Chapter 11: Personal Assistant

13 0 0
                                    

------------------------------------
A/N: Hello readers! ^_^ Sorry ngayon na lang po uli makakapag update.
Hope you will like this chap.
Thanks!

-----------------------------------------------------------

JANA'S POV.

What should I do now? Pano ba kasi ako napunta sa ganito? God! Ba't ba ako pumayag sa gusto nya? What does he really wants from me? Nang dahil sa kanya hindi ko na natapos yung Music Technology subject ko kanina. Yun pa man din ang favorite subject ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kung tumanggi ako sa kanya, panigurado mas magiging komplikado lalo ang sitwasyon ko dito sa Moonlight and that's what i really wanted to avoid. Hindi ako pwedeng bumalik sa dati kong buhay at ayoko nang balikan pa yun!


"Hey Ms. Seong Jana, would you mind to silent your phone!?"

Bigla akong napalingon sa prof. namin ng marinig ko yung pangalan ko. Pero hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nya.

"Sorry Ma'am?"

"I said Silent your phone! Or better get out of this room! You're just distracting my lecture!" Galit nyang sabi na ikinagulat ko tapos bigla nalang nagtawanan yung mga kaklase ko sa akin. Halatang ayaw na ayaw talaga nila sa akin because of what I did to Luhan before at sa pagpunta na din namin ni Jessica sa VIP at sa kung ano pa mang dahilan.

I sigh at kinuha ko na lang yung phone ko sa pocket ko ng marinig ko na nagriring nga ito. Hindi ko alam na kanina pa pala to tumutunog. Masyado atang malalim yung iniisip ko kanina.

"Sorry Ma'am isasilent ko na po." At sinilent ko na nga yung phone ko. Unregistered number naman eh, Kaya panigurado hindi ko din kilala yun.

"You know what? ang sarap sarap mong sabunutan. Ang mga weak na kagaya mo, hindi dapat pumapasok dito" Pabulong na sabi ni Momo habang nakatingin sya sakin then smirks at binalik yung attention nya sa prof. namin.

Napahinto ako ng marinig ko sa kanya yung salitang *weak*. Eto na nga ata talaga ako ngayon. Isang mahina! Isang taong hindi marunong lumaban! Aisssh!! Hindi ko na dapat pang isipin to. Mabuti pa wag ko na lang syang pansinin, para wala na ding gulo. At mahirap na pag lumaban ako, dahil isa syang member ng gangster dito na kung tawagin ay Twice. Isa sila sa pinakamagaling lumaban according to my research.

Simula kasi ng maencounter ko ang EXO nag search nadin ako about sa background ng mga students dito. Meron naman kasing page ang Moonlight University kung saan malalaman mo din kung anu anong klaseng students ang meron dito. At kung sino-sino din ang mga gangsters na nag aaral dito. Kaya mas kailangan kong mag ingat dahil halos lahat ng students dito ay Gangsters. At alam ko na isang maling galaw lang, pwede kong ikapahamak ng todo.

"Ah! Aray!" Daing ko at napahawak agad ako sa ulo ko ng may biglang humampas sa akin na medyo malakas. At paglingon ko sa likod ko nakita ko agad ang mukha ni Bobby, isa sa mga members ng IKON. At sila ay isang grupo ng gangster na puno ng mga kalokohan at wala ng ginawa kundi ang mantrip ng iba.

"What now??? Wanna fight back?" He playfully said while grinning at me. At pinaikot ikot yung ballpen nya sa mga daliri nya habang nginunguya yung bubble gum nya.

At dahil nga ayoko ng gulo, I just let out a sigh at bumalik na lang sa pakikinig kay prof. Lee, Dahil kung hindi baka mapalabas pa ako ng klase ng wala sa oras.

Hayyyyy.... Eto na nga ata talaga ang magiging buhay ko dito sa Moonlight University.
.

.

.

.

.

.

.

The Gangsters and I [EXO]Where stories live. Discover now