Cross Dresser

24.2K 413 44
                                    

Panganay ako sa dalawang magkapatid, noong pinagbubuntis pa lamang ni Mama ang nakababata kong kapatid ay inaasahan nilang babae na ang susunod. Kaya naman noong lalaki pa rin ang naging kasunod ko ay madalas bihisan ni Mama ng damit pambabae ang aking nakababatang kapatid. Tuwang tuwa siya na nakikitang nakabihis na pambabae ang aking kapatid, para na raw kaming nagkaroon ng prinsesa sa bahay.

Lumaki at nagbinata ang kapatid ko at buti naman ay tinigilan na siya ni Mama na suotan ng damit na pambabae. Pakiramdam ko ay hindi rin siya kumportable sa ginagawa ni Mama. Si Mama naman ay mukhang natanggap na na hindi na kami magkakaroon ng babae sa bahay maliban sa kanya. Naging maayos ang buhay sa nakababata kong kapatid na si Norman.

Nang mag-kolehiyo siya ay nagpumilit siyang bumukod sa tinitirhan ko. May sideline naman siya bilang freelance illustrator at sapat na iyon para ipang-upa sa isang maliit na apartment kasama pa ang binibigay na monthly allowance ni Papa. Noon freshman siya ay halos 3 beses sa isang linggo ko siyang dalawin, pero dumating ang panahon na parang sanay na siya sa lugar at naiintindihan ko na kaya siya bumukod ay gusto niyang matuto, kaya na rin mas madalang na ang ginawa kong pagbisita, tutal nagkikita naman kami sa bahay kapag umuuwi siya.

Third year college siya noong napanood namin sa TV ang tungkol sa isang serial killer. Pumapatay daw ito ng mga kolehiyala sa Unibersidad na pinapasukan pa ni Norman. Agad nag-alala si Mama at pinatawagan si Norman at kung maari ay doon muna sa akin tumira. Pero matigas si Norman sa pagsasabing ayaw niya doon tumira sa tinutuluyan ko at sinigurado naman niyang ayos ang kalagayan niya at isa pa, pawang babae lang naman ang binibiktima noon.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkainteres sa serye ng pagpatay na iyon. Nagresearch ako sa internet at tiningnan ang mga larawan, pati na rin ang mga litrato na kinunan ng mga nakadiskubre sa patay. Ang mga bangkay ng kolehiyala ay may mg bahagi ng katawan na nawawala. Ang unang pinatay na si Leema ay nawawalan ng kanang paa, may isa namang ang nawawala ay kaliwang paa. Nawawala ang mga parte ng katawan niya pero magkakaibang parte iyon.

Kung pagsasamahin ang lahat ng nawawalang parte ng mga biktima ay malapit ka ng makabuo ng isang tao, tanging ang ulo at upper torso na lamang ang hindi nawawala. Agad akong napaisip kung sinong baliw ang kayang gumawa ng ganitong bagay at nasisikmura niyang makita na ang isang taong dating buhay ay pagpirapirasuhin niya. Nakakadiri at nakakasuka.

Nang mga sumunod na araw ay muling ibinalita ang tungkol sa serial killer na iyon. May nabiktima na naman itong kolehiyala at nawawala ang upper torso nito, habang pinaghiwa-hiwalay naman ang mga katawan at isinilid sa itim na bag. Pero sa pagkakataong iyon, isang saksi ang diumano'y nakakita sa mamamatay tao. Isa raw babae na may mahaba at kulot na buhok, maputi ang nakita niyang humahatak sa bag.

Pagkalipas ng ilang araw ay medyo natahimik ang balita tungkol sa serial killer. Naisipan kong bumisita sa kapatid ko at tingnan ang lagay niya. Medyo namimiss ko na rin siya at matagal na kaming nagkakausap ng mahaba haba. Hindi ko na rin sinabi na bibisita ako para masorpresa siya.

Mayamaya pa ay narating ko na ang apartment na kanyang tinutuluyan. Bago pa ako pumasok ay binati na ako ng aleng nakatira sa tabi ng apartment na iyon. Alam na rin naman niya na kapatid ko ang nakatira doon at madalas ako dating bumisita.

"Makisabi sa kapatid mo, huwag nang mag-alaga ng isda sa aquarium, palagi na lamang siyang namamatayan ng isda, hindi niya naman agad malinis." Medyo inis na wika nito.

"Oho. Sasabihin ko ho" tanging pag-sangayon na lamang ang nagawa ko. Hindi ko rin naman alam na meron na palang aquarium si Norman. May tatlong buwan na rin yata mula nang maligaw ako dito.

Kumatok ako sa pintuan ng apartment na iyon. Tinawag ko pa ang pangalan niya dahil parang hindi niya naririnig ang pagtawag ko. Nilakasan ko na ang pagkatok sa pinto ng narinig ko ang boses niya.

"Sandali!"

Pagbukas niya ng pinto ay naamoy ko na ang sinasabing amoy ng matanda babae na 'yon. Amoy nabubulok na bagay.

"Maglinis ka nga dito! Ano ba yang amoy na 'yan? Nagrereklamo na yang mga kapitbahay mo." Sermon ko sa kanya. Madalas ko rin naman siyang mapagsabihan lalo na at nakatatanda ako sa kanya. Mabait naman ang kapatid ko at agad sumusunod sa mga sinasabi ko.

"Maglilinis na nga sana ako. Pero dumating ka pa. Pasok ka na muna!" Anyaya niya sa akin sa loob.

"Bakit kasi nag-alaga ka pa ng isda eh palaging walang tao dito. Mamatay talaga iyon kapag umuwi ka ng bahay, dalawang araw hindi kakain."wika ko.

"Iniiwan ko naman sila ng katabang isda na makakain nila, eh wala patay pa rin." Sabay ngiti nito at nagsimula nanga siyang maglinis. Nagspray pa nga siya ng airfreshner at mukhang medyo nawala naman ang amoy na iyon.

"Anong oras ang period mo bukas?" tanong ko sa kanya.

"Mga bandang tanghali pa."

"Tara inom tayo" Niyaya ko siyang uminom. Ganon na ngayon ang bonding namin. Sinigurado ko muna na tanghali pa nga ang pasok niya bago ko siya niyayang uminom. Ayaw ko rin namang impluwensiyahan siya ng masama.

Ako na ang bumili ng alak na iinumin namin, ayoko rin namang mabawasan pa ang budget niya.

"May ulam ka ba diyan?" tanong ko sa kanya, para kung saka-sakali ay hindi na ako bibili pa ng pulutan.

Sinimula namin ang inuman. Sa totoo lang ay hindi masyadong sanay uminom ang kapatid ko. Mababa ang tolerance nito sa alcohol at madaling malasing. At gaya nga ng inaasahan, wala pang 10 shot ay iba na ang tingin nito. Matapos pa ang ilang tagay ay bagsak na ito. Pilit kong ginigising siya dahil ayaw ko siyang bitbitin papuntang kwarto niya pero ayaw niyang magising. Naalala kong kumuha na lamang ng yelo sa ref niya. Ang ref na iyon ay regalo pa ni Mama sa kanya, para daw hindi siya napapanisan ng pagkain, sayang nga naman ang pagkain kapag napapanis.

Pagbukas ko ng ref niya ay may nahulog na bagay, gumulong ito pababa ng mesa. Dahil na rin sa lasing na ako ay hindi ko agad nahanap iyon. Kinapa kapa ko pa iyon at ng tamaan ng kamay ko ay agad ko iyong hinatak. Gulat na gulat ako ng makitang isa iyong ulo ng tao. Hindi ko alam kung bibitawan ko iyon o ibabalik sa ref. Agad ko iyong ibinalik sa ref at sinilip ko si Norman. Tlog na tulog pa rin siya. Nanginginig kong tinawagan ang pulisya hindi dahil sa natatakot ako sa kapatid ko at sa kung anong gagwin niya sa akin kundi natatakot akong isuplong siya dahil kapatid ko siya. Pero dahil sa pagpapalaki ng aming magulang sa amin, nagdesisyon pa rin ako an ireport ang nagyari.

Naaresto nga si Norman noon gabing iyon, Dumating din ang mga magulang namin at hindi ko napigilang umiyak dahil sa ginawa ko. Sa pagiimbestiga ng mga pulis ay naikabit nila ang kapatid ko sa serye ng pagpatay sa kanilang unibersidad. Nakakita sila ng damit pambabae sa loob ng aparador ni Norman at wig na mahaba at kulot. Noong nasa korte kami ay inamin niya ang dahilan ng kanyang pagpatay.

"Papatayin ko sila at kukunin ang bawat isang parte nila. Iluluto ko at kakainin yon, pagkatapos ay iinumin ko ang dugo nila na inilagay ko sa baso. Pipira-pirasuhin ko ang kanilang katawan at itatapon iyon. Kinakain ko sila dahil gusto kong maging isang tunay na babae. Pinipili ko lamang ang magaganda at makikinis dahil ganun ang gusto kong maging itsura. Ang pagkain at paginom ng dugo nila ay magbibigay sa akin ng katawang babae. Isang parte na lang sana ang kakainin ko at magiging babae na ako, kung hindi lang dumating si kuya ay nakain ko na ang ulo ng babaeng iyon at magiging magandang babae na ako."

Umiyak si Mama matapos marinig ang sinabi niyang iyon. Siguro ay dahil sa pinagdadamit niya ng babae si Norman noong bata pa ito. Hindi naman nabigyan ng hatol si Norman, matapos kasi ang ilang araw ay nakitang nakabigti na si Norman sa loob ng selda gamit ang sinturon.

Pinoy Horror Stories (Completed)Where stories live. Discover now