Chapter 7: We meet again Part 2

350K 2.9K 128
                                    


 
HALEY'S POV

"Uy nasagutan mo ba lahat?" si Jessica.

Katatapos lang kasi ng exam namin.

"Yeah, pero I'm not sure kung tama yung mga sagot ko. " natatawa kong sagot

Madali lang naman yung exam. Favorite subject ko kasi ito. Theories Of Personality. Kahit hindi ako masyadong nagreview alam ko papasa ako. Humble ko noh.

"Ako kasi di ko nasagutan lahat. Ewan ko ba parang nablanko yung utak ko." nakangiting sabi nito.

Ba't parang masaya pa siya at hindi niya nasagutan lahat. At alam ko na ang dahilan. Ganyan na ganyan din siya noon noong first date nila ni Ambrose.

"Puro kasi Tyler ang laman ng utak mo. " pabiro kong sabi.

Actually, I meant what I said. Kilala ko kasi siya. Pag gusto niya ang isang guy, nawawalan siya ng focus sa lahat ng bagay.

"Ewan ko ba. Di ako makapgconcentrate kagabi tuwing maiisip ko yung date namin."

So tama nga ako. Si Tyler na naman ang laman ng utak niya. Natutuwa ako kasi kahit papano nababaling na sa iba ang atensyon niya. Pero hindi ko maiwasang hindi mag alala.

"Bruha ka talaga. Remember major subject natin yun ha. At ikaw pa talaga ngremind saken na pumasok ako para mag exam." paalala ko sa kanya.

Hindi siya pwedeng bumagsak sa kahit na isang major subject. Graduating pa naman kami. At may average kami na kailangang imaintain.  

"Yes Ma'am!" sabi nito sabay saludo

I can see that she's happy. And I'm happy for her. Buti pa siya. Nalungkot na naman ako.. Nakakainggit si Jess.  Naalala ko na naman  si Vince.  Walang araw na hindi ako ako masaya tuwing kasama ko siya at naiisip. Ganyan na ganyan din ako kay Jess noon. Pero noon yun. Wala na kami.

"Haley...."

Nahalata niya na nagbago ang mood ko.

"I'm good. Don't worry." ngumiti ako sa kanya.

I heard her sigh. Alam niyang hindi ako okay. At alam kong nahihirapan na rin siya tuwing nakikita niya ako na malungkot. Kaya ayoko munang magkwento sa kanya. Tsaka na siguro.

"Ok. But can you at least tell me where you've been hanging out lately?"

Pasimple akong tumingin sa kanya. Kinabahan ako. May alam kaya siya. Na laman ako ng iba't ibang bar gabi gabi. Ang corny ba ng trip ko? Broken hearted girl in a bar ang peg. Alone. Crying.

"I'm staying sa condo."

I can't talk about it yet. Alam kong hindi niya magugustuhan ang mga pinaggagagawa ko. Magagalit siya sa akin.

"How about last night?" tanong nito.

Napahinto ako sa paglagay ng mga notes sa bag ko. Lumakas lalo ang kaba ng dibdib ko. Ibang klase kasi siyang magtanong. Akala mo imbestigador.

"What about last night?" kunwari di ko alam ang tinutukoy niya.

Kailangan kong mag isip ng paraan para maiba ang takbo ng usapan. Baka kung saan pa mapunta ito.

" I went there. I waited 'till 2am. I called your house, wala ka dun. I was so worried kaya pinuntahan kita sa condo. " nagdududa na  ito.

This is it. Nagmamadali kong sinara ang bag ko at tumayo. I will not give her a chance to ask one more question. Mabubuking niya ako. Baka hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon