Chapter 5 - No one will stay

13 0 0
                                    

Hayyy. Sobrang sarap ng tulog ko, pagtingin ko sa relo ko. sht!! 8:30 na!! Malalate na ako!! Dali dali akong naligo at nagayos. Hindi na nga ako nakapag-breakfast eh. Super late na talaga akom Baka pagdating ko dun nandun na si Sir. Sht!!!

Sa sobrang swerte ko, nandun na nga si Sir. Dahan dahan naman akong pumasok sa loob ng room sabay sabing "Good morning Sir." nginitian lang niya ako pinaupo sa proper seat ko Pagkaupo ko, bumungad agad sakin ang sandwich na bigay ni Sky, may note pa. Eat me. For energy. Haha. napangit naman ako nun sabay bulong sa kanya ng thank you.

Grabe, aga aga pinapaganda ni Sky ang araw ko. Patagong kumain naman ako. Haha. bawal kumain sa klase eh at dahil gutom ako, walang bawal bawal sakin ngayon, buti at hndi niya ako napansin.

After ng first subject namin. Hinatid ako ni Sky sa next room ko at tinanong niya kung ano ang last subject ko mamaya para daw sunduin niya ako para garantisadong matutuloy daw ang lakad namin mamaya. Haha.

Hayyy Sky, sana lagi kang ganyan..

"Oy Ms. laging busy." pangaasar ni Max. Nandito na pala ako sa Last class ko for today. "Parang nagkakamabutihan na kayo ng Ford na yan ah." last name ni Sky.

"Hindi naman." maikli kong sagot.

"Luhh luhh. Hindi daw. Pero kinikilig ka!?" sabi ni Ash. Nako lakas talagang mangasar ng dalawang ito oh. "But enough of that, anong nangyari sa inyo ni Nicco?" ay oo nga pala, sa sobrang busy ko kasama si Sky, nkalimutan kong ikwento sa kanila. Ayun, super kwento ako sa kanila tuloy..

"Wow, ang fierce ng dating mo Ejay, I am proud of you!" sabi ni Ash. Si Max naman.

"Ah kaya pala super close na kayo nung Ford na yun." pangaasar niya.

"Mabait na guy si Sky." pageexplain ko sa kanilang dalawa.

"Ops, depensive ohh." sabi ni Max. Tumawa naman ako sa kanila.

"Pero Ejay, ingat ingat ah. Alam mo namang --" hindi ko na pinatapos si Ash, alam ko naman na ang sasabihin nila eh. Na baka ma-fall ako kay Sky. Ayaw ko ng mainlove. Sawang sawa na akong masaktan.

"Magkaibigan lang kami ni Sky. Okay? Nothing more, nothing less." Pang-eexplain kk sa kanilang dalawa. We might be very very close and happy ngayon ni Sky, pero baka bukas or next week hindi na. Kaya dapat i-enjoy ko nalang kung ano man meron saming dalawa.

Habang inaayos ko ang gamit ko, "Ops. Ms. Nothing more, nothing less. Tingin ka sa pintuan!" with matching nguso nguso pa yan. Max talaga.

Tumingin naman ako sa door, at ayun naka-tayo si Sky at hinihintay ako. Medyo early dismissal kasi eh.

"Magkaibigan lang pala ah?" pangaasar naman ni Ash habang nauuna na silang lumabas ng room.

Ako naman lumabas na din. "Aga mo ah?" sabi ko sa kanya.

"Nabadtrip Prof namin eh. Kaya maaga kami pinalabas." ngumiti naman siya. Gosh! Yung dimples niya. "Ano tara na?"

"Ah. Sige. wait lang." magpapaalam pa sana ako kila Ash pero pagkatingin ko sa kanila, para nilang akong pinagtatabuyan. Pinapaalis na nila ako, kasi padating daw si Nicco.

Pagkatingin ko sa left side ng hallway, Ash and Max was right, Padating nga si Nicco. Looking as god damn bad boy as ever. Tss. Paalis na sana kami ni Sky. Pero it was too late, nagmeet ang mga mata namin. Pero bigla akong umiwas ng tingin.

"Sup bro!" bati ni Nicco kay Sky.

"Uy tol." sabi naman ni Sky. At nagapiran sila. Naka-tingin lang ako sa malayo at pilit na hindi pansinin si Nicco. Pero tinititigan niya ako habang ang ibang tropa niya ay kinakausap si Sky.

Nothing's PermanentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang