Panglabing-isang Kabanata: Visitor

76 6 22
                                    

Umupo si Prince sa may upuan malapit saking kinahihigaan after niya akong nakawan ng halik, minulat ko ang aking mga mata na tila walang alam sa mga nangyari. Nginitian ako ni Prince ng napakaganda at tumayo para lumapit sakin.

"Magpahinga ka pa ulit, kulang ka daw sa pahinga sabi ng doktor" ika ni Prince habang inaayos ang aking pagkakahiga; alam ko kaya. Duh?! Tulog-tulugan lang kaya ako kanina, ikaw kasi, lagi kang tumatakbo sa isipan ko, na puyat tuloy ako.

Sa huli sinunod ko pa rin ang sinabi niya at sinubukan na ulit magpahinga, ipinikit ko ang aking mga mata at nakatulog kaagad.

Sa aking muling pag gising umasa ako na ang madadatnan ko saking tabi ay si Prince pero, kanina pa daw ito umalis, ika ni Jared na siya namang nag babantay na sa akin.

Hindi ko pa rin maiwaglit sa aking isipan ang naganap kanina, napakalinaw pa rin sa alaala ko ang pagnakaw ng halik ni Prince; ang pakiramdam na dulot nito sakin, ang pagtibok ng puso ko ng walang humpay, ang paglapat ng kanyang malalambot na labi at, ang pag dampi saking balat ng bawat niyang hininga na talaga namang kumiliti sa aking buong pagkatao.

Tumayo si Jared sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa akin ng bahagya, nginitian ako nito ng tulad ng dati, nginitian ko rin naman siya pabalik bilang tugon. Makikita mo sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan at pagaalala, mapapansin mo rin na tila meron siyang gustong itanong sakin pero pilit niya itong pinipigilan. Sa aking tingin alam ko naman ang kanyang nais itanong sa akin; malamang ang una rito ay bakit kasama ko si Prince, pangalawa, anong ginagawa namin sa katabing bayan, pangatlo, ano ba ang namamagitan samin ni Prince? Sa totoo lang yan din ang mga gusto kong itanong sa aking sarili, ano nga ba ang meron kami ni Prince?

Sobra na rin akong naguguluhan, mahal ko si Jared pero nahuhulog na ko kay Prince. Alam kong nasasaktan na si Jared at pilit pinaglalaban ang relasyon namin, at gayon din naman ang nais kong gawin pero hindi iyon ang binubulong sakin ng isipan ko. Hindi ko mapagtanto paano nagsimula ito pero, sana hindi na lang ako pumayag na makilala siya ng lubos para hindi na umabot sa ganito. Iyong oras na naglapat ang aming mga labi ay ang natatanging oras na nakaranas ako ng isang bagay na sobrang sarap pero masakit, masakit kasi alam kong may nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko, hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang tama at mali. Pero isa lang ang dapat kong gawin iyon ay ang maagapan ito bago pa ito umabot sa istado na hindi na kayang maayos pa.

"Nasaan si Prince?" tanong ko kay Jared. Kitang kita naman sa kanyang mga mata na nasasaktan siya pero, kailangan ko lang talaga malaman kung nasaan si Prince.

Pilit itong ngumiti bago ito sumagot "nagmamadali siyang umalis pagkarating ko," Naku, guilty ata sa ginawa niya sa akin "meron daw kasi siyang appointment today, hindi ko na tinanong kung ano" dagdag pa ni Jared sa kanyang tinuturan na, halatang halata naman na nasasaktan sa kanyang bawat salita.

"Ganoon ba? Gusto ko lang sana magpasalamat sa kanya sa pagdala sakin dito sa ospital" sambit ko para isipin niya na, gusto ko lang magpasalamat kaya ko hinahanap si Prince.

Iniyuko naman nito ang kanyang ulo at huminga ng malalim bago ito ulit tumingin sa aking mga mata, tinitigan niya rin ako ng mga ilang minuto, ito na ata ang isa sa pinaka matagal ng limang segundo ng buhay ko.

"Jen Loves," ika nito habang sinusuri ang aking reaksyon sa aking mga mukha, bago ito nagpatuloy "gusto mo bang umakyat sa taas, doon sa may rooftop?"

Nginitian ko siya bilang tugon. Agad namang lumabas ito ng kwarto at pinagpaalam ako sa isang nurse na kung pede ako magpahangin sa labas, nakangiting bumalik si Jared. Ipinaliwanag nito sakin ang kanyang magandang balita, pwede daw at pwede na rin daw akong makauwi.

Dinala ako ni Jared sa may rooftop. Malapit ng mag umpisa ang pag lubog ng araw, makikita mo ang napakamapayapang kalangitan na parang pinahiran ng kahel at pula. Napakaganda nito, hindi ko maiwasan na mamangha at mapayakap kay Jared na kasalukuyang tinititigan ako habang nakangiti.

Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon