SHERLOCK 📝4

3.3K 100 29
                                    

"Why are you opening that unit?"

Hindi naiwasang mag-angat na naman ng kilay si Vanessa dahil sa itinanong na iyon ni Caelan.

Hindi ba nito narinig ang sinabi niya kanina? Nandito siya dahil dito siya magpapalipas ng gabi.

"I'm gonna rob everything inside this unit." Sarkastiko niyang sagot saka ito hinarap. "I told you, i'll be staying at a friend's unit and that unit, is this." Iminuwestra niya ang pintuan na nasa likod gamit ang isang kamay na hindi nito hawak. "Masaya ka na? Did I already answered your question?"

Pero sa halip na sagutin ay pinaningkitan lamang siya nito ng mga mata na tila ba sinusuri kung nagsasabi ba siya ng katotohanan o hindi.

She huffed a sigh before shrugging her arm that is being held by his warm hand.

Masarap man sa pakiramdam na hawak nito ang kanyang braso, minabuti niya na alisin iyon dahil masyado siyang nadi-distract sa simpleng paglalapat na ng kanilang mga balat.

"Are you aware that the owner of that unit is a guy?"

Mabilis siyang tumango roon. "Uh-huh. I know that and I am aware of that."

The man's face darkened. "You're aware yet you chose to stay there for the night? Paano kung dumating dyan ang may-ari ng bahay? Anong gagawin mo?"

Ang daming tanong ha. She said inside her mind.

"Oh? E 'di dumating siya." Simple niyang sagot saka nakipaghamunan ng titigan dito.

The man is basically giving her a dagger look. As if he would wring her neck any moment now kapag may mali siyang naisagot o kaya kapag hindi nito nagustuhan ang kanyang sagot.

He let out a sarcastic laugh. Para bang hindi ito makapaniwala sa sagot niya. "Are you hearing yourself? You'll be sleeping inside a four-wall closed unit with a man that you are not even barely related to? Paano kung—"

"Nagseselos ka ba?" Hindi niya napigilang ibulalas iyon.

Minsan, gusto na niyang batukan ang sarili dahil hindi niya marendahan ang kanyang bibig sa pagsasabi ng mga bagay na dapat naman ay sa utak lamang niya.

Pero base na rin kasi sa ipinapakitang reaksyon ng binata at ang kakaibang kislap ng galit sa mga mata nito, hindi niya maiwasang isipin na nagseselos nga ito sa kaalaman na okay lang sa kanyang matulog sa iisang bubong kahit na nandoon si Ark.

Nakita niya kung paano ito saglit na natigilan doon bago ito tumikhim at dumistansya sa kanya.

She grinned.

Gotcha, babe!

Lalaki lang pala ang katapat nito para pansinin siya.

"Why would I?" Balik na ulit sa pagiging malamig ang boses nito, na para bang hindi ito nag-alboroto kani-kanina lamang.

She shrug on that.

She tried her very best not to look affected on that act of him, kahit ang totoo ay halos magsasayaw na sa tuwa't galak ang kanyang puso dahil kahit papaano ay nalaman niya na may epekto rin naman pala siya kay Caelan.

Akala niya kasi ay bato ito. Walang pakiramdam. Walang pakialam. Well, guess she was wrong on that.

"Okay. Mabuti na iyong nagkakalinawan tayo. Akala ko nagseselos ka. At saka bakit ka nga naman magseselos? Hindi mo naman nga pala ako gusto at never mo akong magugustuhan, 'di ba?" She said in a matter-of-fact tone.

Nginitian niya ito. She gave him the sweetest smile she have.

"Well then, good night, Caelan. Dream of me, okay?" Aniya sa boses na mapang-akit bago ito kinindatan.

BOSS Series 2: My Boss Sherlock [5 CHAPTERS PREVIEW]Where stories live. Discover now