Panglabing-isang Kabanata: Visitor

Magsimula sa umpisa
                                    

Niyakap niya ko ng napakahigpit para ipaalala sa akin na mahal niya ko, yumakap naman ako pabalik bilang tugon, na alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya. Nilapit niya ang kanyang noo sa aking noo at hinalikan ito, nagdulot ito ng kuryente saking buong katawan. Naramdaman kong namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Tumingin ako sakanya at ngumiti, gayon din siya. Sa isang iglap naglapat ang aming mga labi, dumaloy na pababa ang aking mga luha. Patuloy pa rin kaming naghahalikan, hinahabol ang bawat naming hininga. Napaka swerte ko talaga na si Jared ang naging unang boyfriend ko, wala na akong ibang mahihiling pa.

Tumigil kaming dalawa at naghiwalay ang aming mga labi, nagtitigan kami ng ilang segundo, bago lumingon ng sabay sa napakagandang paglubog ng araw. Hindi ko mawari kung bakit ako naiyak pero, malamang sa sobrang galak. Napaka-perfect naman kasi ng moment na ito at napaka-romantic pa.

Lubos ng nakalubog ang araw, nagumpisa ng kainin ng dilim ang kalangitan. Niyaya na kong pumasok sa loob ni Jared at mag prepare na para umuwi. Mabilis naman kaming nag ayos ng mga gamit at sumakay sa kotse ni Jared na kulay pulang Dodge Viper; wow, napakaganda naman ng kotse ni Jared at mukhang mamahalin pa! Napansin ko namang nakangiti sa akin si Jared, siguro ay natatawa siya sa reaksyon ko ng makita ko ang kotse niya sa unang pagkakataon.

"May kotse ka pala, bakit ngayon ko lang ito nakita?" tanong ko sa kanya sabay sakay sa loob ng kotse niya; ang bago sa loob at in fairness ang linis.

Sumakay na rin ito at umupo sa may driverseat, "Grounded kasi ako gamitin yung kotse nitong nakaraan, hindi ko naman ito ginagamit pamasok sa school kasi gusto ko sumakay ng bus para makasabay yung mga mga kaibigan ko."

Nagdala ng matatamis na ngiti sa aking mga labi ang mga tinuran ni Jared, hindi ko akalain na napaka-simple lang ng mga nakapagpapasaya sa kanya, "Bakit ka pala grounded? Iyon ay kung ayos lang sayo na ipaalam sa akin" tanong ko rito.

Narinig kong tumawa si Jared ng bahagya at tinignan ako sa salamin ng kotse niya.

"Sa totoo lang, ayokong sabihin ito sayo pero, karapatan mo itong malaman. Naalala mo iyong unang date natin sa park?" tumango lang ako bilang sagot "iyon din ang araw na na grounded ako, sabi ko kasi sa mga magulang ko, may babae akong gusto ilabas at gustong maging nobya. Ayon, ayaw nila kasi baka daw makasira sa pag aaral ko dahil pinayagan na nga daw nila ako magbanda tapos mag nonobya pa ako."

"Pasensiya na!" pagputol ko sa sinasabi niya.

"Desisyon ko iyon at, tanggap naman na nila ngayon kasi nakita nila, na maganda ang impluwensiya mo sa akin" pagpapatuloy nito sabay ngiti ng napaka-tamis; lalo tuloy akong nanlulumo sapagkat may nakikihati na sa kanya sa puso ko.

Nanahimik kaming dalawa hanggang makauwi kami ng bahay, hinatid kasi ako ni Jared ng kotse niya hanggang sa tapat ng bahay namin. Nag-goodbye kiss at naghiwalay kami habang, pilit kong hindi ipinahahalata sa kanya na may gumugulo sa puso't isipan ko. Pero mukha namang pansin niya at hindi lang ito sakin sinasabi.

Pagpasok ko ng loob na bahay, sumambulat sakin si Kim na kinikilig. Bumeso at yumakap sa akin ito ng napaka higpit; haist! Namiss ko itong bruha na ito, buti naman at okay na siya.

"I miss you, Jenna!" ika ni Kim sa akin habang yakap yakap ako.

"kamusta ka na?" tanong ko sa kanya, pagkabitaw niya sakin at umupo sa may couch sa sala.

"Ikaw ang kamusta na?"

"Ayos lang naman ako," tugon ko sabay singit naman si Kim.

"Anong ayos?! Alam kong na-ospital ka, sinabi sakin ni Prince" Ano?! Nagkausap si Prince at Kim? Kailan pa sila naging close ng ganoon?

Tumingin lang ako sa sahig at huminga ng malalim at pilit kinalma ang aking sarili.

"Pero mukhang okay ka na nga, ikaw ba naman isakay at ihatid ni Jared sa magara niyang kotse," pangaasar ni Kim sa akin. "Actually narito ako kasi ready na ko mag share sayo, pasensiya ka na nitong mga nakaraan araw ah."

"Wala iyon, masaya nga ako at maayos ka na."

Pumikit ito ng saglit kasabay ng paglalim ng kanyang paghinga, mapapansin din na hindi siya masyado komportable sa sasabihin niya. Matagal ko na rin itong hinihintay, ito na ang mga sagot na gusto kong malaman, mababawasan na rin ang mga gumugulo sa aking isipan.

Minulat na ni Kim ang kanyang mga mata at tumingin sa akin, kinabahan tuloy akong bigla sa mga ikukuwento niya sa akin. Parang bigla na lang ayokong malaman yung gusto niyang sabihin, kitang kita kasi sa mga mata niya na seryoso siya at gusto niyang maintindihan ko siya.

"Jenna, na kuwento ko naman na sayo iyong pagalis namin ng maaga ni Prince sa mini-concert ng SynChrome di ba?" itinango ko ang aking ulo bilang sagot "Hindi ko alam kung paano at kung saan nag simula ito pero simula ng araw na iyon, nag iba na ang tingin ko kay Prince, I think I'm in Love."

In Love?! Kay Prince?! Totoo ba itong naririnig ko kay Kim? Sinabi niya ba talaga iyon? Ang babaeng allergic sa boys, in love daw sa baliw na si Prince? Hindi ko ata narinig ng maayos ang mga binitiwan niyang mga salita.

Napansin kong napansin ni Kim na mukhang hindi ko naintindihan ang mga tinuran niya kaya inulit niya ito ng mas malakas at may dignidad.

"Tama ka ng narinig, friend, Nahuhulog na ko kay Prince."

Parang tumigil ang buong paligid, pati paghinga ko tumigil, napapansin ko kasing bigla akong naghabol sa paghinga. Sumikip ang aking dibdib na para bang may nakabara dito, napahawak ako saking mga labi at pilit kinubli aking tunay na nararamdaman sa mga binitiwan niyang kataga.

"Masaya ako para sayo, kakatawa lang isipin kasi dati parang ayaw na ayaw mo kay PJ" ika ko sa kanya sabay ngiti.

Napansin kong nagulat siya sa tawag ko kay Prince, sabagay kahit ako nagulat na tinawag ko siya sa nickname niya.

"Oo nga eh, salamat sa pagpapakilala mo sa akin kay Prince, nakita ko tuloy kung gaano ka busilak at katotoo ang puso ni Prince" pagsang ayon ni Kim, na hindi na lang pinansin ang tawag ko kay Prince.

Ngayon mas nadagdagan na ng rason para ayusin ko ang sarili ko, gusto din ng bestfriend ko si Prince at mukhang seryoso siya rito. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito sa isang lalaki; haist, hindi ko talaga inaasahan ito. Hindi kaya nakipagkita si Kim kay Prince kanina kaya umalis ito kaagad ng ospital? Well, bagay naman silang dalawa at hindi lang iyon may boyfriend na ako kaya tama lang ito. Binata at dalaga silang dalawa, walang nobyo at nobya kaya okay na okay silang dalawa pero, bakit ganoon hindi ko magawang maging tunay na masaya sa kanila, bakit ako nakakaramdam ng sobrang selos?

Kailangan kong tigilan itong kalandian na ito, hindi pwedeng dalawa silang gusto ko!!!

Gosh!!! Kala ko mababawasan na yung gumugulo sa isip ko pero hindi pala!!!

Kainis!!! Hindi ko pwedeng magustuhan si Prince!!!

I Hate You, simula ng makilala kita nagulo na ang tahimik kong buhay!!!

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon