Chapter 6: New Encounter/ Friend

51 0 0
                                    

JANA'S POV.

Nandito na ako sa loob ng Moonlight at ipapark ko na yung bike ko pero bigla akong napahinto ng may humarang sa akin.

I lift up my head para tingnan kung sino sila. Then I see 2 familiar faces kaya naman napaatras ako ng konti.

Tama! Kasama sila nung Luhan kahapon.

"Good Morning Jana! Tingin ko magiging masaya ang araw mo ngayon"

Sabi nung isa na may dalang baseball bat at nilalaro laro nya to sa mga kamay nya habang tatawa tawa.
At dahil mukhang hindi maganda yung binabalak nila kaya naman kinabahan na ako bigla kasi baka mamaya kung anong gawin nila sa akin. Tapos nagtaka din ako kasi alam nya yung pangalan ko, nakita nya kaya sa I.D ko?....

Pagkatingin ko naman sa I. D. Ko nakatalikod naman to kaya pano nya nalaman?


"Wag mong masyadong takutin Sehun"

"Tsk letche ka Kai! Umayos ka pareho tayong inutusan ni Luhan dito kaya hindi tayo pwedeng sumablay." Saway naman nya dito sa Kai.

Magkakaharap kaming tatlo at alam kong bakas na ngayon sa mukha ko ang kaba. Utos pala ni Luhan, sabi na nga ba at mukhang totoo yung mga sinabi ng mga students kahapon sa akin eh.

Bagong laruan nya nga ako!

"Gago! Sino bang nagsabi na hindi ako aayos huh!?" Tumawa yung Kai sabay sipa ng malakas sa bike ko dahilan para mabitawan ko to.

"Yan ang gusto ko sayo eh!... Ok let's start! "

Nanlaki na lang yung mga mata ko at medyo napaatras uli ng biglang hatawin ni Sehun ng baseball bat nya yung bike ko. Tapos si Kai naman kumuha ng malaking bato sa gilid nitong parking lot, sabay pukpok sa manibela ng bike ko.

"Te...teka... Tama na yan....hindi naman ako nang...gugulo di..diba? "

Sabi ko na medyo paputol putol, sabay pigil sa braso si Sehun. Pero laking gulat ko ng tingnan nya ako ng masama.

"Putcha! Lakas ng loob mo na hawakan ako ah! Nag alcohol ka ba huh? Alis nga"

Sa sobrang lakas ng pagkakatabig nya sa kamay ko napabagsak ako dito sa semento.

"Shit Sehun!" Napansin ko na biglang nag bago yung expression ni Kai at akmang lalapit sa akin.

"Kai ano ba! Tutulungan mo yan?? Tapusin na natin to oh ng makaalis na tayo! "

Napaatras uli si Kai at bumalik uli sa tabi ni Sehun.

"Sabi mo eh" He smirks sabay sira uli sa bike ko. Kala ko tutulungan nya talaga ako. But I was wrong, pakitang tao lang pala nya yun. Napapikit na lang ako habang pinapakinggan yung bawat palo nila sa bike ko.

Ng mapansin ko na tumigil na yung ingay at nagtatawanan na lang silang dalawa, minulat ko na yung mga mata ko.

"Itapon mo na to! Bawal ang basura dito sa parking lot" Yabang na sabi ni Kai tapos tumawa sya ng malakas.

"Siguro naman matututo ka na!? Hahaha"

Dinura naman ni Sehun yung bubble gum nya sa sira sira kong bike. At umalis na nga sila dito ng tuwang tuwa.

I clench my fists because of anger. But I keep calming myself, and just taking a deep breath instead. Wala naman na akong magagawa kundi ang titigan na lang ang bike ko na hindi ko na mapapakinabangan. Regalo pa man din sa akin ni Papa yun. Kaya nakakagalit ng sirain nila to.
.
.
.
.
.
.

Ng medyo naging ok ok na yung pakiramdam ko, tinawag ko na yung isang school cleaner na nakita kong naglilinis malapit lang dito sa parking lot at pinakiusapan ko sya na itapon na lang yung sira-sira kong bike. Pagkatapos nun naglakad nalang ako papunta sa building ng subject ko.

The Gangsters and I [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon