"Is that you, Shaya?" Napatingin ito sa akin.

"Oo, painting yan ni James..." medyo nahihiya ko pang sagot. Sa totoo lang na-awkwardan ako dahil alam kong may gusto itong si Cherry kay James. Pero kaibigan ko parin siya kaya kailangan na umasta ako na maayos.

"That's very talented of him."

Ngumiti nalang ako bilang sagot.
"Ah, gusto mo ba ng maiinom? Juice? Coffee?" Tanong ko nang makaupo siya sa may couch namin.

"No, just glass of water." Kumuha naman ako ng tubig na maiinom niya. Medyo kinakabahan talaga ako sa pagpunta niya. Hindi ko nga alam kung papaano niya nalaman kung saan ako nakatira.

"Ano nga pala ang dahilan ng pagdalaw mo?" Diretso kong tanong sa kanya ng maiabot ko ang tubig.

"Busy ka ba ngayong gabi?" Tanong nito nang makaupo ako sa tabi niya.

"Hindi naman, bakit?"

"Tamang tama, I wanted to invite you in my family dinner later night." Alok nito sa akin at ininom ang tubig na ibinigay niya sakin.

"Ah... pero kasi, baka magalit si James." Anya ko rito medyo napakunot ang noo nito nang sabihin ko iyun.

"Don't you worry, Shaya. He will not know about it." Nakangiting saad nito. "Except if you'll tell him." Dagdag pa niya na may pagkasarkastiko.

Oo, hindi naman malalaman ni James kung hindi ko sasabihin atsaka isa pa sabi niya malelate siya.

"Ah sige sasama na ako." Napa-yehey naman siya sa sinabi ko. Nagsimula na akong magayos at magbihis ng formal attire dahil ang sabi sakin ni Cherry, malayo-malayo raw ang place na pinageventan nila.

Sa totoo lang hindi rin ako makatanggi kay Cherry, dahil kilala ko siya na palagi nasusunod ang mga gusto nito. Kaya nga naging maging kaibigan kami dahil sa mahaba ang pasensya ko.

Mag-gagabi na nung nakapunta kami sa pupuntahan namin. Simple white mansion lang siya pero mabibighani ka sa dekorasyon sa labas nito. Halatang mamahalin ang mga gamit. Napansin ko ring maraming bisita sila, dahil maraming nakapark na mamahalin na sasakyan sa labas. Nagtaka ka agad ako dahil sa naalala ko na ang alok niya sa akin ay family dinner pero mukhang party ito.

Nang makapasok kami sa loob, napansin ko ka agad ang mga taong nakatingin sa amin na para bang minamatyagan ako.

"Cherry. How you've been?" Masayang bati ng babaeng mid 30's na.

"Goodevening Tita Fatima, you looking gorgeous tonight." Anya ni Cherry, umikot ikot naman si Fatima at pinainggit ang kanyang mamahalin na dress at gucci bag nito.

"Aw you still sweet as ever." Kunwaring kinikilig na sabi nito. Napatingin sa akin si Tita Fatima at sabay sabing "and who is she?"

"Ah, Tita Fatima my friend Shaya." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Cherry.

"Hello po." Mabait na paggalang ko.

"And who's your parents?" Nakataas na kilay na tanong nito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang kanyang tanong ko papabayaan ko na. Kaya naman napayuko ako.

"Tita naman. Shaya is an orphan." Sagot ni Cherry. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko.

"Oh, okay." Maikling sagot ni Tita Fatima at minaigi ako nitong pinagmatyagan.

"Anyway we have to go now. Bye Tita." Anya ni Cherry at nakipagbeso-beso sa kanyang Tita na mapangmata.

Hindi ko nalang ininda ang kaninang nangyari at sumunod lang kay Cherry hanggang sa napandesisyunan ko nalang umupo sa isa sa mga upuan rito. Wala naman akong ibang kilala dito kung hindi si Cherry. Ang nakakatawa lang ay yung papaano sila magtaasan ng bangko. Kesyo galing paris yung shoes or bag o kahit anong mamahaling bagay. Hindi man nilang naisipin na kamustahin ang isa't-isa.

Habang nakaupo ako magisa, may nasagip ang aking mga mata, nakita kong si Alex patungo rito sa aking pwesto. Nagtataka ako nang umupo siya sa tabi ko at komportable sa pagupo habang umiinom ng red wine.

"How come you're here?" Tanong niya sa akin habang sa malayo ang tingin.

"Ininvite lang ako ni Cherry." Sagot ko rito.

"You should leave." Maikling anya nito hindi pa rin siya nakatingin sa akin kundi sa mga tao sa paligid.

"Bakit naman?"

"Because you will not like what will happen." Hindi ko masyado narinig ang kanyang sinabi dahil sa bigla nalang nagstart ang event. May MC kasi na nagsalita sa harap.

Titignan ko sana si Alex na wala na sa tabi na ngayon ay papalayo sa akin.

"Weird." Bulwas ko sa aking sarili.

"I've been looking for you. Tara sumama ka sa akin." Aya ni Cherry na kararating palang sa pwesto ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa loob ng malaking mansion, at tumungo kami sa may dining area.

At sa di inaasahang pangyayari, I saw him....

****

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon