Kabanata 1

33K 419 41
                                    

Kabanata 1

Maureen's POV

"MAUREEN! Bumaba ka na daw sabi ni Mommy!" Narinig kong tawag sa'kin ni kuya Jasper mula sa baba.

Muli kong tiningnan ang dalawang sapatos na hawak ko. I really couldn't decide which one I'm going to wear. Pareho kase itong cool. Pero dahil pinapababa na ako ay ito na nga lang na kulay red! Shocks!

Sinuot ko na ito pero medyo maluwag pa talaga ito para sa'kin pero hayaan na nga. Ang ganda naman eh. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Yeah! Ang pogi ko talaga.

Makababa na nga!

Tumatalon talon pa ako na bumaba sa hagdan namin dahil excited nako sa pupuntahan namin, pero hep! Nakalimutan kong magpakilala. I'm Maureen Sky Silvestre. 18.

"Ano bang suot yan?!" Nagulat ako sa bulyaw ni kuya Jasper pagkababa ko palang. There goes my number one enemy.

Meet my so annoying brother, Jasper Lawrence Silvestre, 21. Ang pinaka-pasaway saming magkakapatid, playboy at napakamaloko sa babae! Bakit ko nasabi? Kasi ang dami niya lang namang naging girlfriend! I've seen how girls cried over this bakulaw! Hindi ko nga magets kung bakit sila nababaliw dyan eh!

"Ano bang mali sa suot ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko. What's wrong with my clothing? Naka-t-shirt akong LAKERS paired with jeans at naka sneakers na red. Ang astig ko diba? Ang pogi ko nga eh!

"Right. Ano bang mali sa suot ni Maureen?" Sabi ng bagong dating na si kuya Gian. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. Ito pangatlo saming magkakapatid, ang pinaka-close ko. Gian Daniel Silvestre. 19. Matalino yan kasi diyan ako nagpapaturo sa Chemistry at Geometry!

"Kaya nga kuya Jaspertot! Epal ka talaga porebs!" Sabi ko sa epal na si Jasper at umangkla sa braso ni Kuya Gian. Nginitian niya ako at pinat ang ulo. Napangiti din ako dahil kahit kailan ay kampi talaga kami ni kuya Gian.

"Tsk."

Narinig ko na naman ang mahiwagang 'tsk'. Sino pa ba? E di ang panganay naming super sungit.

Napatingin ako kay kuya Carlo. Prente siyang naka upo sa sofa namin at bahagyang inaayos ang kanyang necktie. Tamad siyang tumingin sa'kin tapos ay umirap. Haay! Nakakainis. Parang palaging may regla!

Carlo Sebastian Silvestre. 23. Ang pinaka masungit, snob, at ang pinaka-tahimik saming magkakapatid. Magsasalita lang siya kapag tinatanong mo. Ewan ko nga dyan eh. Pipi ata siya eh. Pero wag niyo nang isipin. Hindi siya importante sa kwento. Haha.

"Come on Maureen, sa kotse na natin antayin sila Mommy." Sabi ni kuya Gian na hawak ko parin pala sa braso. Napatango nalang ako at nagsimula nang maglakad.

Pupunta nga pala kami sa birthday party daw. Hindi ko naman alam kung kanino dahil late nila akong ininform.
Pasakay na kami sa kotse, nang maisipan kong tanungin kung sino yung may birthday. "Teka, sino ba yung may birthday kuya?" Tanong ko kay kuya Gian pero may epal na naman. Tss.

"Ano ka ba naman? Hindi mo alam?" Singit ni kuya Jasper sa likod. Duh! Itatanong ko ba kung alam ko? Haay!

Umiling nalang ako at inirapan siya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Hindi ko naman talaga alam.

"Girlfriend ni kuya," Si kuya Gian ang sumagot.

"Ahh, bago na naman kuya Jas?" Nangiintrigang tanong ko habang palabas kami ng bahay at patungo na sa kotse.

Kinunotan ako ng noo ni kuya Jasper. "Who says mine, Maureen? Si Carlo ang pinag-uusapan!"

I stopped, "A-ano?"

My Possessive Brother Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon