Pangalawang Kabanata: Buddy

159 10 53
                                    

Magkasama kami sa parke ni Jared, magkahawak ang aming mga kamay at walang pakialam sa mga nakakakita sa amin. Napakasaya talaga ng araw na ito. Konti na lang at hindi ko na mapipigilang magtumbling sa harap ni Red my loves.

Umupo kami sa may bangko sa ilalim ng isang malaki at matandang puno ng acacia. Tinitigan niya ko sa aking mga mata at siyempre, hindi ako nagpatalo. Nakipagtitigan din ako sa kanya.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha, nararamdaman ko sa aking mukha ang kanyang bawat hininga. Napapikit ako sa kaba ng bigla itong nagsalita, "ayoko po siyang katabi," na labis kong ikinagulat.

Pagmulat ko ng aking mga mata nadatnan ko ang taong pinakakinaiinisan ko. Naglahong parang bula si Red at napalitan ni Prince.

Kinindatan ako ni Prince na labis kong ikinainis at sa isang iglap hinalikan niya ko.

Nagising akong hinahabol ang aking paghinga.

Buti na lang panaginip lang. Loko iyon, balak pa nakawin ang first kiss ko. Kakainis ang aga-aga, panira agad. Grrr!

Bumangon na ako tulad ng dati pero ngayon hindi na ako nagkekekendeng-kendeng sa harap ng salamin. Badtrip naman kasi ang panaginip ko.

Ginawa ko ang usual routine ko sa bahay, nagsipilyo, nag-almusal inasar ng magaling kong kapatid, nagpalit ng pamasok at pumasok na sa eskwelahan.

Hindi na rin ako maagang pumasok ngayon, ano pa't ang makakatabi ko lang naman ay ang asungot na si Prince. Nagulat ako ng makita ko sa gate si Red na papalapit sa akin.

OMG, maayos ba ang buhok ko? Okay lang ba yung suot ko? ay wait, naka-uniporme nga pala ako.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay akala ko maaga ka ulit papasok tulad ng dati" ika ni Red na tila may lungkot sa tono ng pagkasabi nito.

Hinihintay niya ba talaga ako?

Kyaaaa~!

"Ah, kasi... late ako nagising," pagpapalusot ko.

"Ang ganda siguro ng napanaginipan mo, kasi napasarap ka ng tulog eh" sambit ni Red ng nakangiti.

Magtigil ka diyan. Nalulusaw ako. Bakit naman kasi napakaganda ng mga ngiti ng lalaking ito.

"Hindi naman masyado, Red."

"Sige baka mag-umpisa na ang klase, sabay na lang tayong maglunch break mamaya?" tanong ni Red habang nakatitig sa aking mga mata.

Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko kanina, ayoko tuloy kumurap at baka pagmulat ng mga mata ko maging si Prince ulit.

Dali-dali akong hinila ni Red sa aking mga kamay patungo sa silid aralan. Hindi ko alam pero hindi ako makapag-react kaya nagpakaladkad na lang ako.

Pagpasok namin sa silid aralan, nakatingin ang lahat sa amin na tila may ginawa kaming kasalanan.

Wapakels, basta ang alam ko siya ang naghintay sa akin at nagyayang kumain ng sabay.

Umupo na si Red sa kanyang upuan sa may gitna ng klase. Nakita kong kinakantsawan siya ng mga tropa niya sa kabilang upuan. Napangiti na lang ako at nagpatuloy na sa aking upuan sa may bandang likuran.

"Ang aga-aga may pangit sa harapan ko" bulong ni Prince.

Kakainis talaga tong ugok na ito. Okay na ko eh, umaliwalas na yung umaga ko tapos heto na naman siya para sirain ang buhay ko.

Hindi ko na lang siya pinansin para hindi na tuluyang masira ang araw ko. Umupo na ko sa aking upuan at inayos ang aking mga kagamitan.

Dumating na ang aming guro at nag-umpisa ng magturo. Napansin kong mataimtim na nag-susulat ng notes si Prince sa kanyang kwaderno, na para bang isang kalihim na sinusulat ang bawat salita ng aming guro.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon