Chapter 2: The EXO Gang (Part2)

35 0 0
                                    


Nandito na kami sa classroom at after 8 minutes dumating na din yung prof namin na si Mr. Han. A terror one, kaya madaming takot sa kanya but not us. Wala naman kaming paki sa kanya. Kaya madalas nagdadaldalan lang kami sa subject nya na Finance o di naman kaya natutulog nalang kami. Nagagalit sya oo kaya nga madalas kaming tawagin nyan eh at magtatanong about sa lecture nya. Pero pasensya nalang sya dahil kahit anong tanong pa nya sa amin kaya naming sagutin. Para san pa't nandito sila Suho at D.O kung hindi nila kami tutulungan diba?

Madalas nyan itetext nila yung sagot sa kung sinoman ang tawagin sa aming EXO at syempre madiskarte naman kami kaya hindi din kami nahuhuli.

Anyways we are all 3rd yr. College students and we are taking up Business Management, since our parents are all business women and men and they want us to run their businesses someday. Boring nga eh pero wala na kaming magagawa dun. Ganun ata talaga pag rich kid, you need to follow your parents path even if it's against your will.



"Mr. Kim Kai! Get up!" Sigaw bigla ni Mr. Han habang nakatingin ng masama sa dereksyon ni Kai. Si Kai na kasalukuyang natutulog. Puyat siguro ang gago. Kahit san talaga nakakatulog sya basta makaramdam sya ng antok. Tsk! Halos kadarating lang namin kani-kanina ah nakatulog agad!?

"Kai! I said get up! "

Binato nya si Kai ng marker kaya naman napapitlag si Kai at minulat yung mga mata nya sabay stretch ng arms nya. Natawa kami sa ginawa nya kaya naman sumigaw uli si Mr. Han dahil sa ingay ng klase. Tumahimik kami pero syempre pakitang tao lang. Bahala na si Kai na mantrip sa kanya. At wala pa akong gana.

Tumayo si Kai at tumingin sa kanya.

"What now prof.? "

Anak ng! Bagong gising na bagong gising ang boses ah! Tsk!

"Solve this problem now!?" Galit na sabi nya.

At dahil dun to the rescue naman agad si D. O kinuha nya yung phone nya at malamang tinatype na nya yung sagot. Magkatabi kami kaya alam ko.

"The fuck!? Ginising mo ako para lang sagutin yang problem solving na yan!? Ikaw gumawa ng problem na yan kaya sagutin mong mag-isa yan! Damn it!"

Irita nyang sagot at dahil dun nagtawanan uli kaming EXO, yung tawa talaga na wala ng pagpapanggap.Tapos napansin ko na parang mas nagalit pa yung expression ni Mr. Han.


"Get out of my class now Mr. Kai! Hindi ko kailangan ng estudyanteng kagaya mo na tutulog tulog lang sa klase ko"

"Bullshit! Kung ayaw mong nakakakita ng natutulog edi ikaw ang umalis! "

Mas lumakas pa yung tawanan naming EXO dahilan para mas mamula yung mukha ni Mr. Han sa galit. Who cares! Kasalanan nya naman bakit ganito ang inaabot nya. Wala namang pakialam tong si Kai sa mga taong katulad nya kaya lang inistorbo nya sa pagtulog eh kaya napag iinitan sya ngayon.

[Kai- or also known as "The Mask". Kagaya ni Lay, mabait si Kai sa mga ordinaryong tao pero halimaw to pagkaharap na nya ang mga kalaban nilang gangsters. Madalas din syang nagiging dahilan ng away nila dahil sa mga matatalim nyang tingin. At oras na sinugod mo sya o ang mga taong pinahahalagahan nya, sisiguraduhin nya na kahit pang walo pa sya sa pinakamalakas sa kanila, hindi kana mamumuhay ng normal pa.]

"Kai!!"

"Mr. Han kung gusto mo pang magturo dito sa Moonlight umayos ka ngayon. Kita mong natutulog tong kaibigan namin kanina tapos inistorbo mo lang? Baka nakakalimutan mo family ko ang nagpapatakbo ng University nato at panigurado isang sabi ko lang sa kanila na patalsikin ka ay gagawin nila. At hindi lang yun magkakaron kapa ng bad records at malamang baka wala ng kumuha sayo pag nakita nila yun, Because Moonlight is one of the biggest and popular Universities here in Seoul pangit naman ata tingnan kung hindi magaganda ang mga records mo dito."

Napasmirk nalang ako at napailing sa sinabi ni Suho. Iba talaga pag anak ka ng may ari ng university pwede kang magrequest ng gusto mong gawin.

Family lang naman ni Suho ang owner nitong Moonlight pati nadin ng iba pang bigating companies dito sa Seoul at sa ibang bansa. Si Suho ang pinakamayaman sa aming EXO. Kaya hindi na kami magtataka kung isang araw sila na ang bagong owner ng iba pang companies dito.

"Labas na mr. Han!" Pang-aasar naman ni Chen at dahil mukhang natakot sya sa mga sinabi ni Suho kanina, lumabas na agad sya dito. Habang si Kai naman ayun bumalik sa pagkakatulog nya. Loko talaga!

Pagkatapos ng 2 subjects namin dumeretsyo na agad kami dito sa garden ng Moonlight. May isang oras pa naman kaming break eh bago yung next subject namin.

Isa na din to sa mga tambayan naming EXO dahil medyo nakakarelax yung ambiance pero minsan umaalis kami dito dahil sa mga maiingay na mga babae kaya minsan dun nalang kami sa rooftop o din naman kaya sa VIP room kung saan kaming EXO lang ang pwedeng pumasok dun.

"Nga pala Luhan ano ng balita dun sa Freshman guy na pinagtitripan mo? " Basag ni Tao sa katahimikan namin. May kanya kanya kasi kaming mundo ngayon.

Nilingon ko sya then smirk.

"Dropped out na kahapon pa.. Diba Suho!? "

Tumango naman si Suho at bumalik na uli sa pagbabasa ng book. Langya! Iba talaga sila ni D.O mga adik sa libro! Tangna!

"Yung mga ganyang bagay hindi na dapat tinatanong pa kay Luhan...Wala namang hindi nag dodrop out dahil sa kanya eh...Bobo ka talaga Tao tsk!"

Hirit naman ni Sehun na tatawa tawa dahil nalait nanaman nya si Tao. Loko talaga to wala nang ibang ginawa kundi pagtripan si Tao. Hinayaan nalang namin sila na magbangayan dito hihinto din naman yan mamaya eh.

At tungkol nga pala dun sa sinasabi ni Tao na freshman kanina. Sya lang naman yung gago na bumato sa akin ng bola ng basketball at kahit hindi pa sadya yun hindi ko parin yun pinalampas at gumawa na agad ako ng paraan para magdrop out na sya dito. Pinahirapan ko lang naman ng konti, binugbog at winasak yung kotse nya at ayun na nga binalita nalang sa akin ni Suho kagabi na nagdrop out na nga yung student na yun kahapon after ng classes namin. Ako pa ba!? Wala akong hindi napapadrop out dito basta gustuhin ko gagawa talaga ako ng paraan.

[Luhan- O mas kilala ng iba bilang "The monster" dahil sa paraan nyang lumaban. Sya kasi yung tipo ng tao na kapag galit, galit talaga. Si Luhan din ang taong Hindi nya kayang kontrolin ang sarili nya sa labanan kapag nakain na sya ng emosyon nya. Kaya hanggat kaya mo pang tumakbo o tumakas sa gulo gawin mo na dahil panigurado pagsisisihan mo kung bakit mo sya kinalaban. Second to the strongest.]

The Gangsters and I [EXO]Where stories live. Discover now