Chapter 6

6.4K 181 31
                                    

Gabrielle.

"Ano ba 'yan, Gab. Lagi nalang ba kayo nag-aaway ni Tete?" tanong ni Nicole, isa sa mga kaibigan ko na kasama ko ngayon.

Kumuha ako ng tissue mula doon sa dispenser at nagpahid ng luha. "Oo, Nics. Nakakainis na nga eh. Ano ba dapat kong gawin?" sabi ko, habang unti-unting pumipiyok na ang boses ko.

"Di ko rin alam, bebegurl eh. Mahirap yan, to be honest. 'Wag mo nalang kaya pansinin?" suggest ni Kim, na nilalamutak yung fries niya.

"'Wag pansinin?! Nababaliw ka na ba?! Kailangan nga namin maging sweet sa isa't isa, diba?!" inis na sabi ko at napapikit nalang.

"Ayshet oonga 'no. Nakalimutan ko, sorry. Hehehe." sabi nalang ni Kimberly at iniabot yung fries niya sakin. "Us2 mue? Hihihihi. Masarap 'to, Gab. Mas masarap pa kay Tete." alok niya.

"Yuck! Kadiri ka, Kim! Doon ka na nga!" pagtataboy sa kanya ni Nicole.

Humarap naman sakin si Nicole at hinawakan ang dalawang kamay ko. "'Di ko rin talaga alam kung ano gagawin, Gab eh." sabi niya habang pinapatahan ako.

"Ayoko na ng ganito. Tulungan niyo ako." sabi ko habang iyak ng iyak.

Hindi na tumigil ang pag-iyak ko. Lagi nalang ganito. Umaga, hapon, gabi; umiiyak ako. At dahil lang sa isang lalaki.

"Ugh, I hate myself!" sigaw ko, dahilan ng pagkagulat nila.

"Shhh! Easyhan mo lang, Gab. Uhm, Kim, ano ba pwede gawin?" naga-alalang tanong ni Nicole kay Kim.

"Oh, tignan mo. Kanina tinataboy mo 'ko tas ngayon, nanghihingi ka sa'kin ng tulong?! Chicks ka ba?!" bulyaw sa kanya ni Kimberly.

Inirapan lamang siya ni Nicole. "Bilis na. Tutulungan kitang mapalapit kay Seokjin." sabi nito at kumindat.

Nanliwanag naman ang buong mukha ni Kim at pinaghahampas si Nicole. "Talaga baaa?! Omg, omg, omg! The best ka talaga, Nics! Love youuu hihihihi!"

"Aray! Bwisit ka, Kimberly! Ingay mo!" sigaw sa kanya ni Nicole. "Pero ano, G ka?" tanong nito nang maayos na niya ang sarili.

"Ofcourse. Hehehe anything for Seokjin." sabi ni Kim at kumindat ng ilang beses.

"Ewan ko sa'yo, Kim. Pero ano ba plano mong gawin?" tanong ni Nicole.

Secretly Married  [DISCONTINUED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat