The memories_12: "Hidden Affection"

147 20 12
                                    


§•KABANATA 12•§

♡☆♡《¤_¤》♡☆♡

*Ellaine Jade (POV)

Lumipas ang ilang araw matapos ang sunod sunod na selebrasyon sa bahay. Nagdesisyon si Nathan na dito na rin sa bahay manatili ang kaniyang mga kaibigan. Taus puso naman daw pumayag ang mga ito at kaagad na nilipat ang kanilang mga kagamitan kinabukasan. Hindi man madaling nakumbinsi ni Nathan si Dimithri Ski na dito tumira, ngunit sa huli ay pumayag din ito dahil hindi niya tinatanggihan ang alok ng kaniyang kaibigan at lalong lalo na si Nathan, pero halatang napipilitan lang ito.

"Nandito na ako!" Tawag pansin ko nang makarating ako sa bungad ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang nilalang sa loob. Marahil ay hindi pa nakauwi ang mga iyon. Nagkibit balikat nalang ako at tinunton ang hagdanan papunta sa ikalawang palapag.

"Putek!! Kabayong may sungay!!" Singhal ko nang may biglang lumitaw na nilalang sa harapan ko at kamuntikan na akong mahulog sa hagdanan, mabuti nalang at nakahawak ako sa hawakan nito. Nakakagulat naman kasi akala ko may nakapasok na ibang nilalang eh iyong supladong bampira lang pala. "Ano ba? Kung makagulat ka naman!!" Reklamo ko at hinarap siya.

"What the hell, lady?! such strange horse huh! or maybe cow!!" Natatawang pang-aasar ni Dimithri Ski.

Nanliit ang mga mata kong tumingin sa kaniya, kung makatawa naman kasi akala mo pag-aari na ang buong Pilipinas. "Ano naman ang nakakatawa ro'n?!" Naasar kong tanong. "Saka may kabayo kayang may sungay, hindi mo lang yata alam!" Nakanguso kong sagot.

"Really? Hahahah! what was that, then?!" Natatawang tanong niya habang nakahalukipkip.

Napaisip ako, dahil ang totoo ay wala rin akong ideya tungkol doon. "Ano?! Ahh—Unicorn!" Alinlangan kong sagot.

"Hahahah! You really do believe in such fairytales, huh!!" Umiiling na turan niya at bahagya paring tumatawa.

"Tsk! Ikaw rin naman ahh!" Pang-gigiit ko.

"Hell no!" Pagtanggi niya at bahagyang ngumiwi.

"Hell no! Hell no! May pa-sleeping beauty at knight in shining armor ka pa ngang nalalaman diyan!...Oh! sige sabihin mong hindi?!" Pang-aasar ko at bahagya siyang pinandilatan.

"You—...tsk! Never mind!!" Siya naman itong naasar at kaagad na tumalikod sa akin.

"Ano, huh?! Mang-aasar ka pa?! Wala ka rin naman pala eh!!" Hamon ko habang sinusundan siya.

"Get lost!" Naiinis na niyang bulyaw.

"Tsk! Puwede ba?! Sabihin mo 'yan sa loob ng pamamahay mo!" Ganting bulyaw ko.

Napahinto ako sa pagsunod nang bigla nalang siyang huminto at lumingon sa akin. Ngumisi ito ng nakakaloko at marahan niya akong nilapitan. Natitigalan man ay nagawa kong umatras hanggang sa maramdaman ko ang aking likod ay tumama na sa dingding.

Putek! Sinapian na yata ito!!

"Ano—anong gagawin mo?!" Mas lalo pa akong natigilan nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Do you really think that I'll just let you pissed me off without doing in return?!" Nakangising tanong niya at mas lalo pa niyang inilapit ang sarili sa akin.

The Story Of A Pure Blood Vampire: "The Memories"Where stories live. Discover now