Chapter 10 - Life in Japan

9 0 0
                                    

"Ate Ejayyy!!" Pagiiyak ni El John. "I want to go with you!! Please sama mo na po ako." Pagmamakaawa niya.

Nasa airport pala kami ngayon. Malapit na akong umalis papuntang Japan. Nagapply kasi ako ng scholarship doon. Ang swerte ko nga dahil natanggap ako. Ilang buwan din ang nakalipas pagkatapos ng magulong pangyayaring iyon.

Hindi ko na muling nakausap silang lahat, ilang beses nila akong trinay na kausapin. Ilang beses silang nagtetext at tinatawagan ako. Pero hindi ko pa sila kayang kausapin pa. Ayaw ko muna sila harapin. Si Sky? Ewan. Ayun bumalik sa dati niyang gawain. Hindi nanaman siya nagpaparamdam sakin. Gawain niya yun. Pero bakit ganon? Kahit ganoon si Sky, bakit parang may nagsasabi sakin na mahal ko pa din siya, na gusto ko siyang makita. Na gusto ko magkausap kami. Bakit? Ano bang meron sayo Sky at minahal kita ng ganito???!!

si Nicco laging nandiyan pa din. Noong una ayaw niya akong payagan umalis. Pero hindi niya ako kayang pigilan. I need to escape. Kailangan kong lumayo para makalimut.

"Ejay mamimiss kita." Nandito kami ngayon ni Nicco sa balcony ng bahay niya. "Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Pagtatanong niya sakin.

Tumingin naman ako sa kanya. Nicco, I think its about time para gawin ko ito. "Nicco.." Sabay hawak ko ng kamay niya. "Alam mong mahal na mahal kita.." Napangiti naman siya. "Pero.. Bilang kaibigan lang. At hanggang doon lang yun." Nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "I'm sorry kung pinatagal ko pa ito."

Tumingin naman siya sakin at ngumiti. "It's not your fault. Ako naman ang nagpumilit eh." Pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko. "I'm always soft for you, that's the problem. You could come knocking on my door five years from now and I would open my arms wider and say "Come here, it's been too long, it felt like home with you.""

Ngumiti naman ako sa kanya. "I'm sorry for the things I've caused you. It's about time for you to love someone else, not me."

Hayyyyyy. Sorry sa lahat. Kailangan ko ng lumayo at ayusin buhay ko ng walang tulong mo. I need to find myself.

"I'm willing to wait Ejay, even if it takes forever. I love you so much at gusto ko ikaw lang makakasama ko sa future." Sabi sakin ni Nicco. Bakit ba ganyan siya, mas lalo lang niyang sinasaktan ang sarili niya.

Hayyyyyyy life!!!!

Wala na akong maisagot kay Nicco nginitian ko nalang siya and I said goodbye.

Hello Tokyo, Japaaaaaaan!!!!!!

New life, new environment, new me!!! Beware Japan, 'cause Emily Jane Yao a.k.a Ejay is on your way!!! :))))))

---

*kfrrriiiiiinnnngggg!!!!*

Hayyy. pang 2nd year ko na dito sa japan, at heto ako ngayon.. Late nanaman as always!!!

"Sht! 8 am na!!!!" Agad naman akong pumasok ng CR at naligo.

Nagayos at kumain ng onte. Patakbo na ako papunta sa train station medyo malapit lang kasi. Hayyyy. Maganda naman dito, mababait ang tao, kaso nga lang kulang pa din. may nagpapaalala pa sakin ng sakit. I need more time.

"Jane!" sigaw ng isa kong kaibigan. Si Kirsty. Kurt for short. Filipino din. Matagal na siya dito sa Japan. Almost 5 years na ata siya dito. At kung naitatanong niyo kung bakit Jane ang tawag niya sakin. Ka-name ko daw kasi yung Ex niya, eh bitter daw siya doon. Kaya Jane nalang daw. Medyo baliw din itong si Kurt eh. "Sabi ko na nga ba makikita kita dito." medyo late kasi ako nagigising eh. Working student kasi ako dito. Isa akong waitress sa isang cafe at doon ko nakilala si Kurt.

"As always Kurt." At nagtawanan kami. Parehas kaming school na pinagaaralan. Mas matanda siya ng onte sakin. Kasing tangkad ko lang siya. Ang kwento niya sakin tinapon daw siya ng mga magulang niya dito, dahil wala daw siyang ginawa sa Pinas kundi ang makipagbarkada.

Nothing's PermanentOnde as histórias ganham vida. Descobre agora