakang untag ng lalaking kakaakyat lang.

Magpapaliwanag sana ako ng maramdaman kong lumayo sa akin yung kasama ko. Kumunot ang noo ko. “H-hey! Siya yung humalik sa akin! This is harassment!” Lumakad na ito papalayo sa amin ngunit bago ito tuluyang umalis ay mas sinabi ito.

“I will take the responsibility. By the way, I'm Min Yoongi. Nice to meet you too.”

Travel for Love (BTS YOONMIN SHORT STORY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant