“Sabagay…atlis hindi ka na mamomroblema sa biyahe…”

            Hindi na siya sumagot. Abala na siya sa pag-aayos kaya inayos ko na rin ang gamit ko.

            “Juan, pa-check nga kung gumagana yung mic mo!” ani ni King sa’ken na nakapuwesto malapit sa mga sound engineers. Nasa bandang dulo ng venue ang tent nila kaya kelangan pa niyang gumamit ng mic para marinig ang tunog ng stage.

            Tinapik-tapik ko ang mic. Medyo mahina. Sinenyasan ko na lakasan. Nang makuha ang tamang volume, sumenyas ulit ako ng ‘okey’. Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko sa iba pang mic. Tapos nun, kanya-kanya na ng testing ng gamit. Halo-halong feedback. Kapaan ng volume. Umaawat naman si King.

            “Hinaan niyo! Dito na namin lalakasan! Monitor nyo lang yan!”

            Ilang saglit pa, naayos na din ang timpla ng mga gamit. Diretso na ng soundcheck. Napatigil ang ilan sa mga gumagawa ng magsimula na kaming tumugtog. Yung mga dancer, parang nainis. Nasapawan namin ang tugtog nila. Pero tuloy lang kami sa tugtog. Wala munang vocalist. Pasada lang muna kahit instrumental. Maya-maya lumapit sa’min si Alesi.

            “Ilang oras kayo magre-rehearsal?”

            Ako na sumagot. “Isang oras, puwede ba? Madami yung kanta…”

            “Ah…kasi gagamitin din ng dance club yung stage,” napatingin siya sa relo. “Di nyo ba kaya ng half hour lang?”

            “Mahaba ba sayaw nila?” tanong ni Ada.

            Hindi nakasagot si Alesi. Nilapitan nito ang grupo ng dance club saka kinausap. Matapos ang tanguan, binalingan niya kami ulit.

            “Quarter to five dapat tapos na kayo. Di pa tapos yang stage, may mga ikakabit pa. Half hour daw ang praktis nila, okey na ba?”

            Sumang-ayon naman ang lahat. Tuloy ang rehearsal.

            *          *          *

“Men, nag-start na yung first band! Di pa namin sure kung pang-ilan tayo!” halos pasigaw na si Tuds habang kausap ko siya sa cellphone. Maingay ang background niya. Halos hindi kami magkarinigan dahil sa ingay ng program.

            “Taena ang aga naman! Andyan na kayo?”

            “Oo, kani-kanina lang! Tanginang Archie yan kala namin di na darating! Masakit daw ang tiyan ang puta!”

            “Pakyu kamo siya! Kinakabahan lang yan! Alak lang katapat niyan!”

            “Haha! Oo nga! E ikaw, anong oras ka darating? Tangina Sa-I baka ilaglag mo kami a!”

Ang Babae sa Kabilang ClassroomWhere stories live. Discover now