Chapter 8: Danger?

Magsimula sa umpisa
                                    

[Alam kong nagkausap kayo. Hindi pa ba ayos?] - tanong ulit niya nang wala syang nakuhang sgaot mula saakin.

I sighed in confusion. "Mahirap Madame. But we're trying. I'm trying" napapabuntong hiningang sabi ko.

[Masyadong mabuti ang puso mo iha, kapatid mo nga'y napatawad mo. Sila pa kaya? Hahaha. Huling araw Ayesha Krishna, iha. Tandaan mo ang huling araw ang magbibigay ng isang napakagandang tanawin saiyo at sa apo ko] - natahimik ako sa sinabi ni Madame Serpentine.  Huling araw? What does she mean?

[Sa huling araw, maililigtas mo na ang sarili mo sa kadilimang pinasok mo. Mag iingat kayo. And enjoy the moment iha] - napakunot lalo ang noo ko sa dinugtong nya. Magsasalita palang sana ako nang marinig ko na ang dalawang magkasunod na tunog na senyales na namatay na ang tawag kahit pa wala naman talagang tumatawag. Weird.

"What the hell" nasambit ko nalang.

Pero hindi pa ako nakakabawi sa pag iisip nang yugyugin ng katabi ko ang balikat ko. At halos takasan na ako ng lakas nang magmulat ang mata ko--- ohmygod. I woke up in a weird dream!

"Hey, what's wrong? Ayesha" rinig ko ang malambing na tono ng boses ni Liam sa tabi ko, nakaakbay pa sya saakin pero hindi ko magawang sumagot.

"I wake you up because you're sleeptalking. What happened?" doon na ako napalingon sakanya. Kinabahan ako nang makita kong nakatingin na din saakin ang iba pa naming kasama. Bakas sakanila ang pagtataka at pag-aalala.Fuck.

"You say 'what the hell' numerous times" natawa si Liam sa sarili nyang sinabi. "And now, you woke up na parang nakakita ka ng multo.Are you okay?" sa isip ko'y ilang beses na akong napapailing.

"Nakatulog ako? Ilang oras?" imbis na sagutin ko ang tanong nya ay binato ko sya ng isa pang tanong na nakapagpangunot ng noo niya.

"You're really tired, hindi mo napansing nakatulog ka na. I think 30 minutes lang naman" napasapo ako sa sarili kong noo sa nangyari.

I thought what happened earlier was true! I really feel it! Ramdam na ramdam kong totoo ang mga nangyari. Ang pagtawag sa phone ko. Ang pagkausap saakin ni Madame Serpentine! Lahat 'yon malinaw saakin at ramdam kong totoo!

"Liam's r-right, Krishna. Nagulat na nga lang kami nung bumagsak yung ulo mo sa bintana, and when they check on you, tulog ka na. Hindi na kami nakatulog dahil nag-aalala din kami, akala namin you collapsed" paliwanag ni Kleo na may pag-aalala sa mukha.

Lalo akong nanlumo. I saw them, sleeping earlier nung kausapin ako ni Madame Serpentine, tapos malalaman kong ako lang pala ang natulog saaming lahat? Damn— oh god.Tanga mo Ayesha! Malamang si Madame Serpentine yon! She has all the powers!

Hindi nalang ako umimik sakanila. Kahit pa nagtataka sila sa asal ko ay pinili nilang wag nalang akong kulitin at tanungin. Nagpatuloy nalang ako sa pag-iisip tungkol sa sinabi ni Madame Serpentine hanggang sa hindi ko na mapansin na narating na namin ang pampangga gamit lang ang bus na 'to na hindi man lang ako nakatulog after what happened.

"Ayesha? Let's go babe" napaangat ang ulo ko kay Liam na ngayon ay nakatayo na at hawak na pareho ang bag naming dalawa. Nakalahad na sa harap ko ang kamay niya. He's smilinh sweetly.

Inabot ko naman agad ang kamay ko at sabay kaming bumaba ng bus. Napangiti nalang ako.

"THIS IS PAMPANGGA! SHET!" tuwang tuwang sabi ni Troy na arang batang nagtatatalon pa habang nimanamnam ang sariwang hangin.

"OO ULOL!" sigaw sakanya ni Tristan kaya naman napapailing akong natatawa sakanila.

Ang pinagparking-an ng bus ay malapit sa hekta-hektaryang palayan na sa di kalayuan ay may mga puno pa na lalong nagpaganda sa tanawin.

MAGICAL; A Charm's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon