We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter One

15 3 0
                                        

***

"What did I do wrong? May pagkukulang pa ba ako?" Tanong niya sa sarili habang umiiyak. Tinignan niyang muli ang hawak na papel at mas lalo itong humagolgol. "I did my best."

"Shh, wala kang ginawang hindi sapat." Sabi naman ng kasama niya, "Ang Sistema nila ang problema, sila ang may kasalanan." Galit niyang dagdag.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, halos wala ng pera sila Mama para lang mapaaral ako sa paaralang ito pero dahil lagi nila akong pinagkakaitan ng gradong alam kong deserve ko, hindi ako makaalis-alis."

"They need the money, lagi namang iyon ang issue." Bulong nito ngunit narinig siya ng kasama.

"Ano?"

Agaran niyang tinampal ang noo at tumingin sa ibang direksyion. "Wala kang narinig."

"No," Iling nito. "Anong ibig mong sabihin? Ang pera? Kaya ang dami nating hindi makaalis ay para doon?" Galit nitong sigaw.

Agad na tinampal ng kasama niya ang kaniyang bunganga at takot na nilibot ang tingin sa paligid, parang natatakot na kung anong oras ay may papatay sa kanila.

"Pwede ba? Mamamatay tayong dalawa dahil sa'yo!"

"Bakit? Kailangang malaman ng iba ito para may kasama tayo, kinukulong na nila tayo sa paaralang ito,"

"Hindi pwede, dahil kahit i-reklamo natin sila, walang gagawa ng aksiyon. Ang rinig ko'y ginawa na ng ibang estudyante iyon, naaalala mo si Ryan?"

"Iyong missing student na freshman?"

"He's not missing, they killed him just because he opened his mouth to the police. The police in this district go hand by hand with the school, practically all the building that supports the school."

"What do you mean they killed them? We should tell our parents!"

"No one listens, masyadong malinis ang record ng school. Laging natatanggap sa magandang trabaho ang mga grumaduate dito. Ito ang isa sa pinaka-presteryosong paaralan kaya sino ang maniniwala sa atin?"

"Oo nga naman, sinong maniniwala sa inyo?" Sabat nito.

Napa-lingon ang dalawa at sa gulat ay agarang tumakbo ang kasama niya palayo pero nahabol ito ng lalaki at pinalo sa ulo.

"Bakit ka nagkwento, munting Lean? Sinabi ko na sa'yong sa'tin lang ang sikretong iyon. Ginusto pa naman kita." Sabi nito habang patuloy na pinagpapalo ang ulo ng estudyanteng nagngangalang Lean.

Sumigaw naman ang kaninang umiiyak na babae at akmang tatakbo rin ngunit nakalapit na ang lalaki at hinablot ang buhok niya.

''At saan ka pupunta?"

Nanginginig ang dalaga sa takot at pilit na inaalis ang kamay nit sa kaniyang buhok pero dahil sa nanginginig at nanghihina niyang katawan dahil sa takot ay hindi niya magawang alisin ito.

"Sir Ed, please." Paki-usap nito, ang luha niya ay mas dumoble kaysa sa kaninang tinititigan niya ang kaniyang grading sheet.

"Please? No, love."

"Hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang nangyari, sir. Please po, hahanapin ako ng mga magulang ko. Hindi po ako magsasalita."

"Talaga?" Tanong ng propesor, ngayon ay idinampi nito ang ginamit na pamalo sa kaniyang mukha. "Ganiyan din ang sinabi ni Lean pero tignan mo siya ngayon."

Ipinaharap ng propesor ang dalaga sa kaibigang napapalibutan ng sariling dugo.

"Hindi ako katulad niya, sir, please. Hindi na ako magrereklamo, wala akong pagsasabihan pangako, sir." Hinayaan na niya ang kamay ngpropesor sa ulo niya at pinagdaop na lamang ito habang nakiki-usap.

The Ruins of Mitley SchoolStories to obsess over. Discover now