Chapter 19 What if?

Magsimula sa umpisa
                                    

Lagi na lang akong nasasaktan. Pero ang sabi sa nabasa ko, kapag nagmahal ka.. hindi puro saya, kasama niyan ang lungkot at sakit. Pero bakit ganun, lagi na lang yung sakit? Pesteng pag-ibig yan!! sakit sa puso!

''Naranasan mo na bang mainlove?'' out of nowhere kong tanong.

''oo naman.'' sagot niya.

''talaga?? kung ganoon nagkaboyfriend ka na pala.. No offense hah, hindi ko lang kasi naisip, kasi di ba priority mo ang studies mo.'' paliwanag ko.. Baka kasi mamisunderstood niya.

''hindi ko naman sinabaing mahal din ako nung taong mahal ko.'' Agad akong napatiingin sa kanya. OO nga naman! Tanga mo talaga Lance!

''Bakit? may girlfriend na ba?''

''wala''

''alam ba niyang mahal mo siya?''

''nope.''

''e, bakit hindi mo sabihin? malay mo mahal ka din pala niya.'' advice ko naman.

''How I wish.. pero alam ko naman na may mahal na siyang iba kaya worthless din kung sasabihin ko pa.. Ipapahiya ko pa ang sarili ko.''

''pero atleast nagtry ka.''

''nakakahiya kasi kung babae ang aamin sa lalaki, para sa akin.''

''e, sino ba yung lalaking yun? ang tanga niya para hindi pansinin ang isang tulad mo noh.. beautiful inside and out, matalino at totoo magmahal.. san ka pa?" sabi ko. Natahimik siya sandali.

''wag ka ngang ganyan.. Hindi natuturuan ang puso kaya okay na sa akin na minamahal ko siya sa paraang alam ko.'' what the?? may ganito pa palang babae ngayon.. Mostly kasi pinagpipilitan ang sarii kahit ayaw naman sa kanila... Pathetic girls.

''Pero paano ba mag-move on?'' tanong ko ulit.

''sabi nila, panahaon lang ang kailangan.. Meron din naman iba na ibinabaling nila ang atensyon nila sa ibang tao o bagay.'' 

''Ano yun.. rebound?'' 

''sabi ko, atensyon ang ibinabaling.. hindi yung nararamdaman.''

sorry naman po.. wala naman po kasi akong alam jan sa LOVE-LOVE na yan at MOVE-ON-MOVE-ON na yan! Balik kami sa katahimikan at tanging yabag lang ng mga paa namin ang naririnig. At ilang sandali pa..

''what if.. Magsama na lang tayo?'' Agad napatingin sa akin si Hannah at nanlaki ang mga mata niya. ''ah... I mean is parehas naman tayong heartbroken .. bakit hindi na lang natin ituon yung atensyon natin sa isa't isa?'' paliwanag ko.

Hannah's POV

WWWWWHHHHHHAAAAAAATTTTTTTTTTTTTTT????? O_O totoo ba ito?

at nasa matinong pag-iisip ba itong kasama ko? Alam ba niya ang mga pinagsasasabi niya? at alam ba niya kung ano ang epekto nun sa akin?? MALAMANG HINDI!

''sigurado ka ba sa sinasabi mo?'' tanong ko.

''oo naman. yun ay kung payag ka.'' HALA! seryoso nga siya! What to do?

''oh, ano? payag ka ba? kasi kung ayaw nila sa atin, edi wag nating pilitin! For sure there's the right person for us.'' sabi niya at pumwesto sa harap ko. '' pero habang wala pa sila, tayo muna. ano? deal?'' sabay lahad niya ng kamay sa akin.

HUMAYGULAY AT PALAY!! anong gagawin ko?? papayag ba ako? pag pumayag ako, pwede ko siyang matulungan makaget-over kay ate.. tapos ako ang papalit sa kanya. Perfect!

P-Pero..

''mukhang aya---''

''I agree.'' mabilis kong sagot at inabot ang kamay niya.

''Now, may ipapagawa ako sayo.'' sabi niya sabay akbay sa akin. start agad-agad??

''isa lang naman.. wag kang mag-alala.''

''ano naman yun?''

''wag mong hahayaang mapako ang paningi ko sa ate mo . okay? gawin mo lahat ng paraan mapabalik mo lang ako sa sarili ko.''

I just nod. waaaaaah..di ko talaga lubos maisip na mangyayari ito ngayon.

'' ikaw, sino ba yung type mong guy? para naman mapakita natin sa kanya na hindi siya kawalan sayo.'' e, paanno kung sabihin kong IKAW yun?? ABER??

''wag mo ng isipin yun.. wala dito sa school yun.''  palusot ko.

''ay, sayang!''

KWentuhan lang kami ng kwentuhan habang naglalakad at naka-akbay sa akin..

Wala sana akong pagsisihan sa desisyon kong ito.

-------------------------

THANK YOU!

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon