"Chance, our son is only eight months at hindi pa nakakalakad. At masyado itong malaki para sa kanya." Sermon niya rito.

Ngumuso naman ito habang nakikipaglaro kay Chester. "Bakit? Hindi lang naman siya ang maglalaro dito in the future. He will have a playmate eventually." He commented.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"What I mean is, pwede siyang makipaglaro dito with the triplets and with Lenard and Lae." Palusot nito.

Inirapan na lamang niya ang asawa. Tinawagan ni Chance ang isa sa mga katulong at pinabantayan ang anak.

Dinala siya ni Chance sa master bedroom.

"This will be our room." He said.

Their room is different from the other designs downstairs. Kulay cream ang dingding nila habang kulay gray naman ang king size bed nila. It looks luxurious and modern. Mayroon pang veranda kung saan kita ang backyard nila kung nasaan naroon ang garden at infinity pool. Tanaw rin mula roon ang mga naglalakihang bundok.

But what really caugth her eyes is the familiarity inside of their room.

"Oh my God." She mumbled nang makita ang mga lumang gamit niya. Her Cameras. Paintings and the big frame kung nasaan ang mga litraro na kinuhaan niya noon.

"Akala ko ba itinapon muna ang mga ito?" She asked in disbelief.

Ngumiti ito at niyakap siya mula sa kanyang likuran. "I would never throw it baby. Iyan na nga lamang ang mga bagay na nagpapaalala sa akin noon tungkol sayo to keep me sane, itatapon ko pa ba?" He said sweetly habang hinahalikan siya sa batok.

Inis na siniko niya ito. "Kainis ka!" Asik niya habang naluluha.

How she missed to take pictures. Noong pinanganak niya si Chester ay nakalimutan niya na ang passion. Masyado na siya noong focus kay Chester.

Dinampot niya ang isa mga camera niya. It's her Hasselblad H5D 200MS camera. Isa ito sa mamahalin niyang camera at madalas na gamitin niya.

Tinutok niya ito kay Chance at kinuha ang tamang angulo. "Smile.." She said

Chance did smiled a little. And he looks gorgeous.

Tatlong araw matapos nilang lumipat sa bahay nila ni Chance ay nagkaroon sila ng kaunting salo-salo kasama ang mga malalapit na kaibigan. Hindi makakadalo ang mommy niya dahil nasa palawan pa daw ito habang ang mga magulang naman ni Chance ay hindi rin makakadalo dahil sa overseas meeting ang mga ito. Ngunit nangako naman ang mga ito na dadalaw.

Ang mga matalik na mga kaibigan nila ang pumunta kasama ang mga anak nila.

Agad na nawili ang mga bata sa playroom kasama ang mga yaya nito. Habang silang mga babae ay nagluluto sa loob at ang mga lalaki naman ay nag iihaw sa backyard.

"This house is pretty nice at malapit lamang sa bahay ng isat-isa sa atin. I like it!" Natutuwang wika ni Annisa.

Ngumiti naman si Alora. "Yeah. We can have more time to bond to each other. Right, Niks?"

Bumaling silang lahat kay Nika. Napansin kasi nila na medyo tahimik ito ngayon.

Nika force to smile. "Yeah. It's nice." She said bago muling inabala ang sarili na ginagawa.

Napatingin sila sa isat-isa. Ngumiti lamang ng malungkot si Annisa at nagsimula na sa paghihiwa ng mga gulay.

Noong matapos silang magluto ay sinilip na lamang nila ang mga anak.

Natutuwa siyang makita ang anak na masayang nakikipaglaro. Naka upo ito sa mat habang nakalatag sa harapan nito ang mga laruan at kalaro si Xandra at Sandro.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Where stories live. Discover now