Chapter II: Her Beki Life

8.1K 136 16
                                    

Ibinagsak ni Cash ang katawan sa sofa, hindi alintana ang mangilan-ngilang customers sa parlor na pagmamay-ari ng ama-amahang si Dodie. She was dead tired. Buong araw siyang nasa school dahil sa ginanap na program. At isa siya sa coordinator.

Hinilot niya ang nananakit na sintido. "Aah ang sakit..."she complained na ikinalingon ng mga baklang naroon.

"Ayan kasi, kung nakikinig ka ba naman sa amin di sana hindi mo na kailangan pang magpakahirap para makahanap ng datung." maarteng wika ni Arnie na kasalukuyang nag bo-blower ng buhok ng customer nito.

Napasimangot siya sa tinuran nito.

"Echosera ka kasi, ayaw mong gamitin yang ganders mo, aba kung aketch ang nabigyan ng ganyang feslak, hay naku winner."

Eto nanaman sila. Simula nang magdalaga siya ay hindi miminsang sinuyo siya ni Arnie kasama ang buong lupon ng mga kabaklaan sa lugar nila na lumahok sa mga beauty contest.

Bakit naman hindi, kung sa qualification ay siguradong pasok na pasok siya. Cash is five feet, five inches na lalong nag-mukhang matangkad dahil sa magandang tindig ng dalaga. Maganda ang features ng mukha niya at slim ang pangangatawan. Pwedeng pang modelo o maging beauty queen.

Pero siya ang may ayaw. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because it wasn't her call of profession? Hindi rin niya matiyak.

Simula kasi pagkabata ay isa lang ang gustong na niyang gawin, at iyun ay ng maging teacher. Especially for the pre-school students. Cash loves children so much at gusto niyang iparamdam iyon sa lahat ng mga bata. Dahil na rin siguro sa past niya. She was adopted. Kinuha siya ni Dodie sa bahay-ampunan, ng minsang pasyalan nito ang isang malayong pinsang nagtratrabaho doon. Ang sabi ng ama-amahan ay namumukod tangi siya sa mga batang nasa El Cielo. Bikod daw sa pagiging jolly ay gandang-ganda ito sa kanya. Nang oras na iyon kasi ay brokenhearted ito. At sa ilang beses na pagpasyal ay napapangiti niya ito. And so he decided to adopt her. At labis niyang ipinagpapasalamat ang hindi pagtatago ni Dodie ng tungkol doon.

Kaya naman imbes na magmukmok at magrebelde dahil sa nalaman ay mas lalo pang pinaigting ni Cash ang pagmamahal sa mga tumayong magulang sa kanya. All the gay in their community ay itinuring niyang pamilya. Kaya nga nang makatapos siya ng kolehiyo at makahanap ng maayos na trabaho ay agad niyang ipinagpagawa ang ama-amahan ng sarili nitong parlor. At ito nga ang kinaroroonan nila ngayon. Ang ikalawang palapag ay ang bahay nila.

"Hanggang ngayon ba naman yan Arnie? I'm already too old for that."napailing siya.

"Vaklah, walang pinipiling edad ang pagiging beauty queen lalo na kung amateur pageant lang." singit ni Tintin, another gay worker sa parlor nila.

"Oo nga naman, pumayag ka na at para mapakita mo sa dati mong jowawelles na nagkamali siya nang ipinagpalit ka niya sa payatolang Lou na iyon." Komento ni Eva.

Tiningnan ito ni Arnie ng masama nang mapansing umasim ang mukha niya. Nanahimik naman ito pati na rin ang ibang naroon. Tanging ang tunog ng blower ang pumuno sa buong silid.

Napahalukipkip si Cash. Mag-iisang linggo na simula nang maghiwalay sila ni Franc at mukhang wala itong balak maski mag-sorry man lang sa kanya. Malaking bahagi niya ang nasasayangan sa apat na taong pinagsamahan nila. Kahit naman papaano ay marami silang good memories nito.

Nagsimula na naman siyang maging dramatic, kaya tinangal niya ang clip sa bangs. Hinipan niya iyon upang tumaas. It was partly her own way to calm herself.

"Ay vaklah maiba ako, nag-kausap na ba kayo ng gwapong hombre na nabangga mo noong nakaraang lingo?" biglang agaw ni Arnie sa atensyon niya.

"Correction, hindi ko siya nabangga, yung kotse niya ang humarang sa daan kaya nagkaganoon" she defended and rolled her eyes. Iyon ang paniniwala niyang totoong nangyari. Maaaring siya nga ang bumangga pero nasa tamang lane siya. Ang lalaki ang bigla nalang sumulpot kung saan at ito pa ang galit samantalang pareho naman silang na damage ang kotse.

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon