SHERLOCK 📝 5

4.1K 98 33
                                    

Vanessa can't help but to giggle inside her car while driving to Sherlock's Haven.

Hanggang ngayon kasi ay naaalala pa rin niya kung paano nagulat si Caelan sa ginawa niyang paghalik sa pisngi nito. Noong una nga, akala niya ay magagalit ito at bubulyawan siya matapos iyong ginawa niya pero hindi. Nawalan bigla ito ng kibo.

As if that was the first time someone kissed him on the cheeks.

She was happily singing while tapping her fingers on the steering wheel when she remembered something.

Kaya naman, mabilis niyang isinuot ang wireless earphone niya sa isang tainga at ini-connect iyon sa kanyang cellphone.

She dialed Ainne's number eventhough she knew that she may still be sleeping at this moment. Pero kailangan niya itong makausap bago pa mawala sa isip niya o bago niya pa makalimutan.

"You know that it's just seven in the morning, right?" Napangisi siya sa naging bungad na iyon ng kaibigan.

She woke her up. Sorry na kaagad doon.

"Uh-huh. I know that and I am aware of that. Good morning to you, my pretty friend." Pambobola niya na sinundan niya ng mabining tawa.

Narinig naman niya ang bahagya nitong pagbungisngis din doon. "I knew it. What do you want this time, Van."

Her grin became wider on that. Kilala na nga siya ng kaibigang ito. Wala pa man siyang sinasabi pero alam na kaagad nito na may kailangan siya.

"Can I extend my stay at Ark's unit? Please? Pretty please?" She tried to sound as cute as she could. Nahiling niya na sana ay gumana iyon sa kaibigan.

Napa-yes siya ng malakas ng walang sere-seremonya itong pumayag at hindi na nagtanong pa sa kanya kung bakit, which is new, by the way. Kasi kapag ganoon na may hinihingi siyang pabor dito, palagi itong nanghihingi ng magandang dahilan.

Oh well...

She just shrugged it off.

Nauna siyang nakarating sa Sherlock's at hindi na niya hinintay pa ang pagdating ni Caelan dahil dire-diretso na siyang pumasok sa kabubukas pa lamang na cafe.

Halos tatlo pa lamang ang nakita niyang costumer na naroroon na hindi rin naman niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Kaagad siyang lumapit sa counter kung nasaan si Joshua na siyang nakatoka ngayon sa pagiging cashier.

"Hi! Good morning!" Masigla niyang bati na agad namang ikinangiti ng lalaki.

The man is handsome, she would admit that. Pero hindi kagaya ni Caelan ang kagwapuhang mayroon ito. Si Caelan kasi, lalaking-lalaki sa lahat ng aspeto samantalang ito namang si Joshua ay pang-boy-next-door ang taglay na kagwapuhan.

"Uy, ma'am! Bumalik kayo."

Tumango siya roon. She checked if Caelan's car was parked outside already, pero ng makita niya na wala pa rin ito ay bahagya siyang napasimangot.

What's taking him so long?

Is he a slow-pace kind of a driver?

Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

Muli niyang nilingon si Joshua na nakatingin sa kanya.

Then a plan suddenly pops in her brilliant mind.

Tingnan lang niya kung hindi na naman mag-alboroto si Caelan dahil sa lalaki.

"Hey? You see, I got no extra clothes here with me so i'm thinking if you could accompany me to the mall, to buy new clothes. Ipagpapaalam na lang kita sa boss mong suplado. Okay lang ba?" She then flashed her oh-so-sweet smile at him, na naging dahilan ng mabilis nitong pagtango.

BOSS Series 2: My Boss Sherlock [5 CHAPTERS PREVIEW]Where stories live. Discover now