Chapter 41: Untitled

192K 1.4K 205
                                    

HALEY'S POV

Late siya umuwi kagabi. Last time, madaling araw siya dumating. He's acting strange late. And I'm starting to get suspicious. Ilang araw ko na rin iniisip kung paano ko siya tatanungin tungkol dito. But I don't know how. Ayokong isipin niya na pinagdududahan ko siya. But I need to know. This paranoia is killing me.

"Sa gate 1 po ba kayo ma'am?"

Nabaling ang atensiyon ko sa taxi driver. Nagcommute ako kasi sasabay ako kay Russell mamaya. We'll go shopping ng mga gamit sa bahay.

"Oo kuya, pakitabi na lang."

He parked at the side. And a black Lexus parked in front of us. At nagulat ako nang makilala ang isang estudyanteng nagmamadaling bumaba rito.

"Jess?"

She has a new car? Ngayon ko lang nakita ito. Nagmadali kong inabot ang bayad para masabayan ko siya pagpasok. Pero pagdating ko sa lobby wala na ito. Ang bilis naman niyang maglakad. Bakit kaya siya nagmamadali? Mamaya pa naman ang first class namin.

She's acting weird lately. When she was absent last time, she said she woke up late. Which was very unusual. Kung late man ito nagising, knowing Jess, I'm sure papasok pa rin ito kahit na late na siya.

I knew she's keeping something from me. But I won't ask. Kaya siguro kami magkasundo. Pareho kami ng ugali. Hindi namin pinipilit na alamin ang totoo. I'll let her talk when she's ready to talk about it.

Instead of looking for her, I found myself in the canteen. Pumila agad ako sa counter. Tinamad tuloy akong kumain kasi wala akong kasabay. Umorder lang ako ng milkshake.

"Haley!"

Lumingon ako sa kabilang side ng cafe.

Si Seth. May kasama pa siya na dalawa. Kumaway ito at tinuro ang bakanteng upuan sa table nila. Lumapit ako.

"Dito ka na lang. Paalis naman na 'tong dalawa na'to." sabi nito sabay hila ng isang upuan sa tabi niya.

"Ayos ah. Magkakasama tayong dumating dito tapos aalis agad kami." reklamo nung isa.

I know him. Isa siya sa kasama ni Seth nung nasalubong namin sila ni Vince last time. He's also Vince's teammate.

"Oo nga, pasimple pa'to. Gusto mo lang talaga kaming paalisin." sabat naman nung isa.

Ngumiti lang ako at umupo sa tabi ni Seth.

"Ang iingay nyo kasi. Mag rereview kami ni Haley. May test kami mamayang hapon." sabi nito.

"Eh ano naman ngayon? Eh di hindi kami magsasalita." giit nung isa, yung kateam ni Vince sa basketball.

Pinadilatan ni Seth ang dalawang kaibigan. Ayaw talagang umalis ng mga ito.

"Pasensiya ka na. Makukulit kasi itong mga 'to." Seth said in surrender.

"Okay lang naman. Hayaan mo na sila." awat ko sa kanya.

"Siyanga pala, si Nico." tinuro nito ang kateam ni Vince.

"At si Bien." Nakaturo si Seth sa singkit na katabi ni Nico.

"Si Haley." pakilala niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.

"Kilala ko na siya." sabi nung kateam ni Vince. Si Nico.

"Ako hindi pa. Hi Haley!" Bien said and offered a handshake.

I was gonna get it, kaso inawat ni Seth ang kamay niya.

"Wala ng shake hands shake hands, tapos na eh. Napakilala na kita di ba?"

"Sobra naman!" angal ni Bien.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon