"James alam mo namang ayaw kita nasasaktan, diba?" Niyakap ko ito dahil sa naawa ako. Palagi nalang siya nakikipagaway. Palagi nalang siyang ganito. Siguro iinitindihin ko nalang. Lalayuan ko nalang sila, kahit babae o lalaki ayaw ni James na nakikipagkaibigan ako. Gusto niya siya lang ang kaibigan ko. "Gagamutin ko 'yan mamaya, ah?" Paglalambing ko sa kanya. Tumango naman ito bilang sagot.

Nang matapos kami sa kanyang takdang aralin. Tumungo ako sa kusina upang makakakuha ng yelo para sa pasa ni James. Nilagay ko iyun sa compressor.

Bumalik na ako sa kwarto ni James, nakita ko siyang nakahiga sa may higaan niya habang nagcecellphone. Tumigil lang ito ng tawagin ko siya.

Nang makalapit ito sa akin, hinawakan ko ang malalambot niyang kamay at nilagay ang compressor dun.

"James, 'wag ka nang makikipagaway ha? Lalayuan ko nalang si Lance para walang gulo."

"Mabuti naman at naisip mo 'yan." Sarkastikong sabi nito.

"Para kang bata." Palo ng konti sa kanyang kamay.

"Ah-ahh!" Sigaw nito ng idiin ko ang yelo sa kamay niya. "Ano ba Shaya?!"Sigaw nito sakin.

"Hala, Sorry na po." Hinalikan ko ang kanyang mga kamay para hindi naman siya maasar.

"Paano naman ang lips ko?" Tanong nito sa akin habang nagpapacute.

"Huh?" Nagtataka kong sabi, minsan kasi ang weird nito.

"Ikiss mo rin yung lips ko." Napatingin naman ako sa labi niyang pinkish at ang mukha niyang sobrang gwapo. Kung magiging babae man to si James, siguro sobrang ganda niya.

"Baliw ka talaga." Natatawa kong sabi sa kanya. Para kasing bata kung umasta. Kamay lang naman niya ang masakit tapos sasabihin niya ikiss korin ang labi niya. Tumayo ako para bumalik na sa kwarto anong oras na din kasi.

"Where are you going?"Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Magpapahinga na ako, goodnight."

"No you're not going. Matutulog ka rito." Ma-awtoridad niya sabi.

"James hindi pwede. Baka mapagalitan ako ni tita..."

"Ang sabi ko dito ka matutulog!"Sigaw nito natakot naman ako ng bahagya. Dahil sa once na magalit ito hindi mo alam ang susunod niyang gagawin.

"James pero si tita." Pinagbabawalan ako ni Tita na matulog sa kwarto ni James, boto naman ito sa akin kaso ang iniisip nito ay ang maaga kong pagbuntis kapag kasama ko si James matulog. Kilalang kilala niya kasi si James na pinagmamanyakan ako.

"I don't care. Dito ka matutulog." Wala naman akong magawa dahil sa mapilit talaga ito si James. Gusto niya lahat ng sasabihin niya masusunod.

Humiga naman ito sa higaan niya

"Lock the door first." Utos nito at nangmalock ko ito, nagsenyales na humiga sa tabi niya.

Pagkahiga ko roon, pinatay na niya ang ilaw ng kwarto niya gamit ang remote na nasa gilid ng lamp shade.

Ramdam ko ang paglapit ni James sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko. Sinisiksik din niya ang kanyang ulo sa leeg ko. Naramdaman ko ang paghalik nito sa leeg ko nang dahan dahan kaya naman medyo hinawi ko ng braso ang kanyang tiyan.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now