Chapter 9: Unexpected Kiss

24 0 0
                                    


A/N: Hi There! May readers pa po ba ako dyan? Hehe sorry ngayon lang po uli makakapag update. Sorry din kung isang chapter lang po to, pero mahaba naman eh. So ayun sana magustuhan nyo ^_^ thanks!!

************************************

LUHAN'S POV.

Langyang Baekhyun talaga to oh! Palibhasa walang mabwisit na iba kaya ako ang iniistorbo ngayon.
Kung hindi lang ako naawa sa kanya na samahan syang kumain dito sa Canteen baka nasapak ko na to.

"Bro salamat talaga ng madami ah! Sabi na nga ba't----"

"Letche dramahan mo pa ako kakaladkarin na talaga kita papunta dun sa counter!"

"Eto naman parang---"

"Isa pa Baeks"

"Oo na...Init ng ulo tsk!"

At nauna na nga syang maglakad sa akin. Gago to ah, sya na nga nagpasama sya pa tong nang iwan.
Bahala nga sya! magsa-soundtrip na lang ako. Nilagay ko na tong headphone ko sa tenga ko at saka nagpatugtog ng malakas.

Pero agad ko din tong pinatay dahil may bwisit na kumakalabit sa akin. At pagtingin ko, mukha ni Baekhyun yung nakita ko. Pero hindi sya nakatingin sa akin habang kinakalabit ako. Tangna! Nakakairita kalabit ng kalabit!

"Luhan Luhan Luhan Luhan Luhan....."-Baekhyun

Binatukan ko nga. Ang ingay eh.

"Aray naman!" napalingon agad sya sa akin at napakamot sa ulo nya.

"Problema mo at kalabit ka ng kalabit!? At saka kala ko ba gutom ka huh! ? Ba't kapa nandito sa harap ko?"

"Relax lang dude ok? Kanina pa kasi kita tinatawag kaya lang may nakapasak dyan sa tenga mo! kaya kinalabit na lang kita ng kinalabit at saka Oo gutom ako kaya lang bigla ko syang nakita... "

Tapos ngumuso sya sa isang dereksyon kaya sinundan ko to ng tingin. At napakunot agad ako ng noo ng makita ko si Jana. Badtrip!! banggitin ko pa lang yung pangalan nya kumukulo na agad yung dugo ko.

"Ganda nya noh?"

At mas kumulo pa nga ang dugo ko dahil sa lintik na banat nitong si Baekhyun kaya naman agad ko syang tiningnan. At eto para syang sira na ngingiti ngiti.

Ano daw!? Maganda!? Tssss!

"Gutom ka na nga talaga. Umorder ka na nga ng makaalis na tayo Nyeta! "

"Awsusss! Sungit! Tsk maganda naman talaga sya ah"

I glare at him then he gulps.

"He. He. He.....Sige na nga joke lang....Pero teka! kala ko ba hindi mo sya titigilan? Eh ano pang ginagawa mo dito? "

I furrow, pero ng marealize ko kung ano yung sinabi nya I suddenly smirk at him.

"Minsan talaga may pakinabang ka din eh noh! Tsk! Hindi ko agad naisip yun ah" I chuckle.

"Gago pano mo maiisip eh wala ka naman nun!...HAHAHA"

"Gusto mo bang sayo ko nalang ibaling yung inis ko dyan sa babae na yan huh!? "

"Nagbibiro lang eh... Tara hatid na kita sa kanya ng mabwisit mo na"

Tapos hinila na nya ako papunta sa kinatatayuan ni Jana habang tumatawa sya ng nakakairitang tawa nya. Putek!!! Sarap talagang tahiin ng bibig nitong si Baekhyun.

.

.

.

.

The Gangsters and I [EXO]Where stories live. Discover now