20

52 1 0
                                    

Callie ~

"Happy birthday to you... Happy birthday to you~ happy birthday dear Callie ~ happy birthdaaaay to youuuu~ Yeeey! Wish before you blow the candle sweetie" - abot tenga ang ngiti ko mula sa simula hanggang sa matapos ang pagkanta nila saken. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal. At hinipan ko ang kandila pagkadilat ko.

Nagpalakpakan sila at tinanong ni Mommy kung ano ang hiling ko.

Ngumiti ako at sinabing "I want to see how will I be after the year of 20."

Natahimik sila at natawa kalaunan sa pag-aakalang nagbibiro ako.

Ginulo ni Daddy ang buhok ko at biniro din ako. "Nako paniguradong isa kang maganda at seksing babae haha" nagtawanan lalo ang lahat dahil doon.

"Baka may asawa ka na non Callie at medyo losyang kana kasi may anak kana nun hahaha" sabi naman ng tita ko, at nagtawanan silang muli.

Sa edad na pito ay malinaw na sa pagiisip ko ang lahat ng kaganapang ito. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino ako at magilas pagdating sa pagiging matalas ang pagiisip.

Madali akong makamemorya at magkalkula. Namana ko yun Mommy dahil matalino din siya. Samantalang namana ko naman kay Daddy ang pagiging masayahin.

Palagi akong nakangiti tulad ni Daddy, at hindi ko kailanman kinakitaan ng pagkalungkot. Ang sabi niya lagi sakin "Ang pagngiti ay simbolo ng pagiging masaya lalo na kapag ang mga mahal mo ang iyong kasama." Kaya sa tuwing kasama ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko, lagi akong nakangiti.

Tulad ngayon na kaarawan ko, nakangiti ako palagi sa mga bisita ko. Takaw puri tuloy ang mga mapuputi kong ipin.

"Napakagandang bata talaga ng anak mo noh, naku paglipas pa ng ilang taon niyan lalo pa yang gaganda at tatalino." Dinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Mommy. Kaklase ko ang panganay niyang anak na babae. At isa din sa mga kaibigan ko. Si Mia.

Siya ang madalas na tumatawa sakin sa tuwing magkukuwento ako tungkol sa pagkagusto kong makita ang sarili ko sa future. Tulad ngayon, inaasar na naman niya ako.

"May saltik ka ba Callie? Napakaimposible kasi ng wish mo eh. Kung doll o kaya ay gadgets ang hiniling mo baka ako pa mismo nagbigay sayo haha" natatawang turan niya, napailing ako at natawa din sa kaniya.

"Hindi imposible yon, nagresearch ako kahapon at may mga ilang tao daw na nakakapunta sa future. O di kaya galing sa future tapos babalik sa past." Paliwanag ko sa kaniya at mas lalo lang siyang natawa.

"Ewan ko sayo Callie hahaha, basta super impossible yun! Ang ganda mo na sana ngayon kasi mukha kang prinsesa, tas may supel ka pang parang ganun sa tenga ni Mickey mouse. Kaso para ka namang may saltik sa sinasabi mo." Diin niya at umiling iling pa.

Hindi ko nalang siya pinilit maniwala dahil baka mauwi sa awayan, tulad nung nakaraan na nagirapan nalang kami dahil hindi kami nagkasundo tungkol dito.

Habang abala ang lahat sa malawak naming garden, naisipan kong pumunta sa kusina para magbalot ng pagkain at pumunta sa kabilang bakod. May lote doon na may mga tagpi-tagping kubo. Nandoon kasi ang iba't ibang pamilya na walang pambili ng mga bahay. Binili ni Daddy yung lote na yun para sakin pero ipinagamit ko muna sa kanila dahil wala na silang mapupuntahan.

Nakilala ko sila ng minsang maisipan naming mangaroling noong magpapasko. Ang dudungis pa nga nila noon eh, tapos yung iba sa kanila tatakbo pa sana dahil baka daw marumihan ako pero tumawa nalang ako at nilapitan parin sila.

Habang nagbabalot ako ay pansin kong abala pa rin sila. Dinamihan ko ang mga ulam lalo na ang chicken lollipop at kanin. Binitbit ko narin ang isang box ng cake.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now