The memories_06: "Bestfriend"

195 30 6
                                    

§•KABANATA 06•§

♡☆♡《¤_¤》♡☆♡

*Ellaine Jade POV

Buong araw akong nagkulong sa bahay. Walang magawa, lakad dito, lakad doon. Higa rito, higa roon. Nakakabagot. Akala ko hihintayin ako ni Nathan, ngunit nagkamali na naman ako. At pinagalitan ang sarili dahil umasa na naman ako at nauwi lang sa wala. Napag-desisyonan kong lumabas ng kuwarto at magpapahangin sa hardin. Umupo ako sa may bangko malapit sa may maliit na lawa. Ninamnam ang simoy ng hangin at binalewala ang medyo nakakapaso na sinag ng araw na tumama sa balat ko.

Sa mga oras na ito dapat nasa bahay pa ako dahil delikado ang sinag ng araw sa bampira. Matutuyuan ako ng balat kapag tumagal ako dito sa labas, pero balewala na iyon sa akin ngayon dahil nakakagaan ng pakiramdama ang simoy ng hangin, ang umaawit na ibon, at lagaslas ng tubig mula sa talon na hindi kalayuan sa bahay.

"Bakit narito ka sa labas?" Tanong ng isang nilalang mula sa likuran ko. Napagtanto ko na kaagad kung sino ito kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon. Nanatili sa lawa ang paningin ko. "You shouldn't be here, Ellaine...delikado! Baka mapahamak ka... Mainit masiyado ang araw!" Sabi pa niya at tuluyan nang lumapit sa akin.

"Hindi araw ang maglalagay sa akin sa kapahakamakan!" Tanging tugon ko.

Dinig ko ang malalim ng pagbuntong hininga niya. "Mag-isa ka lang ba dito sa mansyon?" Pag-iiba niya ng usapan at umupo sa tabi ko.

"Oo, Simula nang lisanin mo ang bahay na ito." Sagot ko.

"Pero ngayon nandito na ulit ako, hindi kana mag-iisa pa Ellaine!"

Natutuliro akong tumingin sa kanya, at siya naman ngayon ang nakatingin lang sa lawa. "Hindi ko na kailangan pa ng kasama Nathan, ayos na sa akin ang mag-isa. Isa pa, sanay naman na ako eh!" Natitigilan siyang tumingin sa akin kaya't ngumiti ako ng tipid.

"But Ellaine, I want to fulfill my promise to your father! Give me a second a chance to do that, please! I beg you..." Malamlam ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Kalimutan nalang natin 'yon Nathan, tutal matagal nang nasira ang pangakong iyon eh! Kaya wala ng saysay 'yon ngayon." Pinipigilan kong maging emosyonal, at lihim na napapalunok.

Hindi ko matatagalan ang nagsusumamong tingin niya kaya ako na ang unang umiwas at bumuntong hininga. Ayoko kong saktan pa ng paulit- ulit ang sarili ko dahil sa mga katangahang nagagawa ng puso ko na labag naman sa isip ko.

"Hindi ganoon kadaling kalimutan nalang iyon Ellaine, at mahirap nang bawiin ang salitang nabitawan ko na kaya gagawin ko parin ang pangakong 'yon alang-alang sa pagkakaibigan namin ng papa mo." Sabi niya nang may halong lungkot at kumpiyansa.

Pumikit ako nang maramdaman ang kakaibang gumapang na enerhiya sa katawan ko. Naikuyom ko ang kamao ko dahil ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko dahil sa lalim ng aking paghinga.

Ano na naman ang nangayayari sa akin?

"Ellaine, what's wrong?" Alalang tanong ni Nathan.

Patuloy parin ang paggapang ng enerhiyang iyon sa katawan ko hanggang umabot na ito sa puso ko at ganoon nalang ang kirot no'n, ngunit kailangan ko iyon ilihim sa kaharap ko.

The Story Of A Pure Blood Vampire: "The Memories"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin