"H-ha? Wala.. May sinabi ba ako?" Aniya na kinakabahan. At tumingin sa ibang direksyon.

"Sino nga? Pag hindi mo sinabi. I'm going to leave you. Bahala ka dyan. Sige ka!" I said. At ngumisi sa kanya. Mapang asar na ngisi.

Kinabahan naman siya. "W-wala nga." Naiirita niyang sinabi at ngumuso ng napaka haba haba.

"Okay. Aalis na ako. Enjoy!" Akma na akong aalis nang bigla siyang nagsalita.

"NeonGarcia." Mabilis niyang sagot at yumuko. Kulay kamatis na ang kanyang mukha. Akala mo ay parang may blush on sa pisngi.

"Neon Garcia?" Matamis kong tanong.

Tumango naman siya. Hindi siya makatingin sa akin.

"Why? Anong meron sa kanya?" Nakangisi kong sinabi.

"W-wala." Aniya ng namumula. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Kaya alam na. Hindi ko na siya tatanungin about kay Neon. Baka atakihin pa ng kaba iyon. Wala akong pangbayad ng hospital. Hindi ako rich kid. At ayoko munang manghimasok sa buhay pagibig niya. I mean, crush pa lang pala.

Nandito pa din kami sa mall ngayon. Sasamahan kong mamili si Lara ng kanyang mga damit.

"Ano mas maganda, Fionna? Floral dress or the red one?" She asked. At ngumiti abot langit.

"Uhh, I like that!" Sabay turo sa red na dress. "No, eto na lang palang floral dress." Ani ko na naguguluhan.

"Ano ba talaga?" Halakhak ni Lara. "Both nalang kaya?" Aniya.

"It's up to you. Parehas silang maganda, e." Paliwanag ko. At ngumuso.

Binili na ni Lara yung dalawang dress. Nakaupo lang ako dito at naiinip na. Kaya nagbathroom break muna ako.

Naglalakad na ko patungo kay Lara ng makita ko ang isang bilihan ng milktea. I bought dark choco milktea.

Ilalagay ko na sana yung straw sa milktea nang bigla ko itong mahulog kaya kinuha ko ito. Tamang tama naman may babae bumunggo sa akin kaya natapunan siya ng milktea ko.

"What the heck?! Are you blind?! So stupid!" Isa pala sa mga linta ang nakabunggo sa akin. Remember? Isa siya sa mga babae nung playboy. Nang dahil sa sinabi niya nainis ako. Naimbyerna ako sa mukha niyang akala mo ay coloring book na pinaglaruan ng mga bata.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?! Wanna say sorry? Sorry not sorry. Bayaran mo 'tong mamahalin kong dress!" Maarte niyang sinabi sa akin.

I stared at her for like one minute. Yung malamig na titig. Nagpipigil ako ng tawa dahil ang arte arte niyang pinupunasan iyong kanyang dress. Ang sarap lang dukutin ang mata niya dahil irap ito ng irap.

"Shit. Are you going to stare at me? Yes, ikr. Nagagandahan ka sa akin. My gosh! Don't be so obvious!" OA niyang wika. "Ano?! Tatanga ka na lang diyan forever?!"

"You freaking ugly clown. Kasalanan mo kung bakit ka natapunan. At hindi ako tanga!" There. Sinabunutan niya ako. She's messing up with a wrong person. I pity her.

Mukha talaga siyang clown. Swear. Mamatay man siya. Yung buhok niyang kulay purple? Hindi niya bagay. Mukha siyang jejemon. Jejemon na clown?

Nagdilim ang paningin ko kaya wala akong pakialam kung may mga tao bang nanonood o wala kaya sinampal ko siya. Nang tumama ito, bigla akong kinabahan. What?! Babae ba ito? Bakit parang medyo may naramdaman akong maliliit na buhok. Nakakakiliti ang mga ito. Balbas?

Tumama ito sa isang lalaking iniinda pa din ang sakit ng pagkakasampal ko. Nakatigilid pa din siya kaya di ko makita ang kanyang mukha. Dahil pala sa inis ko ay hindi ko namalayan ang mga tao sa paligid. May mga umaawat na pala sa amin kanina. Dahil ang atensyon ko ay nasa clown. Nasa babaeng kaharap ko. Damn this clown!

"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." Ani ko. At hinawakan ang kanyang mukha para humarap sa akin.

Nang naiharap ko na ito sa aken. Napa-O ang aking bunganga. At tila ba'y may automatic na blush on ang lumabas sa aking pisngi.

Nakatulala pa din ako nang bigla siyang ngumisi. Nakakainis! Uminit ang pisngi ko. No! Yung nakita ko sa parking lot habang nagbibilang ako ng mga sasakyan. Siya yun. It's him. Yung madaming langaw na nakasunod. Masyadong gwapo itong playboy na ito para maging tae. Paunawa po sa mga kumakain.

"Sorry, miss? Can you please close your pretty mouth?" Nakangisi niyang sambit. Kumindat pa ito. Kumindat siya? Kumindat? Parang nakuryente naman ako don? Wait, wait. What what?! May mga kumindat naman sa akin noon ngunit bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganto? Kinakabahan lang ako. Kinakabahan.

"Hey.." Aniya sabay wagayway ng kanyang kamay sa aking mukha. Hindi pa rin ako makasalita. Parang nawalan ako ng boses.

"Wow! Couple shirt?" Nag half smile siya at tumawa. Nakita ko namang may umirap na clown sa tabi niya.

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis siya. Nakakainis din ako. Naiinis ako sakanya dahil playboy siya. Naiinis ako sa sarili ko kasi nakakahiya yung nagawa ko.

Gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa nagawa ko. Dali dali akong naglakad nang nakayuko. No, hindi naman ako ganto ah? Dapat tinarayan ko siya. Ngunit hindi ko nagawa. Really, Amber? What is your freakin' problem? Dahil lang sa isang kindat? Ew. Kadiri. Kung hindi lang siya gwapo ay sinapak ko ulit siya pero sadya na.

Naglalakad ako ng wala sa sarili. Ewan ko. Nakakainis talaga yung nakangisi niyang mukha. Tss. Ang sarap lang tsinelasin. Nagagalit ako dahil katulad siya ng ibang mga lalaki dyan. Bakit nagagalit ako sakanya? Bakit? Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Nagagalit nga ba? Ngayon ko lang 'to naramdaman. This is so weird!

Binaliwala ko nalang ang mga kaisipang iyon. Hindi dapat ako nagpapa epekto sa mga ganong lalaki. Diko sila kailangan. Okay, amber. You. Don't. Need. Them!

Napatigil ako nang nakitang wala na pala ako sa loob ng mall. Kaya dali dali kong tinawagan si Lara. Ngunit walang sumasagot. Kaya naglibot na lang ako ulit sa loob ng mall.

Una kong pinuntahan ay ang mga sapatos. Naisipan kong bumili ng bagong sapatos.

"Hi ma'am. Goodevening!" Bati sa akin nang familiar na babae. Tinitigan ko siya mula sa mata hanggang sa labi.

"Stacy?! Ikaw ba yan?" Nagulat ako sa aking nakita.

"Fionna! Hindi, dyosa 'to. Namiss kita!" Aniya sabay beso sa aking kanang pisngi.

"Where have you been? I've been calling you several times. Pero walang sumasagot." Ani ko at nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Bumagsak kasi yung business namin. So, I need to help them." Aniya. At ngumiti ng matabang.

"Sorry." Sabi ko at yumuko. "So, anong bago niyong labas na shoes?" Tanong ko.

"Don't be. Uhh, meron kaming limited edition. Here." Aniya sabay pakita sa akin nung sapatos.

"Ay, gusto ko yan." Nakangisi kong sambit. "Sige. Bibilhin ko na yan." Tumango naman siya.

"Yes ma'am." Aniya.

Nang bayaran niya na. Iniabot niya ito sa akin. Napabili tuloy ako ng wala sa oras. Hayaan na. Minsan lang 'to. Pangpawala ng badvibes dahil sa nangyari kanina.

"Thank you, ma'am! Come again!" Sarkistiko niyang simbit.

Tumawa ako. "Silly girl! Una na ako. May hahanapin pa ko, e." Paalam ko sa kanya.

"Sino? Boyfriend mo ba?" Sabi niya at ngumisi.

"Leche." Mariin kong sinabi.

"Sus! Masyado ka namang bitter. 2014 na 'te! Uso magbago! Anyways, pakilala mo sa akin 'yang boyfriend mo at kailangan ko pa yang makausap ng masinsinan. Naku! Naku! Pag iyan, sinaktan ka. I'm always here para samahan kang rumesbak." Tuloy tuloy niyang sinabi at humalakhak.

"Wala nga akong boyfriend. Hindi uso magbago." We both laughed.

"Sige na. Baka hinahanap ka na nung boyfriend mo." Aniya at binigyang diin ang boyfriend. Umirap ako at tumawa. At tsaka umalis na.

Siya si Stacy Estrella. Sila ang may ari ng store na 'to. Palagi akong bumibili ng mga tinda nila. Katulad ng damit, shoes, accessories. May discount kasi. Minsan libre pa nga eh. San ka pa, diba?

Broken StringsWhere stories live. Discover now