Chapter 3 - Moving on

9 0 0
                                    

"Oy Ms. laging tulala. Nagawa mo na ba yung report sa financial statements?" Sabi sakin ni Max nasobrang galit na galit dahil may nirurush kaming report para mamaya

"Oo. Tapos ko na. Eto oh." sabay abot ko sa kanya ng pad paper ko.

1 week na pala ang nakakalipas simula nang pangyayaring iyon. Medyo hindi natuloy yung plano namin ni Sky na samahan siya maghanap ng bahay. Awkward nga eh, simula ng pangyayaring yun sa apartment ni Nicco, parang iniwasan niya ako. Ewan ko ba, hindi kasi kami ganun naguusap kagaya ng dati eh. Ni hindi nga kami nagkikibuan eh. Bakit? Ano kayang nangyari? Hmm.

Teka eh bakit ba ako naggaganito. Eh hindi ko naman siya manliligaw, magkaibigan lang naman kami. Pero bakit ganito ako magreact nung parang iniiwasan niya ako Hayyyyyyyyyyyy.. sabay taklob ko ng bag sa ulo ko.

"Ejay!! Yung report!!!" napaayos naman ako ng upo sa sigaw ni Max. Parang nalukot lang ng onte yung paper eh.

Nag-peace sign naman ako sa kanya.

After ilang minuto, umakyat na kami sa room namin, kasi as usual nasa canteen kami ngayon eh. What's new? Hahahahahahaha.

Muntikan ko ng malikot ulit yung papel na pinahawak sakin ni Max ng makarating kami sa labas ng room namin. "Ejay!!" napatingin si Sky samin ng marinig niyang sumigaw si Max. "Ano ba ilang beses ko bang --" tumingin si Max sakin sabay tingin kay Sky na kasalukuyang may kalandiang babae, well actually naguusap lang naman sila, pero yung babae kung maka-yakap! WAGAS!!

Nag-meet ang mga mata namin ni Sky. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, poker face lang kasi siya eh. Bigla naman akong umiwas ng tingin, at agad kong inayos yung papel na nalukot ko, sabay pasok sa loob ng room.

Sht! Bakit ganito narardaman ko. Gusto ko sabunutan yung girl. Nakakainis eh. Teka nga lang,girlfriend niya ba yun? Wala naman siyang nababanggit sakin na may girlfriend siya ahh. Teka meron nga ba?

"Ehem. Tandaan, magkaibigan lang kayo." pagpaparinig ni Ash, na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko sa isip ko.

Nagheads down nalang ako sa table ko. Si Sky, ayun nasa labas pa din. sobrang swerte ko nga eh, tanaw na tanaw ko silang naglalampongan sa labas. Esh.

Maya maya pa'y pumasok na si Sky. First time in my entire life na pinagdadasal ko na sana dumating ng maaga ang Prof namin, dahil ayaw ko talagang makausap si Sky ngayon, ewan ko ba kung bakit, nagiinarte nanaman siguro ako. Hayyy!! Ewan!!

Malapit na si Sky, ayan na, nakaupo na siya, shit moment of silence!! Sirrrrr!! dumating ka na please!!!

Nakatingin lang ako sa harap, diretcho lang sng tingin ko. Maya maya ay parang naka-ramdam ako ng parang may tumitingin sakin sa gilid ko. Ayaw ko sumilip, dahil alam ko namang si Sky lang yun. Sht!

"Hmm, Ejay--" sisimulan palang sana niya ang magsalita, pero damating na ang Prof namim. Thank you Lord!!!! Lumingon nalang ako sa kanya, at nginitian siya.

Habang sa kalagitnaan ng lecture ni Sir, Sky passed me a note that says.

| Ejay. Are you free after school? | laking gulat ko naman sa tinanong niya, free? Bakit? i-de-date niya ako? Akala ko ba girlfriend niya yun? Tss. two timer. Esh!!

Hindi pa ako nakakasagot sa una niyang tanong, may pinasa ulit siyang papel sakin.

| Magpapasama sana ako doon sa sinasabi mong apartment. Okay lang ba? | tumingin ako sa kanya. At siya naman ay nakatingin lang sa papel at waring hinihintay ang isasagot ko.

Sht kaibigan lang ako, kay dapat samahan ko na. Wala namang malisya. Tska ako din naman ang nag-suggest ng place na yun. Kaya sige na nga, sasamahan ko na siya. Sinulat ko sa papel ay | Sure, why not. :) |

Nothing's PermanentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon