The Memories_03: "Vampire Idols"

221 44 35
                                    

§•KABANATA 03•§

♡☆♡《¤_¤》♡☆♡

*Ellaine Jade POV

"You are unbelievable, Elljey!" Nasa mukha niya ang pagkadismaya. "And I can't just believed what they have been said, until I met that Allan and confirm it myself."

"Ayos lang talaga ako Kianna, at kapag bawas-bawasan mo yang kaka-Ingles mo sa akin, magiging mas maayos ako!" Umirap ako at iniisa-isang tingnan ang papasok na kaklase niya.

"Why?...what's wrong with that?" Inosente pa niyang tanong. nawala bigla ang pag-alala na gumuhit sa mukha niya kanina.

"Wala...teka, ayos lang ba kung makiki-sit in ako rito?!" Pag-iiba ko ng usapan.

"Oo naman, malakas ka sa lahat Elljey, lalo na sa akin." Ayon na naman ang mapang-asar niyang hitsura.

Hindi ko alam kung may sakit ba itong Bipolar, dahil minu-minuto paiba-iba ang emosyon. Kung kanina parang galit na hindi malaman ang dahilan ngayon naman ngingisi-ngisi na parang abnoy.

"Kapag ako napagalitan, lagot ka sa akin!" Pagbabanta ko. Umasta siya na parang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Looks like, I am the one who told you to come and sit here! do I?!" Nakangiwi na tugon niya. Natahimik naman ako. Ang totoo ginagawa kong dahilan ang pagkakaibigan namin upang makapasok dito at makakakuha ng panibagong kaalaman. Sana nga ay hindi ako pagagalitan ng propesor.

"Sige! Ingles pa Kianna..." Nasabi ko nalang sa malumanay na tono.

"Tch! Oo naa, hindi na...pambihira 'to!" Sigaw niya dahilan upang magsipaglingunan ang mga kaklase niya, pero parang wala lang ito sa kaniya. "So, kuwentuhan mo naman ako! Nabitin ako doon kay Allan eh! Isa pa hindi marunong mag kuwento 'yon, and bored!" Aniya, nakangiwi.

Bumuntong hininga ako at sinimulang mag kuwento. Dahil kapag hindi ko iyon gagawin siguradong hindi niya ako tatantanan hanggang makauwi ako sa bahay. May oras na lumalaki ang mata niya dahil sa gulat at minsan naman ay lumiliit at kumukunot pa ang noo.

"Iyon na nga...kahit ako ay hindi ko naintindihan ang mga sinasabi ni propesora Carrex, gayong hindi naman ako kasinglakas ng nilalang na binanggit niya at isa lamang akong hamak na ordinaryong bampira na walang kapangyarihan." Pagtatapos ko ng kuwento. Nanatiling nakatitig sa akin si Kianna na para bang kinukumpirma kung tama ba ang mga narinig niya.

"Ayan kana naman eh!... feel ko nga mas powerful ka pa kaysa sa akin, Elljey!" Matagal bago siya nakapagsalita. Halatang iniiba rin niya ang usapan.

"Ano ka ba, ordinaryong bampira lang itong kaibigan mo at saka isa kang Collics na pure blood, kaya't huwag mong ikumpara ang sirili mo sa akin dahil malayo ang pinagkaiba nating dalawa Kianna!" Sabi ko at umiwas ng tingin.

Tumawa siya ng mapakla. "Humm? Baka isa kang royal blood Elljey, o 'di kaya naman isa ka ring pure blood. Hindi malayong mangyari iyon!" Kumikinang pa ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Ang layo ng narating ng imahinasyon mo Kianna! Sa tagal ba naman nating magkasama ngayon ka pa nausyoso? at isa pa may kapangyarihan na kumontrol sa akin, at malayong hindi galing sa akin ang kapangyarihan iyon. At maging si Allan ay alam no'n." Sabi ko pa. Mukhang nakumbinsi ko naman siya.

The Story Of A Pure Blood Vampire: "The Memories"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon