*cough *cough

Parang nabulunan ako sa sinabi ni Tita at natigil sa paghahanda ng sandwhich ni James. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang sinabi niya habang ito naman si James ang laki ng ngiti.

"Sige na aalis na ako, alagaan mo si James ha?" Si tita habang nakatingin ito sa akin.

"Opo, magingat po kayo." Nakangiti kong sabi. Napaka-swerte ko sa pamilyang ito napakamabuti ng turing nila sa akin at hindi nila ako minamata. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila.


***
Nasa kotse na kami ni James ngayon papuntang school. Hindi kami magkaklase dahil sa nasa Special Class siya, kung saan lahat ng mayayaman at anak ng board members ang mga nasa klase na 'yun. Pabor naman akong hindi kaklase si James dahil mahilig itong mag-PDA sa tuwing kasama niya ako.

Nagulat ako ng hawakan ni James ang hita ko. Kaya naman hinawi ko ito.

"Sasabay kang maglunch sakin mamaya. "Anya nito sa akin. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Palagi naman akong sumasabay sa kanya sa pagkain eh.

"Sige." Maikli kong sagot at tinuon ang pansin sa labas.

Nang makapunta na kami sa school, lahat sila nagsisitinginan. Paano hindi kami titignan, si James naka-ferrari na sasakyan atsaka isa pa nahuhumaling din ang mga kababaihan sa kanya dahil sobrang gwapo naman kasi talaga ni James, hindi ko naman iyun ikinaiila. Maputi at maganda ang pangangatawan nito. Matangos ang ilong at kulay brown ang mata nito na mapagkakamalan mong foreigner idagdag mo pa ang pinkish nitong labi. May hikaw rin ito sa kanyang kaliwang tainga na nagpaastig sa kanya.

Pagkababa namin ng kotse niya, hinawakan niya ang aking kamay. At ako naman ito ang sunod-sunuran.

"Bakit ba kasi ang iksi ng palda mo? 'Yan tuloy pinagtitinginan ka." Asar na sabi nito. Pangalawang palit ko na ng palda pero hangang ngayon maiksi parin sa kanya. Eh halos magmukha na nga akong manang sa paldang 'to.

"Ito naman kasi talaga ang uniporme ko." Kung tutuusin mahaba na 'to dahil medyo abot na sa tuhod ko. Bakit hindi niyang matahin ang ibang babae na abot singit ang iksi ng palda?

Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at hinatid ako sa may classroom ko. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo dito, kaya minsan iwas din ang mga tao sakin dahil takot sila kay James.

Nang makapasok na ako sa room, minaigi ni James na diretso sa upuan ko ako pupunta. Kaya nang makaupo ako. Nagsenyales ako sa kanya na pwede na siyang umalis.

Tuluyan na ngang nakaalis si James at nilibot ko ang paningin ko. Lahat sila nakatingin sa akin mapa-babae o lalaki. Nang mapatingin ako sa kaliwa ko nakita ko si Lance na may pasa sa gilid ng kanyang labi. Naawa ako bigla. Siguro mas maganda na hindi nalang ako sasali sa science fair.

"Lance..." tawag ko rito ng mahina. Tumingin naman ito sa akin.

"Pasensya ka na ah?"

"Okay lang 'yun, mahina naman siyang sumapak." Loko-loko talaga ito kahit kelan. Mayabang na sabi nito.

"Yabang mo naman." Natatawa kong sabi sa kanya. Si Lance lang ang palagi kong nakakausap rito, siya nga din ang nagaya na sumali kami sa science fair para sa scholarship ko sa papasukan kong kolehiyo kaya pumayag na rin ako.

"Siya nga pala, pwede na natin simulan ang plano natin sa science fair. "Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Lance, pasensya na pero hindi na ko sasali." Nakasimangot kong sabi.

"Huh?! Paano na 'yung scholarship mo?" Malakas na sabi nito.

"Hinaan mo lang 'yung boses mo. Gagawa nalang ako ng paraan, atsaka isa pa kung hindi mo gagalingan sa exams makakakuha ako ng scholarship." Natatawa kong sabi. Palagi kasi akong pangalawa sa kanya pagdating sa pagsusulit. Mayaman si Lance pero hindi ko alam kung bakit hindi niya gusto sa special class. Sa totoo lang mas mayaman ng 'di hamak si James sa kanya pero kung ikukumpara mo sila medyo malapit na rin sila ng worth sa mundo.

"Mag-aral ka kasi ng maiigi." Pangaasar naman nito.

"Nagaaral naman ako ah, sadyang saksakan ka lang ng talino." Natawa naman siya sa sinabi ko. Ay oo nga pala naalala ko na kung tutuusin kaya naman talaga ni Lance pumasok sa klase ng Special Class pero mas pinili nya rito dahil wala daw siyang kakompetensya sa Special Class ang alam lang daw kasi ng mga tao dun ay yung magpaganda at magpapogi. Na medyo naniniwala ako dahil si James hindi naman mahilig magaral 'yun.

Nagsimula na ang klase at nang mag-bell na ang ibigsabihin ay lunchbreak ay inayos ko na ang aking mga gamit.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?"Tanong ulit sakin ni Lance. Kanina pa ko kinukulit nito. Sa tingin ko gusto lang talaga niya akong tulungan.

"Oo, magagalit kasi si James kapag tinuloy ko pa." Anya ko sa kanya habang inaayos ang aking notebook. Ayoko na rin kasing masaktan siya. Sigurado akong malaki ang gulo na mangyayari kapag nagsasama pa ko rito.

"Sayang, ramdam ko pa naman na mananalo tayo." Matalino at mabait si Lance siya nga palagi ang ipinanglalaban sa ibang school pagdating sa academics. Kaya walang duda na matalo kami. "Walang naman kasi alam yang mayabang mong boyfriend." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi kaya napa-"huh?" Nalang ako.

"Wala, basta kapag nagbago ang desisyon mo. Sabihin mo lang sakin." Nakangiti nitong sabi saakin.

"Sige, salamat." Nakangiti kong saad sa kanya. Nang maayos ko na ang gamit ko, naglakad na ako patungo sa pintuan ng makita ang bulto ni James.

Lagot mukhang nakita niya akong nakikipagusap kay Lance. Dali-dale akong pumunta kay James na ngayon at nakaclose-fist. Sa tingin ko gusto niya itong sapakin ni James.

"James, tara na." Hinawakan ko ang kamay niya para hindi na matuloy ang plano niyang gawin.

Binigyan ako ng masama na tingin ni James at hinawakan ako sa braso at hinila patungo sa mag cafeteria.

Nakaupo lang kami rito, kasama ang iba niyang kaibigan na sila Jonathan at si Jay, nandito din si Sofie. Ewan ko nga kung bakit nandito siya eh.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni James.

May nakahanda ng pagkain sa may lamesa namin, ganito kasi sa school na to. Kada-lunch nakahanda na ang pagkain. Halos lahat kasi ng nagaaral dito ay mayaman.

"Why are you not eating?" Tanong sa akin ni Jonathan kahit si James tahimik lang kumakain, hindi kasi ako makakain ng maayos sa tuwing ganito si James.

"Ah... hindi naman ako gutom." Nagulat ako ng padabog ni James binaba ang baso na kanyang ininom. Kaya lahat sila nakatingin lang sa amin. Kahit siguro sila nagulat rin.

"James ano ba..." nahihiya kong sabi. Sa tingin ko umaasta nanaman ito na parang hari. At ramdam kong galit ito. Naalala kong ayaw niya pala akong nagsasalita o nakikipagusap sa mga tropa niya. Hindi nalang ako nagsalita, at kumain kahit na natatakot ako kay James.

Sobrang tahimik tuloy naming dalawa. Habang sila nagkukwentuhan at masaya kami nitong si James tahimik lang.

"Wait, until we get home. You don't know what I can do, shaya." Bulong nito sa akin. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko ng sabihin niya iyun. Diyos ko sana hindi naman niya ako saktan.

----

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now