Proof #06: My Angel, please Don't Forget

Start from the beginning
                                    

Si Lewis, nasamid sa iniinom n'ya.

"Huy! Okay ka lang?!" tanong ni ate Lezlie habang hinahampas yung likod ni Lewis.

"Ahh, oo.. okay lang.." sabi n'ya tapos tumingin s'ya sa akin..

Kumunot yung noo ko nung pasimple n'ya akong pandilatan..

Problema nito..

Tapos sumenyas s'ya kay Xander, kaya naman napatingin ako kay Leo..

"Ayy, oo nga.. tama si Lyn.. nakikita ko pa lang si Leo, gusto ko ng magka-baby.." tapos tumingin ako kay Mirko..

"Wag kang excited girlfie, dadating din tayo d'yan.." tapos nginitian n'ya ako..

Nakita ko naman sa pheriphiral vision ko ang paghinga ng maluwag ni Lewis..

Kakausapin ko yung nilalang na yun mamaya.. For now, focus muna ako kay kambal kasi start naaaaaa~

Nag-dim yung light tapos may angelic music na plinay.. para talagang debut.. hahaha!

And then tumapat yung spot light sa taas sa gitna nung grand hall.. si kambal, naka-upo dun sa parang swing like na may cotton yata to make it look like it was clouds..

Taraaaaaay.. ganda ehhhh :D

Tapos tumayo na s'ya dun sa swing at ngumiti sa amin.

"Let's welcome our angel of the night.." sabi nung MC.

Kami naman, tumayo then we clapped.. Tapos si kambal, ngumiti then she bowed and waved at us.

Lumapit s'ya sa table namin tapos uupo sana s'ya dun kaso tumayo si Lewis at hinawakan yung kamay n'ya..

"Shall I take you to your seat our angel.." sabi ni Lewis.

"Hindi ba pwedeng dito ako maupo?" sabi ni kambal at natawa pa.

"Sayang naman yung upuan oh.." tapos tinuro ni Lewis yung chair sa may stage.

"Gosh, Lewis.. debut ba 'to?" tapos tumawa si kambal.. "Ayoko dun, dito ako sa mga anak ko.." sabi ni kambal.

"Okay, if you insist.." tapos umupo na si kambal sa tabihan ko.. since I moved para katabi n'ya si Leo at Lauren.

Ang hindi napansin ni kambal sa pagkaka-upo n'ya..

"Err, hi Thunder.." tapos ngumiti s'ya kay Xander.

Yeap, katapat n'ya mismo si Xander sa upuan. -____-

"Mirko, punta lang ako sa bathroom.." sabi ko then I eyed Lewis..

Mukha naman nagets n'ya ang gusto ko kaya tumayo na ako at dumeretso sa CR. nagretouch ng konti tapos ayun lumabas na.

Paglabas ko, nandun si Lewis, nakasandal sa pader.

"What was that back there?" sabi ko

"Kelan balak sabihin ni Kami yung tungkol sa mga bata?" sabi n'ya.

"Wow, alam mo na pala, pero yung ama hindi pa." sabi ko then I crossed my arms. "Hindi ko alam kung kelan n'ya sasabihin but I'm sure, now is not the right time.." sabi ko at tiningnan si kambal na busy sa pakikipag-usap kay Leo.

"They make a good family.. pero ano bang reason kung bakit umalis si Kami noon?" tanong n'ya sa akin.

I shrugged and looked at Lewis with apologetic eyes, kasi kahit gusto ko naman sabihin sa kanya.. hindi ko naman alam kung ano talaga yung deeper reason..

Our Perfect Love [HPL Book 2 - Complete]Where stories live. Discover now