Chapter 46: Sem Break

Start from the beginning
                                    

"Sige maiwan ko na muna kayo. Pag may kailangan kayo, sabihin niyo na lang kay Sister Shirley."

Hinintay naming makalabas ng gate ang kotse bago kami pumasok sa loob.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa. Pero hindi pa naman ako nagugutom."

"Tara sa dining area. Breakfast muna tayo," sabi nito.

At mukhang kabisado nito ang pasikut-sikot sa lugar. He must've been here before. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sister Wendy kanina.

Natutuwa ako at nagkita ulit kayong dalawa.

Have we met here before? At nung binanggit ko kay Seth ang tungkol sa orphanage dati, naging palaisipan sa akin ang tanong niya, kung wala daw ba talaga akong maaalala. At lalo akong na-curious sa pagkatao niya.

"Ate anong ulam?" tanong nito paglapit sa counter.

"Tocino, hotdog, longganisa at tapa," sagot ni ate.

Lumingon siya sa akin. "Anong gusto mo?"

"Tocino na lang." Tumalikod ako at umupo sa unang bakanteng mesa.

Pinagmasdan ko si Seth habang nakatayo sa counter. Naka-white shirt lang ito at jeans. Bakit ganon? Iisa lang naman ang suot ng mga lalaki pero iba-iba ang dating nila. Gaya ni Russell. He looks formal kahit naka-simpleng shirt at jeans lang siya. Si Vince naman, sporty. Si Seth, parang easy-go-lucky ang dating.

Lumapit na si Seth at inayos ang pagkain namin sa mesa. At nagsimula na siyang kumain. Sunud-sunod ang subo nito. Parang gutom na gutom. Nangangalahati na ang pagkain niya nang mapasin niyang hindi pa ako kumakain at nakatingin lang ako sa kanya.

"Ba't 'di ka pa kumakain?"

Ngumiti lang ako. "Hindi naman talaga ako gutom."

Pero sinimulan kong galawin ang pagkain ko. Sumubo ako ng konti. Wala pa rin kaming imikan hanggang sa matapos na siyang kumain. And I can't help but stare at his face. His baby face. I held back a grin when he caught me glaring at him.

"Ba't ang sama mo makatingin kanina ka pa?" birong tanong nito.

"Ang takaw mo kasi," palusot ko na lang.

Ngumiti ako, pero sa totoo lang napahiya ako. Slight lang naman.

Tumawa siya. "Ang sarap kasi ng tapa. Na-miss ko nga eh."

Nawala ang ngiti ko. Na-miss daw niya 'yung tapa. Tagarito ba siya dati? Nagpupunta ba siya rito? Nagkita na ba kami dati? Ito ba ang ibig niyang sabihin nung tinanong niya ako kung hindi ko raw ba siya matandaan? Ang lakas ng kaba ko.

"Seth, may itatanong ako."

"Ano 'yon?" he asked with creased brows.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nag-aalangan tuloy ako. Pero kung hindi ko ito tatanungin ngayon, kelan pa?

"Have you've been here before?"

Natigilan ito at umayos ng upo. "Oo."

Napahinto ako sa pagsubo. At bago pa ulit ako makapagtanong, nagsalita ulit ito.

"I was adopted by my foster parents. Dito ako galing."

He's adopted. My jaw literally dropped. Our eyes locked for seconds. At nung mag-sink in na totally sa akin ang ibig sabihin nito, nakaramdam ako ng awa para sa kanya.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Where stories live. Discover now