Chapter 9

5.8K 154 39
                                    

Gabrielle.

"Haera..let me go. Unchain me. You won't be safe if my weight drags you down. Let go," sabi ko kay Haera habang nakahawak siya sa railings ng balkonahe at nangingiyak-ngiyak na.

"No, eonnie! I won't let go you. I promise. I pull you up and I save you." naiiyak na sabi ni Haera habang hawak-hawak niya ang braso ko para suportahan ito.

Hindi. Dapat mo akong pakawalan, Haera. Kung pareho tayong nakaalis mula sa kulungan na iyon, parehas rin tayong makakaalis dito mula sa balkonahe na pinagtalunan natin.

Pero hindi...hindi pwede iyon. Isa lang ang maaaring mabuhay sa'tin. At ikaw 'yon.

"Aniyo! Save yourself! You live, I die! You and Taehyung oppa still have bright future ahead!" pagsermon sa'kin ni Haera at lalo lang akong naiyak.

Mas mahal ka niya, Haera. Kung alam mo lang.

"We don't have a future. He doesn't love me. He loves you more." I faked a smile and looked at her. "You deserve to live, and I deserve to die." sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh. Mas mahal parin ni Taehyung ang ex niyang si Park Haera. At sa tingin ko, mas pipiliin siya ni Taehyung kaysa sa akin so ano pa ang point para mabuhay diba?

"Don't say that, Gabby. He learn to love soon. Just wait. And be strong woman do bong soon." sabi niya at narinig nalang namin ang marahas na pagbukas ng pinto.

"Hoy!" sigaw ng isang guwardiya at nilapitan kami ng mabilis ni Haera.

Tinignan niya kaming dalawang mabuti at saka tumawa. "Haha! Tatakas pa kayo ah. Ayan!"

"Ahh!" sigaw ni Haera nang tapakan nung guwardiya yung kamay niya na nakahawak dun sa railings.

Ilang beses pang tinapak-tapakan nung guwardiya ang kamay ni Haera upang manghina ito.

"Haera, don't let go! Kumapit ka lang!" sigaw ko mula sa baba at nakita ko kung paano ininda ni Haera ang sakit sa dalawang kamay niya.

"G-gabby..I can't," pabulong na sabi niya at ipinikit nalang ang mga mata niya.

"Don't lose hope, Haera! You need to liㅡ"

"Hoy!" naputol ang dapat kong sasabihin nang biglang bumukas uli yung pinto mula sa balkonahe at inilabas nito si Taehyung at mga guwardiya niya.

Nakita naman siya agad nung guwardiya na nanakit kay Haera at agad na nanlaki ang mga mata nito.

"Umalis ka dito," malamig na sabi ni Taehyung sa kanya at sinimangutan ang guwardiya.

Agad naman itong sinunod si Taehyung pero bago man ito makaalis, ay may palihim na kinuha si Haera sa uniporme nung guwardiya.

"Yah, jagiya. Gwenchanaeyo? [Hey, baby. Are you okay?]" tanong ni Taehyung sa kanya at pilit na tumango nalang si Haera pero biglang nadulas yung isa niyang kamay sa railings, dahilan ng biglaang pagbaba nila ni Gabrielle.

"Haera! Please let go of me! I know you have the key!" sigaw ko mula sa baba at narinig ko ang malaks na paghagulgol ni Haera habang tinutulungan siyang iakyat nung mga guwardiya ni Taehyung.

"That chain not stable," panimula ni Haera. "If you force, it might break and loose." mangiyak-ngiyak na sabi niya habang tinitignan ako.

"Save her, please." Haera begged, and iyon nga ang ginawa nila.

Tinulungan nilang maiakyat ako doon sa may railings at noong magkatabi na kami sa gilid ng railings at nasigurado nang ayos na at hindi na masisira ang posas, nginitian ako ni Haera na ikinagulo ng isipan ko.

"Why are you smiling?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya lalo.

"I'm happy because Taehyung and I met you. Take care of him, okay?" sabi niya at may dinukot sa pantalon niya at pinihit ito sa posas. Ang susi.

Naalerto ako bigla at pipigilan sana siya kaso natanggal na niya kaagad ang pagkaka-posas niya sa'kin at bumitaw ang kanyang nanginginig na kamay sa railings.

"Haera!" sigaw ko nang makita ko ang nakahandusay at duguan niyang katawan sa kalsada.

"Ahh!" sigaw ko nang yugyugin ako ni Taehyung.

Pawis na pawis akong naupo mula sa pagkakahiga at punung-puno ng luha ang mga mata ko.

"Ano nangyari? Nanaginip ka ba ng masama?" tanong ni Taehyung sa akin at nahagilap ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"S-si Haera..K-kasalanan ko..." nanghihinang sabi ko at humagulgol.

Nagulat nalang ako ng biglaan akong niyakap ni Taehyung at hinagod ang likod ko. "Shh, tama na. Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari. Walang nagkagusto na mangyari 'yon sa kanya. Tama na."

Iyak parin ako ng iyak dahil alam ko na ako ang may kasalanan nang nangyari sa'min sa kulungan at sa pagkamatay niya.

Alalang-alala ko kung paano ko ninakaw ang mamahalin na kwintas at ibinintang sa inosenteng babae na katulad niya, pati ang pagtakas namin sa presinto at pagtalon papunta sa balkonahe nito.

Naalala ko rin kung paano ako naging pabigat sa kanya, physically and emotionally. Naiinggit ako sa kanya palagi dahil mas mahal siya ni Taehyung although ex lang si Haera at ako yung asawa.

Masakit, alam mo yon? Pilit ko nang kinakalimutan ang nakaraan pero palagi siyang nasa isip ko.

Madalas ko siyang napapanaginipan, minsan masaya siya pero kadalasan, malungkot siya. Sinasabi niya sa akin palagi na, 'It okay, eonnie. Taehyung oppa change for you soon.'

At ngayon ko lang rin naalala. Death anniversary ni Haera ngayon. Ni hindi ko man lang siya nabisita nung mga nakaraang taon kasi natatakot ako na baka may galit parin siya sa akin at hindi niya 'ko napapatawad sa mga ginawa ko sa kanya.

"Death anniversary ni Haera," pagpapaalala ko kay Taehyung at tumango nalang siya bago humiwalay sa akin.

Tumingin siya sa harap ng kama dahilan ng pagkatitig ko din roon.

Sa isang lamesa, naroroon ang mga litrato ni Haera kasama si Taehyung at ako. May mga kandila rin na nakapaligid doon at 'di ko mapigilang maiyak.

Ganito siguro ang gawain ni Taehyung kapag death anniversary ng pinakamamahal niya. Ipinagdiriwang niya pala palagi at hindi kinakalimutan, 'di katulad ko.

"Bisitahin natin ang puntod ni Haera mamaya, arraseo?" sabi ni Taehyung at tumango nalang ako saka tumayo sa kama niya at nagpunas ng luha.

"Magbibihis lang ako," bulong ko pero sapat lang para marinig din niya.
Lumabas ako sa kwarto niya at napabuntong-hininga.

Haera, bakit ikaw pa ang kailangang mawala? Bakit hindi nalang ako? Wala namang nagmamahal sa'kin eh. Mas mahal ka ni Taehyung.

Naluha nalang ako lalo sa mga pinag-iisip ko. Bakit ba ganito ako mag-isip?

Mianhe, Haera-sshi. Saranghaeyo. Don't worry, I'm not afraid anymore. I have gathered all my courage altogether and I will visit you.

+++

a/n: ayeee! it's christmas break! mianhe for being hiatus these past few months and weeks, super busy kasi sa school and i'm running for honors which is definitely not a piece of cake hHHHhHh sana magustuhan niyong update na 'to kahit ang ikli huhu. :( namiss ko kayo, btw. see you soon everyone sa next update!❤

Secretly Married  [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now