Courting Miss Bisexual-02

85 3 0
                                    

-------

Nasa school na kami at gaya nga ng sabi ko kanina ihahatid o isasabay ko si Liam...

Mag pa-park na sana ako sa isang bakanteng parking space ng biglang may nag overtake na kotse at inunahan ako sa pag pa-park. Badtrip.

Bumaba ako pati nadin yung kapatid ko... Kinatok ko yung bintana ng kotse na bigla namang bumaba yung isang dyosa na babae.

Si Gabriela... Hindi ako nakapagsalita ng nakita ko syang nakatingin saakin at nakataas yung isang kilay nya.

" Hi Gab" bati sakanya ng kapatid ko.

Tinanguan nya lang ito at naglakad sya papunta sa kabilang parte ng kotse at binuksan ang pinto dun, isang babae ang lumabas...

Napakunot ako ng noo dahil ibang babae na naman kasama nya..  Inakbayan nya pa.

"What? " nakataas kilay na sabi nya.

Siniko naman ako ng kapatid ko, di ko namalayan na kanina pa pala nasa harapan ko si Gab at ako titig na titig sakanya.

Sinenyasan nya ako na tumabi kaya yun din yung ginawa ko... Pinagmasdan ko syang naglakad palayo . Ang siga nya maglakad pero ang ganda at sexy parin nya , naka backpack din sya , hindi katulad ng ibang babae na naka shoulder bag o handbag.

Napaiwas ako ng tingin ng nakita kong hinawakan nya sa puwet yung babae kasama nya.

Gabriela ang likot ng kamay mo ha.

Nung nakapasok na ako ng kotse, na realize ko na kanina pa pala ako iniwan ng kapatid ko. Tarantadong yun ah.

-----

3 araw along pabalik balik ng opisina,  hindi na ako nakapunta sa school nila Liam dahil sa sobrang busy ng schedule. At ngayon gabi na naman ako nakauwi galing opisina. Bale pang 4 na araw na'to.

Sa labas palang ako ng pintuan sa mansyon ay dinig ko na ang ingay sa loob.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung kapatid kong may dala dalang canned beers papuntang sala.

"Anong meron?" Tanong ko sakanya.

"Inuman bro, mag fa-finals na kasi kaya kailangan muna namin mag relax ng barkada. Sabay ka na saamin." Pag e-explain nya...

Tatanggi pa sana ako ng magsalita sya ulit.

" Nanjan si Gab " sabi nya ng may nakakalokong ngiti.

Sumilip ako sa sala at nakita ko nga sya. Naka jacket sya na malaki at naka shorts na maiksi, sumasayaw sayaw sya na parang baliw. Himala walang babae syang kasama? Sa limang lalaki kasi na nandito sya lang itong babae.

One of the boys?-____-

Nagpalit na ako ng damit, natagalan nga ako sa pagpili dahil gusto ko mapansin nya ako pati na din ata yung bago kong pabango galing Paris nakalahati ko na.

Pagkababa ko ng sala ay nakita kong tulog na tulog na si Gab sa sofa. Seriously?-___-+ nasayang yung effort ko tinulugan lang ako.

Kumuha ako ng isang canned beer sa lamesa at umupo sa isa pang sofa..

Ilang oras din Na kwentuhan kasama ng mga barkada ni Liam ng napagdesisyunan na nilang umuwi.

" pare salamat talaga uwi na kami" sabi nung si JK

papalabas na sila ng pinto ng nagsalita ako.

" paano itong si Gabriela? Sino mag uuwi dito?" Tanong ko sakanila.

Nagkibit balikat lang sila at umalis na.
Tinapik naman ng kapatid ko ang balikat ko .

"Dito na yan matutulog. dun sa guest room bro, pakihatid nalang"

Sabi nya... Hindi pa ako nakapagsalita ay umalis na kaagad sya.

Lumapit na ako kay Gabriela na mukhang angel dahil sa pagkahimbing ng kanyang tulog.

Binuhat ko na sya paakyat ng guest room at dahan dahan syang hiniga sa kama.

Nakatitig lang ako sakanya , hinawakan ko yung pisngi nya, pati yung labi nya na kulay pink. Napalunok ako sa naiisip kong halikan sya habang tulog pero alam kong mali at may respeto ako sakanya.

Nahiga ako sa gilid nya at pinagmasdan lang syang natutulog.. Mga ilang minuto ay napag desisyonan kong umalis nalang ...

Pero nagulat ako sa bigla nyang pagyakap saakin...  Hindi ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko...

God! kailangan makaalis ako, dahil nakakaramdam ako ng matinding init at di ko maipaliwanag na pakiramdam.. Baka magkasala ako at ma rape ko yung babaeng to.. I mean yung bisexual na to.

Dahan dahan Kong inaalis yung mga kamay nyang nakayakap saakin , na ikinitagumpay ko naman.

Nakabangon na ako at paalis na sana ng nagsalita sya....

"Hmmm Ang init" sabi nya...

Binalingan ko naman ng tingin ang aircon,  naka on naman yun,  tiningnan ko ulit so Gabriela na hinubad na pala ang jacket nya.

"Oyyy oy! " yun lang ang sabi ko para sana pigilan sya pero huli na,  naka Bra at short shorts nalang sya ngayon. -___-

Lumapit ako sakanya para kumutan sya at para matakpan ang katawan nya, pero ng kukumutan ko na sya bigla nya nalang ako hinila, ang bilis ng pangyayari at nasa ibabaw ko na sya.

O ____ O gulp...

Lumapit sya saakin hanggang sa nagkalapit na din ang aming mga labi... Hinalikan nya ako ng marahan at sinuklian ko naman yun....

Pinilit nyang hubarin yung shirt ko , pero pinipigilan ko sya dahil alam kong lasing lang sya...

" I... Want... You" she said between our kisses.

Tinulak ko sya ng marahan para mailayo ng kunti saakin , na ikinunot naman ng noo nya..

" no, you're just... Drunk " sabi ko...

Ngumiti lang sya ng nakakaloko at lumapit saakin, akala ko hahalikan nya ulit ako pero....

"Ahhh! Shit!" Biglang sigaw ko dahil sa pagsuka nya sa dibdib ko at natumba din sya sa tabi ko.

"Ughhh! This is so gross! Ughh fck"

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, buti nalang at may katulong akong nakasalubong at sinabihan ko nalang na sya na yung bahala kay Gabriela, pinakunan ko nalang din ng damit ko para pampalit nya....

--------
/Kinaumagahan/

Pagkababa ko palang galing kwarto ay nakita ko na si Gabriela na nag aalmusal mag isa at may nakatayong mga katulong sa gilid nya.

"Goodmorning" bati ko sakanya na tumango lang naman sya at kumain na ng tinapay.

Umupo na ako sa tapat nya at uminom ng kape...

Pinagmasdan ko sya na suot yung polo ko at ang messy ng buhok nya pero ang ganda nya parin tingnan, nahuli nya akong nakatingin sakanya kaya agad ko naman iniwas yung tingin ko dito.

" saan si Liam?" Tanong ko ang awkward kasi dahil ang tahimik naaalala ko tuloy yung nangyari kagabi.

"Nauna ng umalis" sabi nya at kumain ulit.

Pinagmasdan ko yung galaw ng mga labi nya habang ngumunguya, God knows how much i wanted to claim those lips like what happened last night.

Btw, naalala nya kaya yung nangyari kagabi?

" Ahm? Gabriela? About last night... Ahm"

hindi ko napatapos yung sasabihin ko kasi biglang may tumawag sakanya na agad naman nyang sinagot.

"Yes baby Erica? .... Eh?  Kakagising ko lang baby ... Later?  Ok..  I'll see you...  I love you too bye"

Babae na naman-____-

Pagkatapos ng call ay nagpaalam na sya saakin na aalis na daw sya dahil may pupuntahan pa sila ng girlfriend nya-.-

----

Courting Miss Bisexual.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon