Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na ako kumontra. Una, napag-desisyunan na nila na titira dito si Luigi bago pa ako nagsabi na dito muna ako tutuloy. Pangalawa, sa kalagayan ni Lolo, gusto ko na lang na sundin ang lahat ng gugustuhin nya. Kahit ano pang gawin ko, alam kong hindi ko mapapantayan ang ginawa nya para sa akin. Ang hirap, pagod, sacrifices. At ang pagmamahal na binigay nya sa akin.

"Lolo, thank you po. Mahal na mahal ko po kayo", sabi ko kay Lolo habang tumutulo ang mga luha ko.

"Mahal na mahal din kita apo".

Nag-stay pa ako ng konti bago pumasok si Issa at ni-remind ako na kelangan ng magpahinga ni Lolo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Son, you're things will be here tomorrow morning, ok", sabi ni Tito Nilo.

Bumaba na kami ni Luigi para ihatid si Tito Nilo sa sasakyan nya.

"Thanks dad", sabi ni Luigi.

"Be good to Laureen and help her take care of Tito Lauro".

"Yes Dad. I will."

"Report to me everything", sabi pa ni Tito Nilo.

"I will Dad".

"Bye hija. Don't worry, everything's going to be fine, ok?", sabi sa akin ni Tito Nilo.

"Thank you po Tito", sagot ko.

"Stop crying na ha?", hinawakan ako ni Tito Nilo sa balikat, "Namamaga na ang mga mata mo".

"Opo Tito. Thank you po ulit", sabi ko sa kanya.

"Sige, I'll go now", paalam ni Tito Nilo sa amin at sumakay na sya sa sasakyan nya.

Naiwan kaming nakatayo ni Luigi sa labas.

"Laureen?", sya ang naunang nagsalita.

"Yes?", tumingin ako sa kanya.

"Ok ka lang ba?", tanong nya.

Tumango lang ako ng mabagal.

"Wag ka na mag-alala, everything's gonna be fine", sabi niya.

Natigilan ako. Parang 'yon din ang sinabi nya sa akin kanina nung niyakap nya ako sa loob ng kwarto ni Lolo. Hindi sya nakayakap sa akin ngayon, pero naramdaman ko namang sincere sya.

Tumango ako ulit, "Thank you Luigi".

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay.

"Papasok na ako sa kwarto ko", sabi ko sa kanya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon