Ang Nawawala kong Kapatid

32.6K 564 111
                                    

Ako si Ino, ilang araw na lamang at magiging bente anyos na ako. Halos walong taon na ang nakalipas mula nang may naganap na pangyayari na nagbago sa buhay ng aming pamilya. Labing isang taong gulang pa lamang ako noon, ngunit bawat detalye ay sariwa pa sa aking isipan na parang kahapon lamang naganap ang lahat.

May nakababata akong kapatid. Madalas siyang pinagbibilin sa akin ng aking magulang dahil madali siyang loko-lokohin ng kanyang mga kalaro. Sabay kaming umuwi ni Turby matapos ang klase. Mas nauunang matapos ang klase niya, matapos noon ay hihintayin niya ako sa waiting shed dahil iyon ang bilin ng magulang namin. Walking distance lang naman ang layo ng paaralan sa bahay namin kaya nilalakad lang namin.

Malapit talaga kami ng nakababatang kapatid ko na si Turby sa isa't isa. Madalas naming pag-usapan ang mga pinapanood naming mga anime noon. Biro niya pa noon sa akin, kung mare-reincarnate daw siya ay gusto niyang magkaroon ng super powers para makatulong sa aming pamilya.

Nagsimula ang lahat isang araw na hindi ko siya natagpuan sa waiting shed pagkatapos ng klase ko. Sandali akong nagtaka dahil hindi gawain ni Turby na umalis na lamang doon. Noong una, akala ko ay hindi pa siya tapos sa kanyang klase o cleaner siya noong araw na ýon. Sandali akong naghintay, ngunit nang magtagal ay tinanong ko na sa guard ng eskwelahan kung napansin niya ba ang kapatid ko. Sigurado naman akong pamilyar siya sa kapatid ko dahil madalas niya itong nakikita na naghihintay. Gaya nga ng sabi ko, magiliw ang kapatid ko at kahit na sino ay kinakausap. Kasama na ang guard ng eskwelahan.

Sandaling nag-isip ang security guard na parang binabalikan ang nangyari kanina. Mayamaya pa ay naalala niyang may sumundo raw sa kapatid ko. Isang lalaki daw 'yon at mukhang magkakilala sila dahil sumama daw ito sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

Inisip ko na lamang na dumiretso na siguro sa pag-uwi si Turby. Marahil ay sinundo siya ni Tatay kaya umuwi na rin ako. Ilang sandali pa ang lumipas at narating ko na rin ang bahay. Gaya ng mga normal na araw namin ay naroon si Nanay at abala sa gawaing bahay. Tinanong ko siya kung naroon na ba si Turby. Sinilip niya ito sa kwarto at baka nasalisihan lamang siya sa dami ng kanyang ginagawa. Sa huli ay hindi niya nakita ni anino ni Turby. Nagtaka ako at sinabi ko kay Nanay na nauna na siyang umalis sa school. Sinabi ko rin sa kanya na nakitang umalis si Turby ng guard na umalis na may kasamang isang lalaki.

Medyo nag-alala si Nanay sa sinabi kong iyon pero inisip niya na bakay si Tatay lamang ang sumundo. Siguro ay maagang natapos ang trabaho nito umuwi at ginala sandali ang anak. Ngunit nang hindi mapalagay si Nanay ay pumunta siya sa school at iniwan ako sa bahay. Medyo matagal din siyang nawala. Pagbalik niya ay tinanong niya ako kung nandoon na ang aking kapatid. Sa kasamaang palad ay wala pa rin ito doon.

Sumapit ang gabi at dumating na rin si Tatay galing sa trabaho. Nang malaman ni Nanay na hindi sila magkasama ay kinutuban na ito. Dumiretso sila sa police station para mag-report. Sa kasawiang palad ay hindi pa pala pwedeng i-declare na nawawala ang isang tao ng ganoong kabilis. Lumapit na lamang sila kina Kapitan at humingi ng tulong.

Lumipas ang ilang araw, ilang linggo, ilang buwan at ilang taon. Hindi na muling nakauwi si Turby. Hindi lang ang kapatid ko ang nawala sa panahong iyon. May 4 na bata pa bukod sa kapatid ko ang misteryoso na lang nawala. Hindi naman din huminto ang aking mga magulang sa paghahanap sa kaniya. Umaasa pa rin naman kasi kami na baka buhay pa ang kapatid ko. Tila ba huminto ang buhay ng aming pamilya at naubos sa paghahanap ng aking kapatid. May araw pa na sinisisi ko ang aking sarili. Kung nakalabas lang siguro ako nang mas maaga ay hindi ito sasama sa lalaking kumuha sa kanya.

High school na ako nang magkakaroon ng development sa paghahanap sa bunso namin. Isang ligaw na aso ang sumunod sa akin pauwi ng bahay. Hindi ko alam ng malaki ang maitutulong nito para aliwin kami at sandaling makalimutan ang bigat na nararamdaman sa pagkawala ni Turby. Natakot pa nga ako na baka kagatin ako noon pero parang may kakaiba sa aso. Huminto iyon sa labas ng bahay namin at umupo na parang naghihintay. Nakasiyahan ng aking mga magulang ang aso, sa huli ay nagdesisyon silang ampunin ito.

Maamo at magiliw ang aso na iyon. Hindi na kailangan ng tanikala kapag ginagala. Para bang may kakaibang talino ito. Sa tuwing kakausapin ko siya ay para bang naiintindihan ako nito. Lalo lang tuloy itong kinagiliwan ng aking mga magulang.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tuwing igagala ko siya ay hihinto ito sa tapat ng isang bahay ilang dipa ang layo mula sa dating school ko. Bahay iyon ng isang mayamang doktor na madalas magbigay ng mga kendi at chocolate sa mga bata. Isang araw ay muli itong umupo sa harap ng gate ng doktor. Kahit anong tawag ko sa kaniya ay ayaw niyang umalis.

Mayamaya ay biglang bumukas ang gate. Lumabas ang doktor na nakatira sa bahay at inangilan siya ng aso namin. Humingi ako ng pasensya sa doktor sa ginawang pag-angil ng aso namin dahil mukhang natakot ang doktor dito. Nakapagtataka dahil hindi ito ginagawa ng aso namin. Kahit na nga ang maingay at lasengong kapitbahay namin ay kinakawagan nito ng buntot.

Matapos 'yon ay inanyayahan akong pumasok sa loob ng bahay ng doktor. Aniya may ibibigay daw siyang chocolate. Sandali akong napaisip, ngunit dahil sa patuloy na pagangil ng aso ko ay tumanggi ako. Dali-dali tumakbo palayo ang aso at agad ko naman sinundan. Hindi na tuloy ako nakapagpa-alam ng maayos sa doktor.

Makalipas ang isang linggo ay may dumating na sulat sa amin. Walang return address iyon pero nakakakilabot ang laman. Narito ang laman ng sulat:

Ginoo at Ginang,

Kumusta! Hindi niyo siguro ako kilala. Sinundo ko ang anak niyo noong araw na nawala siya. Sinabi kong pupunta kami sa bahay namin para kumain ng chocolate at agad naman siyang sumama. Iniwan ko muna siya sa labas ng hardin. Napakainosente ng anak niyo habang pinagmamasdan ko siyang pumipitas ng bulaklak.

Pagdating sa may kusina ay naghubad ako at tinawag ko siya. Ayokong mamantsahan ang damit ko ng dugo at mahirap tanggalin. Nagtago ako sa likod ng pinto ng kusina at hinantay na makapasok siya. Pagkapasok niya ay agad kong sinara ang pinto. Takot na takot ang anak niyo at sinabing isusumbong niya raw ako sa inyo.

Nagsimula siyang magsisigaw, agad kong hinampas ng tubo ang ulo niya at nawalan siya ng malay. Sariwa ang dugong dumaloy sa sugat niya sa ulo na inumpisahan kong dilaan. Napakasarap ng lasa noon. Sinimulan kong hiwain ang parte ng katawan ng inyong anak, alam kong humihinga pa siya ng mga oras na iyon. Naririnig ko pa ang mahihinang daing niya. Nagsimula ako sa may puwitan, malaman iyon at malambot. Tiyak na magiging masarap iyon.

Pinakuluan ko ng matagal ang parte niyang iyon at ang natira ay inilagay ko sa ref, para sa mga susunod na araw. Inikayat ko ang pinakuluang anak niyo sa taas at doon ko kinain habang nanonood ng paborito kong palabas. Busog na busog ako ng araw na iyon. Salamat sa inyo at mukhang pinataba niyo talaga ang anak niyo para sa akin.

Napansin ko nga pala ang isa niyo pang anak. Mukhang gaya ng bata niyang kapatid ay masarap rin ito. Alam niyo, kung makakatikim lang kayo ng karne ng tao ay sasabihin niyong iyon ang pinakamasarap na karne sa lahat.

Gumagalang,

698ha78ksd

Matapos mabasa nila Nanay at Tatay ang sulat na iyon ay nagsisigaw si Nanay. Nabasa ko rin ang sulat na iyon at natakot ako ng husto. Pero may isang bagay doon ang nakakuha ng atensyon ko, ang "chocolate". Sinabi ko kaagad kay Tatay ang nangyari noong isang linggo sa bahay ng doktor, pati na rin ang madalas na pagtigil ng aso namin doon.

Dali-dali silang humingi ng tulong kay Kapitan at sa pulisya upang siyasatin ang lugar na iyon. Makalipas ang ilang araw ay hinalughog nila ang lugar na iyon ng doktor. Sari-saring buto ng bata ang natagpuan sa loob ng bahay. May mga ngipin ng bata na nakalagay sa bote. Ang mga ulo naman ay nakalagay sa cabinet. May 2 bago lamang na biktima na buo pa ang katawan at mukhang sinisimulan niya pa lamang kainin.

Nakalubog naman sa bathtub ang isa na puno ng yelo. Ang ref niya naman ay may mga paa at kamay ng mga bata. Pakiramdam nila ay isa iyong museo ng isang serial killer. Hindi nila maisip na kayang gawin iyon ng isang tao. Nagkaroon na lamang ng mass grave para sa lahat ng biktima ng doktor. 16 lahat ang nakitang bahagi roon, pero inamin ng doktor na higit 20 ang napatay niya at kinain.

Ang hindi namin maintindihan ay kungbakit parating humihinto sa bahay na iyon ang aming aso. Tila ba may alam ito tungko sa nangyari sa bahay. Sa isip namin, marahil ay alaga siya ng isa sa mga bata na napaslang ng doktor. Kung bakit ako ang napiling sundan ng aso ay hindi ko alam.

20 counts ng habambuhay na pagkakabilanggo ang ipinataw na parusa sa doktor. Natatandaan ko na sa isang hearing ay bigla na lamang hinimatay si Nanay, matapos sabihin na ang kapatid ko ang isa sa pinakamasarap na karneng natikman niya. Walang bakas ng pagsisisi sa kanyang mga mukha. Noong huli ay sinabi niyang "Ang mga bata ay idinisenyo ng Diyos para gawing pagkain"

Pinoy Horror Stories (Completed)Where stories live. Discover now